Nineteen

1.3K 29 6
                                    

19

Semestral Break.


Kahit andito ako sa Pilipinas, pakiramdam ko ay wala namang pinagkaiba sa London. Madalas ring wala sa bahay sina mama at papa, ganun din naman si kuya na kahit sembreak ay nasa school at nagpa-practice daw ng basketball. Oo, na-recruit siya sa Fighting Maroons pero hindi pa ata sya pwedeng maglaro sa UAAP, saka kino-consider din daw ang schedule at grades niya lalo na't nasa College of Engineering sya. Si kuya lang kasi ang nag-iisang player ng Fighting Maroons na Engineering ang course.

Di ko rin naman mapuntahan si Henry dahil nasa U.S. sya ngayon, tama nga ang hinala ko noon na Massachusetts' Institute of Technology ang MIT na binanggit niya sa akin noon. Nakuha naman niyang magpaalam, yun nga lang tumawag kung kelan nandun na sya.

Sina mama at papa, ayun, as usual kabi-kabilang business trips, events, social functions, at kung anu-ano pang related sa business world. Sabagay, sanay naman ako sa ganitong buhay eh.

"Ma'am Van, may bisita po kayo." Napatingin naman ako kay kuya Gary, isa sa mga security namin.

"Sino po?" Kasi wala naman akong ini-expect na bisita ngayon.

"Janus daw po." Ay wow!

"Sige po, kuya, papasukin niyo na!" Buti at naisipan akong puntahan ni Jan-Jan, baka bored narin sya sa bahay nila? Madalas din kasi atang wala ang parents niya eh, tapos yung kuya niya parang kuya ko rin na nasa college na.

Nakita ko syang papasok at may bitbit na kahon sa kaliwang kamay habang paperbag naman sa kanan, agad akong lumapit sa kanya para tulungan siya.

"Buti napadalaw ka." Ngiti ko sa kanya habang binubuksan ko ang paperbag, wow ang daming chips!

"Wala kasi akong magawa sa bahay eh, pupunta din ata si Mitchie. Pasensya na kung di ka namin nasabihan ah."

"Sus, wala yun no, saka may magagawa pa ba 'ko eh andito ka na?" Pagbibiro ko pa sa kanya, pero ngumiti lang sya.

Doon ko lang sa kusina nalaman na cake pala ang laman ng kahon na hawak niya, gusto ko na tuloy kumain, kaso hinihintay pa namin si Mitchie eh.

"Dala ko pa yung external drive ng kuya ko." Sabi niya habang tila may hinahanap ito sa loob ng bag. "Nood tayo, maraming series at movies 'yun eh." Nice, wala kasi akong tyaga sa pagda-download ng series kahit na mahilig din akong manood ng mga iyon.

Di pa man kami nakakapaghanda sa entertainment room ay dumating narin si Mitchie na nakasimangot.

"Para kang binusted ng nililigawan." Tila mapang-asar na puna rito ni Jan-Jan.

Tinignan na muna ito ng masama ni Mitchie saka binato ang isang stuffed toy kay Jan-Jan na mabilis namang nakailag, "tse!"

Haay, heto nanaman po sila, pero seriously, namiss ko ito ah.

"Is there something wrong, Mitchie?" Tumabi ako sa kanya sa couch habang abala naman si Janus sa paghahanap kung saang folder ba na nagtatago ang mga series at movies.

"Ay paano naman kasi si papa Brent, wit mapansin ang beauty ko, nakasalubong ko sya sa clubhouse kanina, pero ayun.." Nagpapadyak pa muna ito bago muling nagkomento, "ang poor ng eyesight niya!"

Si Brent pala, senior namin sya, at oo, sya ang matagal nang crush ni Mitchie, pero may iba namang gusto si Brent. Accorsing sa kwento ni Mitchie ay taga roon din sa subdivision yung tinatawag niyang "witch" na gumayuma raw kay Brent. Teka, para saan ba ang gayuma, or better yet, what is gayuma ba?

"Hay nako Mitchie, maraming lalaki dyan, hindi lang si Brent." Nakalapit na pala sa amin si Jan-Jan, saka ito umupo sa carpet habang inaabot sa amin ang bowl ng popcorn.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon