CHAPTER17:I'm kidnapped!! (Part 1)

72K 1.8K 12
                                    

Naglalakad palang ako ng may biglang tumigil na itim na Car sa harapan ko.

Muntik na nga akong mabangga eh.

May biglang lumabas naman na tatlong mga maskuladong lalaki na may bonet sa ulo.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba matapos ko silang makita.

Dali dali naman silang lumapit sakin.

Yung dalawang lalaki hinawakan yung magkabila kong braso.

Sobrang higpit...

Halos hindi na ako makagalaw dahil sa sakit at kabang nararamdaman ko.

Yung isang lalaki may hawak na panyo kaya naman agad akong nataranta.

Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila.Pilit akong kumakawala pero hindi ako makaalis.

"Aray!ano ba!! bitawan nyo nga ako!!"sigaw ako ng sigaw pero parang wala paring nakakarinig.

Papalapit na ng papalapit na sakin yung isang guy na may hawak na panyo.

Dahil nga hindi naman ako makawala sa pagkakahawak nila, ang ginawa ko nalang ay sinipa sa mukha yung guy na may hawak na panyo and that cause him para matumba.

Nagpumiglas ulit ako pero talagang malalakas sila.

Galit namang tumayo si panyo guy and pagkatayo nya ay lumapit sya sakin at saka ako sinampal ng ubod ng lakas.

Pagkatapos nun ay isa pa ulit sampal sa kabilang pisngi ko naman.

Nagdugo na din yung tagiliran ng labi ko dahil sa lakas ng sampal nya sakin.

Syempre ang sakit ng sampal nya.Halos umikot na nga ung ulo ko dahil sa sobrang lakas.

At aba!Hindi ako papayag nun!

And alam nyo ba ang sunod kong ginawa?

Sinipa ko sya sa you-know-where-it-hurts-the-most nya.

Kaya naman napaigkas sya.

"Huh!!Take that a**hole!!" I shouted.

Napatingin naman ulit sya sakin and yung mga mata nya parang nanlilisik na nakatingin sakin.

Bigla nalang nyang hinalbot yung buhok ko , yung parang type na sabunot na.

GANGSTER HIGH (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon