A/N: isa lamang po ITONG KATHANG ISIP. kaya sana po ay wag niyo ako awayin. =_=
Jesus, the son of God
Author: Privategirl
Naniniwala ako sa Diyos, pero kay Hesus? Hindi. Kumbaga sa alamat, isa lamang siyang kathang-isip. Walang lang magawa ang mga tao kaya lumikha ng ibang diyos. Sino ba naman kasing maniniwalang namatay at muling nabuhay. Patay na nga, mabubuhay pa? Ang tanga lang ng nag-isip non.
Kaya ayokong magsimba sa simbahan eh. Nabuburiyo ako sa mga santo don. Hindi naman diba dapat sinasamba ang gawa sa kahoy? Makahalik lang sa Nazareno, kala mo gagaling ka na. Hindi naman ganon diba? Sa paniniwala yan! Gaya ng sinabi ko, naniniwala ako sa Diyos, pero sa mga santa at kay Hesus, Hindi!
Mas ok pang maging Muslim, hindi sumasamba ng kung anu-ano, walang santu-santo. Gayunpaman, ay gusto kong kumain ng baboy.
Ooopss Oops, wag kayong magalit sakin. OPINYON KO YON! Hindi niyo! Nabasa ko na rin ang new Testament ng bible, pero hindi ko tinapos, wala pa siguro sa kalahati iyong nabasa ko. Sabihin na nating magaganda ang ginawa ni Hesus, ng Diyos niyo. Sabihin na nating mabait siya, wala siyang masamang ginawa. -- SO WHAT?! Hindi pa rin akong naniniwala na siya ang anak ng Diyos.
Para sakin ay iisa lang ang Diyos at hindi dalawa. Ang Diyos ay hindi nagpapakita, kundi ay parating nakatingin lang satin mula sa taas. Ang Diyos ay yong hindi mo alam ang itsura.
Alam na Halos ng lahat ng tao na hindi ako naniniwala kay Hesus. Katoliko ako, oo! Pero isa lang ang sasambahin ko. Hindi ako papasok ng simbahan hanggat may rebultong nakasabit o nakalagay don.
Isa pa pala ang si Maria, ano naman kung virgin Mary siya? kung ina siya ni Hesus? Bakit may rebulto don? Nasa harap pa? pwede naman sa gilid. Haysss pero mas mabuting walang rebulto. Ang tatanga lang, sinasamba ang mga kahoy. Kung wala sigurong na-imbentong color, baka hindi nila ginagawa ang pagsasamabang ganon.
Sa awa naman ng aking Diyos, ay hindi nila ako pinipilit sa paniniwala ko. Pero may isang grupong, ubod ng kulit, tuwing linggo ay pinupuntahan ako, iniistorbo!
Born again kuno daw sila at naghahayag ng salit ng Diyos. Gusto ko sanang sabihin, baka salita ng Hesus NYO! Pero dahil may pagkamabait naman ako ay tinikom ko na ang aking bibig.
Ang ginagawa ko na lang ay nagsasarado agad ng pintuan ng bahay at magkukunwaring walang tao sa bahay kapag may kumatok don.
Humiga na ako sa aking higaan. Nagdasal bago matulog.
"Diyos ko, ikaw lamang po ang aking sasambahin. Alam ko pong sila ay mga pagsubok lamang sa paglilingkod ko sayo, Alam ko pong pinapatibay niyo ako. Alam ko pong sila ay mga bulaanang propeta at nanlilinlang ng mga tao. Mahal kong Panginoon, gabayan mo po ako sa lahat ng aking gawain. Ipapaubaya ko ang aking buhay Sayo, naniniwala po akong ikaw ang pinaka the best the author sa lahat-lahat. Amen."
Nagising ako sa katok sa pintuan. Sino naman kaya ang kumakatok. Ang aga-aga pa kaya. Isip-isip ko.
Nag-ayos muna ako ng buhok at mukha ko saglit bago binagbuksan ang pintuan.
"Magandang umaga sayo, Elena. Mabuti naman at naabutan ka namin ngayon" Hindi na ako sumagot pa. BADTRIP lang!! sila lang pala yon! kainis! nakalimutan kong linggo pala ngayon!
"Pasok ho kayo" Ayan na lamang ang sabi ko sabay ngiti (Plastik), dalawang babae sila. Yung isa ay mukhang Teenager at yung isa ay mga 28 yrs old.
"Kamusta ka naman?" tanong ng 28 years old. Ang alam ko ang pangalan niya ay Celine, Gina naman ata ang isa
"Ok naman, ito natangahli gumising. Siguradong maiinis ang mga naghihintay sa'kin sa mall. Ayaw pa naman nila ng late" pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
What if's?
Espiritual(random) Nanlalamig ka na naman ba sa Panginoon? Bakit di mo subukan basahin ito, baka may magbago sayo?