Chapter 22-B: A Good PA
Mga katulad ninyo…
**Author’s POV**
“Good Morning!” bati ni J kay Dylan pagbaba pa lamang ni Dylan mula sa sasakyan niya.
Dylan just looked at her na may konting pagtataka.
He looked around him. And as usual, madaming tao sa paligid. Pero bakit ang lakas ng loob ngayon ni J na talagang hinintay pa talaga yata siya. Pati sina K at H eh napilitang maghintay. They can’t take the risk na mag-isa na namang mamurder ang bestfriend nila.
“Let me carry your bag,” wika ni J sabay kuha ng bag ni Dylan.
“Wait,” wika ni Dylan.
“Bakit?”
Kumuha si Dylan ng isa niyang script tapos binigay ulit ang bag kay J.
Si J naman, hindi matinag ang smile. Kahit nabibigatan siya sa bag, nakasmile pa rin.
“What’s with J?” tanong ni Ken kay H at K.
“I don’t know. Ang weird nga eh. Kahapon, pag-uwi namin, para siyang nalantang gulay na naihagis ang brain sa outer space at nagsipag-ikot ang neurotransmitters niya sa Jupiter. Pero kanina, umagang-umaga palang eh nakasmile na. Muntanga nga eh,” sagot ni K.
“Maybe it has something to do with their conversation yesterday,” wika ni Alex.
“Anong conversation?” tanong ni H.
“Didn’t hear it pero parang seryoso ang mga binitawan nilang salita.”
“Ganun ba?”
Sabay-sabay silang anim na nagtungo sa rooms nila.
Tila nawalan na rin ng takot ang tatlo na sumama sa mga Showbiz Princes. Sanay na sila sa mga nanlilisik na mga mata ng mga fans sa paligid. Tsaka isa pa, confident naman na silang labanan ang mga ito in case sugurin sila. Hello? Black belters nga sila diba?
Nasa likuran lang nila J at Dylan ang apat.
Hindi pa rin nila maisplika kung ano bang meron kay J at tila ba merong plaster sa mga labi’t nakasmile pa rin kahit nahihirapan sa pagbubuhat ng bag ni Dylan.
YOU ARE READING
The Princesses and Showbiz Princes (ON WORK. Not UPDATED FOR 2 YEARS)
Novela JuvenilThis is a story of 3 princesses that pretended to be 3 waitresses then met the 3 showbiz princes and struggled with the 3 showbiz fairies... Want 3x fun in just one story? -----------------------------------> Start Reading!