Two :)

30 2 0
                                    


*Sigh*

Pang ilang beses ko na kayang tingin sa phone ko kung nagtext na ba sya? Bwisit naman oh! Wala na ba talaga syang balak magparamdam sakin?

To: Lance <3

Hey? Are you busy? Textback if not. Please :*

One minute..

Two..

Three..

Tss. Shit lang Lance! Why the hell are doing this to me? Grabe pinapahirapan nya ba ako?

To: Lance <3

Lance? Nagpapamiss ka ba? Kasi kung oo. Effective e. Miss na miss na kita.

After 30 minutes. Tiningnan ko phone ko kung may nagtext. Meron nagtext. MERON. Pero hindi sya. Saklap friend no?

*sigh*  napabuntong hininga nalang ako.

"Hoy!"

"AYBWISITNAKALABAWKANGPANGITKA!" Sigaw ko sa bagong dating na nanggulat pa sakin.

"Anyare sayo?" Tanong ni Lovelle.

"Di uso katok Shanthea Lovelle?" Tanong ko sa kanya.

"Duh? Tinatanong pa ba yan? Hahaha." Baliw talaga ang isang to.

"Yeah right." Sagot ko nalang sa kanya.

"Anyway. Bat parang pinagsakluban ka ng araw't buwan?" Ano daw?

"Baka naman langit at lupa? Araw't buwan ka dyan?" Sabi ko sa kanya.

"Haha. May mga bagay talaga na mas mabuting baguhin para..." di nya tinuloy sasabihin nya.

"Para?" Tanong ko.

"Wala. Para bago lang. Haha" baliw na talaga to mga dre -________-

"Ge. Oo nalang." Walang gana kong tanong sabay tingin ulit sa phone ko. Takte pang 10000000 times ko nang tingin pero wala padin syang text sakin!

"Nakasimangot ka nanaman." sabi ni Lovelle at tumabi sakin sa sofa.

"Di padin sya nagtitext." Sabi ko sa kanya.

"Simula nung may tumawag sayo?" Tanong nya.

Tumango ako bilang sagot sa tanong nya.

"Nakikipagdate na yun sa iba" pagbibiro ni Lovelle.

"Yung totoo? Bat ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Para ipaalam sayo na may iba na si Lance?" Natatawang patanong na sagot nya sakin.

"Lumayas kana kaya Lovelle? Madali lang yun. Lalakad kalang ng konti tas buksan mo yung pinto sabay labas tas wag mo kalimutang isara ulit." Sabi ko.

"Haha. Why so pikon Cess?" Natatawang tanong nya.

"Ha.ha.ha. Why so epal Lovelle?" Ganting tanong ko sa kanya.

She just rolled her eyes. Arte.

"Mata mo" sabi ko.

"Yeah. Whatever"

"Seryoso, bat nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Tatambay. Tinext kita ah. Di ka nga lang nagreply" sagot nya.

Tiningnan ko phone ko. Sya pala yung nagtext. Sorry naman! Malay ko ba. Si Lance kasi. Bwisit pinag iisip ako ng pinagiisip! Yan tuloy.

"Sorry. Ngayon ko lang nabasa. Replyan pa ba kita?" Biro ko sa kanya.

"Ha.ha. Natawa ako Cess. Joke yun no?"

Boardmate :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon