1.
The plane is about to land in a few minutes, please secure all your seatbelts. The estimated weather outside is 27 degrees celsius. Thank you for flying with us!
"Ahh..I'm so excited!" Kuya blurted out, pagkatapos ay saka sya ngumiti sa akin. I just shrugged it off then I turned to my wristwatch and adjusted it, plus seven hours.
"Are we staying here for good?" I asked him.
"Yep!" Napasimangot naman ako sa narinig.
We were born and raised in London, UK. Marami narin akong naging friends doon from the Filipino and Chinese community and never pa akong nakauwi dito sa Philippines, I'm happy and contented sa situation namin doon. After ng seventh grade ay saka ko nalaman kung bakit di kami mapauwi ni papa sa Pilipinas. Ang sabi ni mama madadamay daw kami sa gulo ni kuya kung di kami ilalayo, papa constantly receives a lot of threats, isa na daw doon ay ipapa-ambush kaming pamilya niya.
Naging masaya naman ang childhood namin ni kuya sa London. Bukod sa community school pag weekdays ay may private tutor kami ng saturdays, si teacher Jaimie, sya ang nagturo sa amin ni kuya ng Tagalog at kung anu-ano pang tungkol sa Pilipinas. Kahit di naman ituro ni teacher Jaimie ay alam ko narin naman iyon, mama implemented a Tagalog-only policy when at home. Dadating daw kasi ang araw na di na nila kami maitatago ni kuya.
At dumating na nga ang araw na iyon.
Pagbaba palang ng eroplano ramdam ko na kaagad ang init ng hangin na dumampi sa balat ko. Agad kong inilabas ang wayfarers ko at isinuot iyon, saka ko tinanggal ang scarf na suot ko. Grabe, anlaki ng agwat ng temperatura kesa sa London. Si papa at mama pa mismo ang sumundo sa amin.
Medyo hindi nga maganda ang view paglabas ng airport eh. Pero di ko na iyon pinansin dahil sa sobrang antok ko. Ito na siguro ang tinatawag na jetlag.
*BUZZZZZZZZZ!*
Napabalikwas naman ako ng bangon sa narinig, nagulat pa ako dahil nasa loob na ako ng isang kwarto. Pagtingin ko sa bintana ay madilim na kaya naman tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Pagtingin ko ay nakaayos ang maleta ko sa tabi ng couch. Agad ko naman iyong nilapitan at binuksan. Puro sweatshirts, jackets, longsleeves..anong mapapakinabangan ko dito sa init ba naman ng panahon dito? Kainis naman.
"Oh, good thing you're up already!" Lumapit si mama at saka ito umupo sa tabi ko.
"What time is it?"
"Nine in the evening, c'mon change your clothes then baba na sa dining hall. We'll have a late dinner na."
"Ma, this is all I have!" Saka ko naman ipinakita sa kanya ang laman ng maleta ko. Ngumiti naman ito sa akin saka ako inakay sa pinto malapit sa kama. Pagpasok namin ay walk-in closet pala. Maraming damit na ang nandoon, mama prepared everything ahead of time, I assume. Napangiti naman ako dito sa mga nakita, tees, blouses, jeans, sando..tumango lang ito sa akin saka ito lumabas.
Kababa ko palang sa dining hall ng biglang sumasagsag papasok ang isa sa mga maids hawak ang wireless landline.
"Ma'am Gail, kay Van daw po." Napatingin naman sa akin si mama at papa na parang nagtatanong, saka naman tumango si mama. Hudyat na iyon para tanggapin ko ang tawag.
"H-hello?"
Hello, can I please speak to Van?
"Speaking, who's this?"
Van! It's me, Cae!
"Cae! Akala ko kung sino na!" I turned to them and relief was written all over their face.
So how was the Philippines? Halatang excited na excited sya sa pagtatanong.
"Kakagising ko lang, and I don't know yet." I said bluntly.
Okay! I'll send you a message on facebook nalang. Then the line went off.
Caela's a classmate slash playmate. Both of her parents are Filipino immigrants in London. Only child, kaya madalas ay sa bahay sya nagi-stay. We've been friends since diaper years, she's my exact opposite, sobrang girly while me gustung-gusto ko yung mga ginagawa ni kuya like basketball, soccer, video games..all those stuff. Siya lang ang naging ka-close ko sa lahat ng mga naging kaklase ko sa school, maybe because she's just living next door. Sabi ko nga sa'yo, parang inampon na namin sya dahil may sarili na syang gamit sa bahay namin.
Akala ko nga sya lang ang magiging kaibigan ko for the rest of my life eh. Until the start of fourth grade, of course, start of school year, new set of classmates, but I knew Caela and I were in the same class 'cause mama always made it sure na lagi ko syang kasama. So ayun mabalik nga tayo sa first day namin noon, di ko nakasabay si Caela papasok since nung dumaan ako sa bahay nila tita Mel told me na di pa daw sya prepared.I sat at the back part of the room, then I noticed a new kid..well certainly he's not new baka ngayon ko lang naging classmate.
He's really white, he looks like a vampire, parang walang buhay..walang dugo..ganun. As I was discreetly checking up on him from time to time, naramdaman niya sigurong may tumitingin sa kanya so he looked at my direction. Pero masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya. Don't get me wrong guys, I DON'T LIKE HIM! Suplado!
Nagstart ang class nang di dumarating si Caela, I became so worried kasi sya nga lang ang kasama ko, kung absent sya ngayon then that means wala akong makakasabay kumain sa cafeteria. Good thing my yaya always puts fresh milk on my bag before leaving..pero that won't be enough for my lunch.
Came lunch time, all the kids were practically running to the caf, while me..I was just sitting there waiting for them to evaporate. Nang wala na lahat, I stood up then gathered my books and then shoved it inside my bag saka ako dumiretso sa playground. Mr. Hamilton, our Physical Education teacher were distributing balls to the kids, ako diretso lang sa swing. Ako nalang ata ang fourth grader na nandun, isa nalang ang vacant na swing at talagang tinakbo ko pa iyon, naunahan ko pa nga yung batang babae eh! Hahaha! Pagtingin ko sa right side, nagulat pa ako dahil yung classmate ko palang lalaki yung nandun.
Pero ang mas nakatawag ng pansin sa akin ay yung hawak niyang sandwich at nakikita ko pang sumisilip ang cheetos sa bag niya. Jeez, tapos ako gatas lang? Magbaon nalang din kaya ako? Napansin nanaman siguro niyang nakatitig na ako sa hawak niyang sandwich kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko.
"H-Ham butty?" I smiled at him, pero tinignan lang niya ako saka tumango..
Sakto namang kumulo ang sikmura ko. Tapos napatingin ulit ako sa kanya. Nagulat pa ako dahil inabot niya sa akin yung isang plastic ng sandwich.
"T-thanks.." Syempre tinanggap ko, di na ako magpapaka-plastic no! Gutom na gutom na ako eh.
"No problem." Sagot niya. Sa wakas nagsalita din, akala ko deaf-mute ito eh.
"This is good." Sabi ko pa sa kanya sa pagitan ng pagnguya. Ngumiti ito at natulala ako sa lalim ng dimples niya, di ko namamalayan na--
"OUCH!" Sigaw niya, napatingin ako sa paligid namin at wala namang pumansin sa amin kaya naman tinignan ko ulit sya.
"S-sorry..i-it's just that.." Sinundot ko kasi yung dimples niya, eh napadiin..sorry naman. Wala kasi ako nun eh!
"It's alright. By any chance, are you a Filipina?" Napatingin ako rito at saka ako tumango tango..
"Yes! Filipino-Chinese actually!"
"Me too!" Para namang nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya! BESTFRIEND! BESTFRIEND NA KITA PLEASE?!
"T-talaga?!" Nagtagalog na ko, sino pa bang lolokohin ko diba?
"Yeah, I'm Hiro."
"Van.."
"Van?"
"Savannah actually, Van's my nickname."
"'kay, I get it."
"So do you have any other friends?" The more, the merrier diba? Haha! Nae-excite naman ako.
"Nah--" Wala? Ano bang social life meron ang taong 'to? Wala kahit bestfriend?
"Okay..I have a bestfriend, she's Caela, but she didn't make it to school today..bukas ipapakilala ko sya sa'yo, she's a Filipina!" I excitedly told him, at tumango tango lang sya sa akin.
Di ko na sya nakausap after lunch at di ko narin sya nakita kung saang school bus sya sumakay. Dun agad ako sa bahay nina Cae dumiretso pagkauwing pagkauwi ko, may sakit pala kaya di nakapasok. Kinwento ko sa kanya na may bago na kaming friend, oh diba? At yun nga ay si Hiro!
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Teen FictionI just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________ This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously...