20
"Apple?" I checked the cakes.
"Van.."
"Or strawberry?" Mukha kasing mas masarap yung strawberry?
"Van.."
"Lemon? What do you think?" Mas nasasarapan ako sa lemon cake, wala kasing mango.
"Van." He held my cold hand then let out a low laugh. "Are you nervous?"
Tinignan ko muna sya saglit, "k-kasi naman di ko alam kung ano ba gusto ng kapatid mo?"
"It's okay, she'll eat whatever flavor it is." He smile reassuringly.
Tumango na lamang ako at nagsettle sa lemon cake, si Lyndon ang kasama ko at pupunta kami sa bahay nila ngayon. Umuwi na raw kasi yung sister niya. Hindi ko lang kasi alam makisama sa mas bata sa akin since ako ang bunso, mas sanay akong, ako ang pinapakisamahan.
Nasa loob na kami ng sasakyan nang basagin niya ulit ang katahimikan.
"Uhm, about my sister. Please uderstand if she'll not respond to any of your questions." Humarap ito at ngumiti sa akin.
"Okay lang."
"But I know you'll get along well with her. She loves playing the piano."
Hindi nagsasalita ang kapatid ni Lyndon, post traumatic disorder ata. Si Margareth daw kasi ang mismong nakakita kung paano nag-suicide ang panganay nilang kapatid. Bata pa siya noon kaya naman tumanim sa isip niya ang mga nakita. Laging tulala, minsan hindi nakikinig sa mga tao sa paligid, tila may sariling mundo, at ayun, hindi na nga nagsalita after nung incident.
Pinatignan si Margareth sa mga specialist sa U.S. at U.K. pero wala namang naging development hanggang sa magdecide ang tita Vera nila na sya na muna ang mag-aalaga sa bata dito sa Pilipinas. Ang alam ko ay ayaw umuwi ni Margareth dito sa bahay nila sa White Plains, kaya naman tuwang tuwa si Lyndon nang sumama na ito pabalik sa tita Vera niya noong Saturday lang.
Tunog agad na nagmumula sa piano ang sumalubong sa amin pagpasok pa lamang namin ng bahay, saglit itong huminto at saka may tumakbo pababa na babaeng nasa 9 or 10 siguro ang edad at may hawak na rag doll. Nakangiti itong sumalubong kay Lyndon pero agad ding nawala ang mga ngiti niya ng mapansin ako.
"Margareth, si ate Van pala." I tried to smile kahit kinakabahan ako sa kanya.
"H-hi." I muttered, pero tumalikod lang sya at saka tumakbo paakyat kung saan sya nanggaling.
Ano naman kaya ang nasabi ko para gawin niya iyon?
"I'm sorry, she's still not used of seeing other people around in here." Lyndon apologized, naiintindihan ko naman.
"Okay lang."
Hanggang sa naisipan kong ako na ang magdala ng cake kay Margareth, para makausap ko narin sya ng maayos. Pumayag naman si Lyndon, gusto pa sana niya akong samahan kaso ay may kakausapin lang daw syang importante kaya pinauna na niya ako.
Nakaupo sa gilid ng kama si Margareth habang abala ito sa paglalaro sa hawak na iPad.
Dahan dahan kong ibinaba sa side table ang tray na hawak ko, ni hindi man lang niya ako tinapunan ng pansin. Hinila ko yung isang maliit na upuan palapit sa kanya at saka ako naupo.
"Hi Margareth, ako pala si ate Van." I introduced myself, in-offer ko pa ang right hand ko ngunit hindi naman niya iyon tinanggap.
"May dala pala akong lemon cake, hindi ko kasi alam kung ano gusto mong flavor eh." Saglit kong hinatak ang tray, ilang sandali pa ay iniharap niya sa akin ang iPad niya at may nakasulat doon.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Teen FictionI just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________ This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously...