I wish (BABABE)
Author: privategirl
Ganda niya, ang kinis ng balat, ang puti.... Gusto ko ring maging mayaman para maging ganyan ako.
Sana katulad ng mata niya ang akin, singkit at kung aakalain mo na may eyeliner ang ilalim ng mata. Sana yung mahaba ring pilikmata niya, mapasa-akin at manipis ngunit mahaba niyang kilay, ang pagkakaalam ko natural daw yon at hindi niya inaahitan o kung ano man. Ah eto pa! Gusto ko ang maganda niyang ilong. Matangos at hindi busarga ang butas ng ilong, hindi rin nangangamatis.
Napatingin ako sa ibaba niya habang hawak ang isang picture magazine. Napahawak ako sa labi niya. Gusto ko rin ng manipis at mapulang labi. Yung bang parang sa mga baby na lips. At ang kanyang ngipin na dikit dikit at maputi. Gusto ko non! Ayssss pag talaga ako yumaman!
Ang sexy niya. Magpapa-payat ako para maging sexy rin at magkaron ng kurba ang katawan ko. Ang tiyan niya, napakaflat, halos walang bilbil at ang pusod na napala lalim. Ok! yung sakin malalim din! yesss!
Ang kanyang kutis na napaka puti, at wala man lang kagalos-galos o peklat. Para siyang diwata sa paningin ko! napakaganda talaga niya. Gusto ko rin ang kanyang mahabang hita, ang tangkad tangkad niya kasi eh. Gusto ko rin maging matangkad para hindi ako pagkamalang bata kahit na 18 na ako.
Napakamot ako sa aking ulo! Sinisipsip na naman ng mga kuto ang dugo ko sa ulo! Ayyyys! kaylangan ko ng magpakuto sa kapitbahay namin para mawala wala at hindi na manganak pa. Makikita pa naman iyon sa buhok kapag mga lisa! kakahiya >.<
Pero siya, ang ganda ng buhok niya. Makapal ngunit makintab tignan. Mahaba ang buhok at straight pa! Siguradong sa mamahaling parlor siya nag pa-rebond. Siguro ang sarap hawakan ng buhok niya at mukhang wala pang sabit. Pero ako! grabe, sa kuto palang namomoblema na ako. Pano ba kasi maalis yong mga yon eh!
Masasabi ko isa siya sa mga ideal girl ng mga lalaki. Hayssss, ako kaya? Nakakainggit kasi eh! Gusto ko rin maging katulad niya. Gusto ko maging maganda.
Tinabi ko na muli ang magazine na araw-araw kong tinitignan, at araw-araw kong pinapangarap. Alam ko naman eh, hanggang pangarap lang ako.
Dating gawi muli, sasabihin ko sa sarili ko na:
Yang mga mata niya, siguradong kaunti lang ang nakikita niya at hindi niya pa masyadong makikita ang iba, lalo na kapag tumatawa. Eh ako? kahit tumawa pa ako ay nakikita ko pa rin ang mga nasa paligid. mas mabuti ng maging malaki ang mata, para ingat disgrasya.. deba????
Yung kilay niyang manipis! Pfft! pwede naman akong mag-ahit noh! TIYANI lang katapat niyan. At saka kaunting sakit sa pagbunot. Ohh? ano naman kung masakit, atleast nasasabi mo sa sarili mo na matapang ka!. OO! MATAPANG AKO!!!
Yun ilong niyang matangos? Ok! gusto ko talaga maging matangos. Pisil pisilin ko na lang ito tuwing umaga baka tumangos ng kaunti. Nakakatakot rin, kung maging matangos ang ilong ko, kasi baka hindi ko alam kung sila ba talaga ang tunay kong mga magulang o hindi. Ok na ako sa mabubuting kong magulang noh.
Pwede rin namang mag diet diba? Pero kahit gusto ko mag diet, Hindi ko nagagawa. Ang sarap kayang kumain. Namnamin ko na lang yung masaya ngunit simpleng buhay ko, right? Ok lang kung may bilbil ako, so what?. Máy nagmamahal naman sakin ng lubos. Lubos Lubos!
Yung makinis at maputi niyang balat. Ok siya na! siya na yung hindi nakaranas ng paglalaro sa labas, yung madadapa ka at magkakaron ng malaking sugat sa tuhod. Siya yon eh! siya Yung hindi nakaranas non! kaya masaya ako dahil hindi ako katulad niya. Siguradong malungkot ang childhood niya. Eh ako nga, may souvienir pa habang buhay sa tuhod ko eh! Panis.
OH RIGHT!
Hayy, sorry kung nanlalait ako ng tao, Gusto ko lang naman malaman niyo na dapat maging SATISFY kayo sa kung ano kayo. Dapat manatili kayo kung ano ang binigay satin ng Diyos. Stay put, stay still! mas magandang natural kaysa Hindi. Hindi po ba?
Sabi nga sa Bibiliya
Psalm 139:14
I praise you, for I am fearfully and wonderfully made. Wonderful are your works; my soul knows it very well.
Sa mata ng Diyos maganda tayo. Walang panget sa mga nilikha niya. Kung ano ka, yan ka. Wag mo ng tanungin ang Diyos kung bakit ka ganyan. Tanungin mo na lang kung anong purpose ng pagiging ganto mo, at tanggapin na lamang. Ako nga may purpose eh. Yung purpose ko ay----
Ehh? ano nga ba purpose ko? Hindi ko alam eh. Basta masasabi ko lang sa inyo, 'LIBRENG MANGARAP' pag-natupad yan, sigurado na may purpose pa rin yan. Ayon nga lang, maaring mas lalong kang pumaget kapag nagparetoke ko. Dyan mo mare-realize na maganda ka pala dati. Nasa huli ang pagsisisi sis! Kaya love yourself but put God first!
Wala ng mas hahalaga pa kaysa sa Diyos natin! Ang sarap kaya ng may nagmamahal sa kin ng lubus-lubos. Hindi ka lang protektado ng Diyos, isa ka pang prinsesa sa Kanya. O san ka pa! Halika na at magbalik loob sa Panginoon Diyos!
O siya kayong mga panget diyan(kagaya ko), maraming peklat sa tuhod, makapal ang kilay, bakang o pike etc. Magpapaalam na ako. Sana naman makatulong tong sulat ko sa inyo. Ok lang yung magpaganda eh, pero wag yung todo, ok? Mas maganda kapag natural, Sigurado ako yon at yon pa rin ang hahanapin ng mga guys sa mga babaing katulad natin, right? *wink*. At siyempre dapat mabait din tayo, hindi nan-iinsulto.
Bye! God Bless at humayo't ipagkalat ang salita ng Diyos!
Nagpapaalala: Neneng
PS: ang purpose ko pala dito ay para irealize sa inyo na maganda tayo! All around! Ye booyy!
*********************
Oo, maganda nga ako. Ang daming nanliligaw sakin, ang daming gustong maging katulad ko. Pero bakit ganon, kung sino pa yung may ganong katangian, katulad ko, yon pa yung walang magandang relasyon. Bakit hindi ako makahanap ng taong tatagal sa buhay ko? Parati na lang ba ako brokenhearted.
Naisip ko na mas maganda pang maging panget. Parating masaya, walang problema sa relasyon. Hayyyys. Pero may nagsabe sakin. Ang pangalan niya ay Neneng.
Ang Diyos na daw ang bahala sakin. Hwag ko daw siya pangunahan. Siya na daw ang maghahanap ng para sakin. Hindi ako maka-Diyos. Pero may point siya.
Tama si Neneng, Ang Diyos na ang bahala.
____
BINABASA MO ANG
What if's?
Spiritual(random) Nanlalamig ka na naman ba sa Panginoon? Bakit di mo subukan basahin ito, baka may magbago sayo?