"Naiinis na talaga ako sa kanya! Wala na siyang oras sakin, halos araw-araw na lang kaming nag aaway. Haysst! Napapagod na rin na ako, couz!" maktol ng pinsan ko.
"Problema ba yan? Edi hiwalayan mo! Tapos lahat ng piproblema mo!" sabi ko habang naglalaro ng COC sa tablet ko.
"Pero couz, mahal ko siya eh. Importante siya sakin"
"Mahal? Nakakain ba yan? Naku naku! Ikaw ba importante ka sa kanya? Mahal ka ba niya? Kasi kung talagang Mahal at importante ka sa kanya. Ikaw ang magiging first priority niya." sabi ko ng di inaalis ang tingin sa nilalaro ko.
"Siguro nga Couz, tama ka!" sabi niya sabay walk out.
Hayy naku salamat naman. Lumayo na din siya. Nadidisturbo ako sa paglalaro ko eh. May war pa naman. By the way highway! Kyla Jimenez po. At yung kanina na humihingi ng aking advice ay si Samantha Jimenez, in short Sam. She is my cousin, and unfortunately dinadamdam nanaman niya ata yung boyfriend niya. Sinasabi ko na kasing wala naman patutunguhan ang pagboboyfriend eh. Sakit lang yan sa ulo. Kung bakit kasi di ako tuluran, NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Edi walang problema. Di ako bitter nagsasabi lang ng totoo.
*** KINABUKASAN ***
Naglalakad ako papuntang room namin ng may biglang humila sakin.
"TANGNAGRAPES! Ano ba! Nanghihila ka ng kamay. May kamay ka naman ah! Sino ka ba?" inis kong sigaw sa Punsyupilatong humila sakin.
"Kyla Jimenez" aba aba kilala ako ng nilalang nato ah!
"Oh? Bakit?" taray kong sabi sa kanya.
"Ako nga pala si Troy" taas kilay niyang sabi sakin.
"Oh! Tapos? Pakialam ko sayo?" sabi ko
"Ako lang naman ang boyfriend.. ay hindi EX na pala ng pinsan mong si Sam" galit niyang sabi
"Eh? Di ko kasama si Sam! Wala ka naman sigurong Sam na nakikita dito sa tabi ko." nakakiinis , Bulag ba to? Hanapin ba naman si Sam sakin.
" Ikaw ang sinadya ko! Nalaman ko lang naman kasi na ikaw pala ang nag advice na hiwalayan ako ni Samantha, ang galing mo rin naman mag advice no?" Ah pupuriin lang naman pala ako nito.
"Ahhh. Magaling ba? Ang astig ko mag advice no?" pagmamalaki ko pa.
"TANGNA! NANIRA KA RELASYON ALAM MO BA YUN?" galit na galit na sigaw niya sakin.
"EH BAT KA BA SUMISIGAW?" ganti ko sa kanya. Oh loko! kala niya siya lang marunong sumigaw.Gago!
"Tyaka di ko na yun kasalanan. Kasalanan ko bang mawalan ka ng oras sa kanya?" singhal ko sa kanya."Busy ako! Araw araw akong may practice sa basketball lalo ng malapit na ang tournament."
"So! Mas importante pa pala yang basketball na yan kesa sa pinsan ko!"
"Di ko to ginusto to okay! Ginagawa ko to para sa kanya! Gusto niya akong pumasok sa varsity nato! Ginawa ko lang yung gusto niya! Para to sa kanya! At ang magaling na ikaw! Nagbigay ng kung ano anong advice na di man lang naririnig ang opinyon ko!" inis na inis niyang singhal sakin.
Okay! nakunsensya ata ako dun ah!
"Natahimik ka? Narealize mo na ba na mali yung ginawa mo? Na nakasira ka ng isang relasyon?" pagbabasag niya ng katahimikan. Sabay alis.
Lintek na buhay naman to. Kung bakit ba naman kasi nag advice advice pa ako! Tuloy nakokonsensya ako!
Pumasok na ako sa room ko habang akupado pa ng utak ko yung mga sinabi ni Troy.
Agad ko namang nakita si Sam.
"Couz! Yung boyfriend mong kulang ng oras sayo.. Kumusta na kayo?" bungad ko agad sa kanya pagpasok ko.
"Mas okay na ngayon Couz! Kasi nakipagbreak na ako sa kanya. Alam mo kasi Couz! Tama ka rin naman! Kaya salamat ah!" sabi niya. Bwiset naman! Kung bakit ba naman kasi napakamasunurin ng pinsan ko sakin! Bwiset!
"EH! Hindi Couz eh! Pano kung mali ako? Pano kung may dahilan siya? Pano kung kaya siya ganun kasi para sayo? Pano kung importanteng importante ka sa kanya? Pano kung mahal na mahal ka talaga niya?" sabi ko.
"Oh teka lang Couz! Hinga! Hahaha. Ba't ba parang naging curious ka sa relationship? Hahaha! Pero couz, wala na eh. Hiwalay na kami. At nakamove on na ako. Sa totoo lang mas nag eenjoy pa nga ako ngayon eh." sabi niya sabay tapik sakin.
Di na rin ako nakipagsagutan pa sa kanya. Nandito na rin kasi yung teacher namin.
Nung nagsiuwian na. Bumungad sakin si Troy na may dalang teddy bear at bulaklak. Nung lumabas na si Sam, agad niyang hinabol ito at pilit na sinusuyo. Ito nanaman ang konsensya ko. Bwiset. Nakita ko kung panu magmakaawa si Troy balikan lang siya ni Sam. Pero tong pinsan ko, mukhang nagmamaganda. Hay lintek naman na konsensya to.
Kasalukuyang napayuko si Troy at nung humarap siya sakin....
"Masaya ka na? Galing mo din kasi manghimasok eh!" sabi niya sabay lakad sa gilid ko.
"Tutulungan kita!" bigla kong sabi na napagpahinto sa kanya. Hayssst! Bwiset na konsensya!
"Tutulungan kitang bumalik siya sayo, Troy!" sabi ko."At ano naman na tulong ang gagawin mo?" baling niya sakin.
"Ahm. ano.. Kahit ano! Kahit anong tulong gagawin ko. Kung kailangang sampalin ko siya o kay iuuntog ko siya o kaya takutin siya para lang bumalik siya sayo. Gagawin ko!"
"Wag mo siyang sasaktan! May mas naiisip akong magandang plano para bumalik siya sakin ng di siya sinasaktan."
"Ano? Sabihin mo lang gagawin ko, makabawi lang"
"Be my Fake Girlfriend" HANUDAWW???
----- to be continue ,,,,,,

BINABASA MO ANG
Fake Couple
Cerita PendekSweet sa isa't isa. Palitan ng I love you's. Hatid dun. Hatid dito. Holding hands while walking. Yakap dito. Yakap dun. Date sa kung saan saan. Tapos di kayo? Ahh Oo nga pala. Nagpapanggap lang kayo. So ano tawag sainyo? FAKE COUPLE one shot story l...