27
Si Mitchie, believe it or not ay nanalong Student Council President para sa next academic year, akala nga niya ay matatalo sya nung vice president eh, buti nalang daw at marami syang kakilala na pinag-campaign siya. Part of being the next president, kahit sa summer enrollmet ay kailangan niyang tumulong, lalo na sa class registration, kaya naman eto maaga palang ay bihis na bihis narin ako.
Usapan kasi namin ay tutulungan ko rin sya, si Jan-Jan, ayon sa kanya, ay di pa raw nakakauwi. Okay narin muna siguro yon na hindi kami magkita, di ko kasi alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya kung nagkataon. Why did we ended up being like this? Ayoko ng ganito.
Saktong paakyat na ako sa entrance ng building ng makita ko ang isang pamilyar na tao na papunta rin sa direksyon ko.
Sabi na nga ba, "uy, kuya Basti, hello!" Bati ko rito.
Nakangiti siyang lumapit sa akin saka tumigil sa harap ko, "Van! It's good to see you here, tutulong ka din ba sa council?" Din? So andito rin siya para tumulong..well, what should I expect from a former president.
"Oo, magtatampo si Mitchie pag di ako pumunta," saka kami tumuloy sa paglalakad, "saan ka pala mag-aaral?"
"Haha, ganoon ba? Nakakatuwa naman ang solid friendship niyo. Ako, sa TUP. Doon ako magi-engineering." Wow, engineering.
"Kayo din naman po nina Charlie. Magi-engineering ka pala, galingan mo po." I smiled at him.
"Thanks! Kamusta na pala?" We've never talked like this before and honestly, di ko alam kung anong mararamdaman ko.
"A-ah, okay naman..ikaw?" I asked him back.
He slightly nodded, "ako, eto. Feeling much better. Medyo kinakabahan sa college life." He smiled after letting out a sigh.
"I know you can handle it naman," then another thing pops into my head, "ahm, okay lang bang magtanong?" Please say no..
No..
"Sure!" Damn.
"Hindi ba talaga naka-attend ng graduation si--" stop this shit now, Van, c'mon pull yourself together, "ah, never mind nalang. Andito na pala tayo." Good heavens, mabuti na lamang at nasa harap na kami ng student council's office.
Agad na hinawakan ni kuya Basti ang door knob, even before I could extend my hand to reach it, kaya naman napatingin ako sa kanya, hindi niya kasi ito binuksan at nagulat nalang ako ng makitang nakatingin narin pala sya sa akin.
"To answer your question. Honestly, hindi ko sya napansin." I averted my eyes, I dunno, but I think all my hopes die. Why did I even think about it? "Mind if we..." There was a momentary pause kaya naman napatingin ulit ako sa kanya, "have ice cream later?"
Ice cream?
This doesn't count as date right?
"A-ah, sige, wala narin naman siguro akong gagawin. Saan pala?"
"Gusto kong i-try sa University Scoop. Na-try mo na ba doon?"
"Hindi pa, sige gusto ko ring i-try."
"Sige, after natin dito. Pasok na tayo, baka kanina pa sila nagsisimula." He smiled as he opened the door for me.
Nagsimula narin ang class registration, at lahat ay naging abala na, si kuya Basti, nauna syang umalis kasi may pupuntahan daw na teacher, akala ko hindi na kami tuloy sa UScoop, pero nagulat ako nang may makita akong message galing sa kanya, magkita daw kami ng 5pm sa mismong ice cream parlor.
"Huy! Ano yan? Kanina ka pa nakatitig dyan sa cellphone mo?" Agad kong pinamulsa ang hawak na iPhone nang bigla akong tapikin sa balikat ni Mitchie.
"W-wala, nakalista na ba lahat?"
"Yun nga eh, mas marami pa yung late kesa sa mga on time kaya naman sorry ha, paki-distribute nalang ito." Saka niya iniabot sa akin ang isang ream ng academic sheets. Napatingin naman ako sa wall clock, 3pm na pala. Matatapos din naman siguro kami before mag-5.
Medyo kalat na ang dilim ng matapos kami, nauna na akong nagpaalam kay Mitchie, sakto naman na lowbat na pala ang cellphone ko kaya naman hindi ko maite-text si kuya Basti. Dali dali akong naglakad sa gawi ng P. Noval, naroon kasi banda yung ice cream parlor na tinutukoy niya, saglit pa akong nag-isip kung andun pa ba sya, baka wala na, anong oras narin naman kasi.
May ilang mga nagtatawanang college students na lumabas mula sa pinto, kaya naman natigil ang pag-iisip ko, bahala na nga. Kakain nalang din ako ng ice cream kahit wala si kuya Basti.
Nagulat pa ako nang makita ko syang nakaupo malapit sa pinto at nakatingin lang sa cellphone kaya naman agad ko itong nilapitan, nakakahiya, anong oras na..
"Sorry kanina ka pa ba?" Tanong ko rito.
"Ah, hindi naman masyado." Umupo na ako sa harap niya, "mukhang okay dito no?" Saka ko lang naalalang ilibot ang paningin sa lugar, okay nga, maayos ang interior at well lighted ang lugar.
"Oo nga, nag-order ka na?" Kumakalam na kasi ang sikmura ko dulot ata ng kakalakad ko kanina pa sa school.
"Di pa. Teka, ano pala gusto mo? My treat." Ha? Talaga? Agad naman akong napatingin sa menu.
Saglit pa akong tumingin sa wristwatch bago ko ito muling nginitian, "okay lang ba kung dinner na? Haha, sorry ah, di na kasi kami nakapag-merienda kanina." Gutom na kasi talaga ako.
"Grabe, nang-gugutom na sila? Haha. Sige, ok lang. Order lang." He nodded, in the end parehas lang din kami ng order.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang maisipan kong tanungin siya.
"Kamusta pala bakasyon mo?"
"Maayos naman. Binisita namin sina lolo sa Laguna. Parang family reunion sa side ni papa. Ikaw? Kamusta na?" Ha? Ako ba yung kinakamusta niya o yung bakasyon ko? Di'ba natanong na niya ako kanina?
"A-ah, ayos naman. Sumali ako sa table tennis competition, gained new friend na taga village lang din." I smiled as I remembered ate Ishy.
"Talaga? That’s nice. Buti ka pa nakakakilala ng bagong friends."
"I’m sure makakakilala ka rin ng mga bagong friends sa university, sikat ka nga dito sa UST high school department di’ba." Madami kayang may gusto sa kanya, kaso may girlfriend lang sya kaya di niya siguro pinapansin.
He shyly scratched his head, "di naman." Then there was a momentary pause, "ah, kamusta lovelife?" What?
PAG LOVELIFE SYA DAPAT TALAGA UNANG MAIISIP?! AHHH! NAKAKAINIS NAMAN!
"Di ko pa masyadong iniisip yan, ikaw pala?" I lied as I tried to avoid eye contact, I can never be good at this. "Kamusta na kayo?" I tried to divert the topic to him.
"Sinong kami?" He looked confused, oh wait, don't tell me hindi lang nag-iisa girlfriend niya?
"Yung girlfriend mo, di'ba may girlfriend ka?" I said as I remembered the face of the girl.
"Girlfriend? Wala ah." Yung aura niya papasa na sa horror movies, yung eksenang bigla nalang ikukwento yung back story ng isang bagay dahilan para magmulto ito..haha! Ano bang iniisip ko? "Kung si Krystal yung tinutukoy mo… wala na yun. Hindi naman naging kami nun. Di na nagkaroon ng chance." Ahh..nice name, pero bakit ganun? Akala ko sila talaga? Eh ang sweet nga nila di'ba?
"I-I’m sorry, I shouldn’t have asked." Me and my big mouth.
He smiled all of a sudden, "don’t be. Matagal na yun. Wala na sakin yun." Really?
"That’s good to know.."..buti pa sya, ako ba?
"Teka… naalala ko. Diba nililigawan ka nung classmate namin? Nakikita ko kayo dating magkasama e." Mother of..whatever.
"A-ah.." I tried to smile na parang wala lang din talaga sa akin, "hindi rin naging kami." Masakit parin.
"Oh! S-sorry to hear that."
"It’s okay, di naman ikaw ang may kasalanan."
Mabuti na lang at were almost done eating, "It’s getting late, may pupuntahan ka pa?" Baka kasi hinahanap na ako sa bahay, lalo na ngayo't nakapatay ang cellphone ko, di ko naman nasabi na gagabihin ako.
"Oo nga no? Sige, hatid na kita. Kelangan ko na ding umuwi." Hatid? As in, hatid? Yung pupunta din sya sa bahay? Hatid yun di'ba?
"H-ha? W-wag na, andyan lang yung driver ko sa loob ng UST, ingat nalang." Ang paalam ko kay mang Andy may bibilhin lang ako sa labas, lagot ako nito kapag nalamang wala naman talaga akong binili.
"Ganun ba? Sige, hatid nalang kita gang gate ng USTe." Tumango ako rito at sabay narin kaming naglakad palabas pagkabayad niya.
Malapit na kami sa sasakyan ng magpaalam narin ito, "sige, ingat pala!" agad akong humarap dito bago mabilis na lumapit sa kotse.
Agad kong plinug sa charger ang cellphone pagkauwi, baka may message kasi galing kina Mitchie, naligo ako at paglabas ko ay saka ko tinignan ang mga messages. Nagulat nalang ako sa text na galing kay kuya Basti, ang lakas lang ng tawa ko sa joke pero nabawi naman nung message na nasa dulo, I had fun. Sa uulitin. Ingat pauwi.
Sa uulitin? I smiled as I tried to get my thoughts straight.
Tama sya. Di lang kami isang beses lumabas, nasundan pa iyon, mas madalas ko pa syang kasama kesa kina Mitchie. May times na mag-aaya syang mamasyal lang sa mall, or manood ng animated film, pagkatapos ay maglalaro kami sa timezone. I must admit it, I'm actually enjoying his company. I get to know him more, kung bakit ang girly niya rin, pero hindi naman halata kapag sakay na siya ng kotse niya, haha!
First week of classes, sinundo niya ako ng Tuesday, hindi ko talaga alam kung paanong tago ang gagawin ko huwag lang akong makita nina Mitchie at Jan-Jan.
It was an ordinary weekend, di naman kami usually nagkikita ni kuya Basti kapag ganitong araw dahil ang alam ko may klase siya ng ganitong araw. Nagulat nalang ako nang bigla siyang nag-text at ang sabi niya ay pumunta daw kami sa Robinson's Magnolia, ayos lang, pabor sa akin ang pagpunta doon dahil malapit lang ang tinitirhan ko sa mall na iyon. Tapos narin akong mag-dinner kaya hindi ko alam kung ano pa ba ang gagawin namin doon.
Stressed kaya siya?
Nilibre niya ako ng ice cream sa Magnolia flavor house, ako naman, kain lang ng kain, hindi kaya magka-indigestion ako nito? Pagkatapos ay frappe naman sa katapat ng Starbucks, hindi ko lang talaga alam kung anong meron? Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga activities sa school, sa orgs na sinalihan niya, at ganun din sa mga happenings sa UST. Mukhang hindi naman sya stressed sa pag-aaral dahil andami niyang nakukwento tungkol sa mga professors, blockmates, at lessons nila.
Almost 11 narin ng mapansin kong wala na halos tao sa buong paligid, nag-aya si kuya Basti dun sa malawak na garden saka siya parang bata ng humiga doon, natatawa ko naman siyang pinagmasdan.
Bakit kaya hindi naging sila ni Krystal? Ano bang kulang sa kanya? Mabait, masayahin, may face value--ano to asset? Haha! I just shrugged it off saka ako humiga rin sa damuhan malapit sa kanya.
Ngayon ko lang napansin ang stars..
Ang dami..
"Kita din pala ang stars kahit sa kapal ng pollution dito sa Manila, kahit papaano.. " I laughed.
"Oo nga eh. Haha. Teka, nakikita mo ba yun? " Saka sya may tinuturong cluster of stars.
"Constellations..anong pangalan nun?"
"Orion. Alam mo bang yun ang favorite constellation ko?"
"Talaga? Bakit naman?" Hindi kaya may telescope sa bahay si kuya Basti at yun ang lagi niyang nakikita na group of stars?
"Kasi napaka-prominent niya. Hindi siya mahirap hanapin." He explained, saglit akong napatingin ulit doon, tama sya. Iyon lang ang grupo ng stars na talagang una mong makikita.
"Sabagay, parang tao lang pala." I sighed.
He let out a low laugh, "Yeah. Kaya dapat lagi tayong nakamasid sa kung sino yung laging nandiyan. Ang ganda no?"
Kung blade lang ang bawat salitang binitiwan niya, malamang duguan na ako. I've never felt this way before, then I saw Jan-Jan's face on my mind. Kung sino yung laging nandyan..
Siya.
Siya yung laging nandyan.
Pero bakit iba parin ang nangyari.
"Tama, why waste your time looking for someone you can’t see, o yung hindi ka naman nakikita." I'll get over him. I know.
It's just a matter of time.
And right judgement.
"Exactly! Ahm, Van…"
I looked at him, "Ano yun?"
"I’ve been thinking. Since we’ve been hanging out already. Somehow kilala na din natin ang isa’t isa. Why not… I mean, bakit kaya hindi nalang maging tayo? Well, parang ok naman tayo e. Parehas tayo ng pinagdaanan and stuff." He suddenly paused, then he spoke slowly, possibly trying to weigh in every words he'll have to put in, "So, pwede mo ba akong maging…
boyfriend? Just give it a try."
Di ko napigilan ang urge nang biglang pagbangon mula sa pagkakahiga dahil sa narinig, am I hearing things right?
"B-boyfriend? A-are you sure?" Gusto kong biglang kurutin ang sarili ko, hello, earth to Van?
Just, seriously, what the heck is this all about?
"I know I might sound crazy. Pero… I’m serious. Sabi nila take a risk so, yeah. Pwede bang maging tayo?" Nagulat nalang ako dahil nakaupo narin sya sa tabi ko.
I should be feeling elated or somewhat ecstatic, right? I mean, si kuya Basti ito, I liked him before..
Yeah..
That's the worse part, realizing that everything was in friggin' past tense.
Pero ano pa bang iniisip ko? Wala narin namang magbabago.
Three minutes of thinking felt like three fuckin' years. Ngayon lang ako natagalan sa tatlong minuto sa buong buhay ko, hindi ko kasi alam kung saan ba ako magsisimula. Sabagay wala namang nagsimula sa dulo.
"Tayo? S-sige, let’s give it a try." Try..yeah, we'll just try.
If it worked out, then great.
If it doesn't, at least we can say we tried.
"Talaga? Yes!" He suddenly blurted out on top of his lungs, what the..
"A-ah..wag kang maingay, nakakahiya sa iba.." It felt like everyone's paying attention at us eh.
"Ay, sorry." He smiled, "tara, lumalalim na ang gabi. Hatid na kita." He stood up as he offered his hand to me.
Medyo alangan pa akong tanggapin yung kamay niya, "Salamat." That's all I can manage to say. Nakakahiya, di ako makatingin sa kanya ng diretso, iba sa pakiramdam na kayo na. Parang yung line lang na 'I'll never look at you the same as way before.' that best describes what I'm feeling right now.
Kinakabahan ako, marami ding what if's, I mean..
Oh my God.
Yung crush ko pa dati ang first boyfriend ko?!
Hindi niya pinapakawalan ang kamay ko hanggang makarating kami sa kotse niya, pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng nasa tapat na kami ng bahay, mabuti nalang at nasa loob pa ng gate ang security, kundi reported na ako bukas nito.
"Sige, good night."
"G-good night din." Aalis na sya di'ba? Anong gagawin ko? AHHHH?! Ano bang dapat gawin ng girlfriend? HINDI KO ALAM, WALA KA KASING ALAM VAN! Pakiramdam ko sinasapak na ako ng konsensya ko.
Di ko tuloy namalayan na nakalapit na ako sa kanya saka ako..
Fine.
Beso-beso.
Awkward nga eh. Pakiramdam ko sobrang namumula ang mukha ko.
"Night, bye!" Hindi talaga sya pumapasok sa kotse hangga't hindi ako pumapasok ng gate kaya naman agad akong tumakbo at nag-doorbell, saka ko sya nilingon.
"Sakay ka na, ingat sa pag-drive." Tumango naman ito at saktong pagsakay niya ay pinagbuksan ako ng gate ng isang security.
Nasa kwarto na ako ng silipin ko ang driveway, paalis palang si kuya--I mean..ano ba? Basti. Kaya naman agad akong nag-compose ng message at pinadala iyon sa kanya.
Ingat ka pauwi, good night!
I plopped down in bed at saka ako napatanga..ang bilis? Anong nangyari?
-------------
A/N MWAHAHAHAHA! May karapatan na si Van na lagyan ULIT ng 'hart hart' ang pangalan ni Kuya Basti (slashing the kuya part..) ANANYARE SA OTP FEELS NIYO?! *Insert evil laugh here* Yung totoo? Di ko rin alam kung bakit ganito ang nangyari.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Teen FictionI just wanted to be happy. Lahat naman tayo di'ba? __________________________________________________________ This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously...