Enemy

480 11 0
                                    

Enemy

Author: privategirl

Enemy, rival. Ang hirap din minsan ng may ganto, ano po? May iiwasan ka, may aawayin ka, makikipag kompitensya. Hayys, nakakalungkot isipin na may ganitong tinatrato ang isang tao. Nakakalungkot isipin na ang hirap na ikaw ang nasa sitwasyong ito, dahil araw-araw kaylangan mong mag-isip o gumawa ng paraan hindi lang kayo magtama ng landas muli. Dahil nga kaaway mo siya.

May mga taong mapanlait, pero sinasabi lamang nila ang totoo o ang kanilang opinyon. May mga taong stimoso dahil curious sila sa buhay ng ibang tao. Mga taong madaldal na hindi na nauubusan ng sasabihin. Meron ding taong tahimik na mas pinipiling manahimik at huwag ng makisawsaw sa sa usapan ng iba. Taong walang pakielam sa paligid nila.

"Think before you act". Lugod kong pinapasalamatan ang taong nakaisip ng kasabihang ito. Makabuluhan. Ikaw ba? Katulad ka ba ng mga taong walang preno ang bibig? Taong hindi pinag-iisipan ang sinasabi. OO! alam mo na ang gusto kong sabihin. Alam natin na diyan nagsisimula ang "galit" sa kapwa. Wala eh! kasalanan mo yan! hindi mo pinag-iisipan ang sinasabi mo eh! Hindi mo alam na nasasaktan na siya sa mga sinasabi mo. Maaring pa-joke mo ito sinabi AT maari ring sineryoso niya iyon.

Yung kaibigan na tinuring nating "matalik" na kaibigan at mapapagkatiwalaan. Kaibigang sinabihan mo ng iyong mga sikretong hindi alam ng mga magulang mo. Crushes, insecurities, having bf/gf etc. Hindi mo alam na tinitira ka niya patalikod. Na balang araw ay masisira kayo dahil sa isang bagay na hindi tinupad, isang bagay na hindi pinagkasunduan, trinaydor, pinagkanulo, sinabihan ng masama--- sa madaling salita SINAKTAN KA.

Bago iyon. INISIP mo ba kung nasaktan mo rin siya. Ginawa mo rin ba ang mga bagay na ginawa niya sayo. May dahilan ba kung bakit niya iyon ginawa? ISIPIN MO PO... Isipin mo siya, ang taong kaaway mo, pumikit ka. Mag "flashback" ka kung kaya mo. Subukan mong alalahanin lahat para mapagtanto mo. Kung wala, edi wala! Kung meron, edi meron. De joke!

Inuulit ko, ISIPIN mo ang taong iyon. Close you eyes po. Isipin mo lahaaaatttttt ng maliit na bagay na pinag-awayan niyo, mga pasaring ng bawat isa kahit alam na "joke" lang iyon.

Malabo naman po sigurong wala kang kasalanan, ano? Maaring siya ang dahilan ng pinag-awayan niyo kung bakit kayo magkagalit ngayon. Maaring siya ang may kasalanan ngayon. Eh nong pangalawa sa huli na pinag-awayan niyo? Baka ikaw ang may kasalanan o nong pinaka una n'yong away.

Sabi sa Bibliya tungkol sa PRIDE

Proverbs 16:18 Pride goes before destruction, and a haughty spirit before a fall.

Ayaw niyong pababain ang pride ng bawat isa. Sa huli ah mag-aaway kay. Mali po iyon. Katuad ng mga mag-asawa, try to be mature! Kapag galit ang isa, pababain ang pride, hayaang ilabas ang galit ng kapareha. Huwag makipagtalo kung maari. Pakinggan ang mga sinasabi niya at intindihin. Gayon mo maiisip na may paraan para hindi lumalala ang awayan.

Kung ikaw naman ang galit. Siguradong maiintindihan niya iyon, gaya ng pag iintindi mo sakanya noong mga panahong galit siya. Vice versa ho! Kung anong ginawa mo, siyang gagawin niya sa iyo.

Masasabi ko ring maayos ang pag sasagutan. Perehas galit, ngunit ang walang piskilan, sa gayon ay malalaman ang bawat opinyon sa isa't-isa. Ngunit wag nating kakalimutan ang paghingi ng patawad pagkatapos ng sagutan.

TANDAANG hindi man ikaw ang may kasalanan. Matutong magpakumbaba. Sa gayon natatalo natin ang demonyo sa ating paligid at nananahan ang Diyos sa ating damdamin.

PUT DOWN YOUR PRIDE! Para wala na ang iwasan, bangayan ng iyong kaaway, ng dati mong matalik na kaibigan, dating ka-seatmate, o karelasyon. Matuto tayong humingi ng tawad ikaw man ang nagkamali o hindi.

Mahirap humingi ng tawad ngunit I guarantee you na, once you sincerly ask forgiveness to whoever you hurt. Peace will free to you heart.

AMEN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if's?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon