18.
"Huy, problema mo? Kung ayaw mo ng pagkain mo akin nalang." Siniko ni Mitchie si Jan-Jan kaya naman di ko maiwasan ang matawa. Pero pansin ko nga, buhat nang makabalik kasi kami kanina sa classroom hindi pa ulit niya ako kinakausap. Di ko tuloy alam kung mali ba yung ginawa ko kaninang pagtatanong sa kanya.
Mali nga ba?
"Huy, isa ka pa, bakla! Hello? Pansinin niyo naman ako dito? Ano 'ko hangin?" Mitchie suddenly nudged me in the arm, causing me to snap back to reality. Ahh, nakakainis, why am I spacing out again?
Napayuko naman ako sa pagkain ko. "S-sorry Mitchie, may naisip lang ka--"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nanaman itong magsalita, "ang pogi talaga ni Lyndon no? Oh my gosh, dito ba sya nakatingin?" Agad namang napaangat ang ulo ko sa direksyong tinitignan niya, ayun nanaman yung biglang kaba saka pamumula.
"Bakla!! Nakatingin ata sa akin! Sabi ko na kaya nakikipag-close sa'yo yun para sa'kin eh.." Napatingin naman ako kay Mitchie na tila pigil na pigil ang kilig at paghinga? Yung totoo?
Bumalik muli ang tingin ko kay Lyndon, nagulat pa ako nang makitang malapit na sya sa mesa namin.
"Hi.."
"Hi Lyndon!" Ipinaubaya ko na kay Mitchie ang pagbati, para kasing masasamid ako anytime eh. Nakakahiya, eh oo nga, bakit ba ako nahihiya? Ano ba 'to?
"Tss, balik na ko sa classroom." Agad tumayo si Jan-Jan dala ang tray niya.
"Janus!" Tawag rito ni Mitchie, pero ni hindi man lang ito nagtapon kahit ng isang tingin, "ay nako, baka naka red alert ngayon si lolo, habulin ko lang ah!" Napapailing na paalam pa sa amin ni Mitchie, pero bago pa man tuluyang umalis ay bumulong pa ito. Alam kong ikaw pinunta ni Lyndon dito..ayieeh, sagutin mo na bakla! Sayang ang isang yan! Di ko tuloy naiwasan ang pagngiti.
Huwat?
Kailangan may ngiti agad?
Kainis naman.
"H-hi..k-kamusta yung exam?" Binati ko narin ito, pero di parin ako makatingin sa kanya ng diretso. Di ko alam kung bakit ako nahihiya eh.
"Okay naman." Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti lang ito saka niya inangat ang kamay niya na may hawak ng isang paperbag, "para sa'yo pala. Naalala kasi kita nung nakita ko 'yan."
"Naku, di ka na sana nag-abala."
"Okay lang, sana nga naibili pa kita ng iba eh, kaso wala naman akong gaanong time maglakwatsa." Then he let out a chuckle.
"S-salamat ha..next time ako naman magbibigay sa'yo. Nakakahiya naman kasi." Sabi ko rito habang inaabot ko ang paperbag. Kahiya, lahat nalang ng nasa malapit na mesa at ibang dumadaan na estudyante eh pinagtitinginan kami. Gulay.
"As far as I know ay ako ang nanliligaw. So it's really okay kung di mo ko bigyan ng kahit ano." Muntik ko nang maibuga ang ininom kong juice. Anong ligaw? Sino?
"H-ha?!"
"I'm sorry kung nagulat kita ha." Parang understatement pa ata ang salitang gulat para sa akin eh? Like seriously?
"Haha, mahilig ka rin palang mag-joke no?" Pinilit kong tumawa habang iniiwasan ko ang mga mata niya.
Saglit syang natahimik saka bigla nalang niyang hinawakan yung kamay ko. Yung kaninang sobrang bilis na tibok ng puso ko, ngayon sobrang bagal naman na parang kinukulang na ako sa hangin, abnormal na ata ako, ano ba ito?
"Seryoso ako Van, alam ko naguguluhan ka saka di mo pa ako gaanong kakilala pero okay lang naman sa akin ang maghintay eh." Dahan dahan akong tumingin sa kanya saka ko pasimpleng binawi yung nanlalamig ko nang kamay dahil literal na hindi na nagbubulungan yung mga nasa katabi naming mesa eh.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Teen FictionI just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________ This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously...