"Meeeeeine! Ceeeeeess!"Napalingon kami ni Meine sa kung sinong tumawag sa'min.
"Grabe naman makasigaw" bulong ni Meine.
"Ayieee. Mahal na mahal mo naman. " I teased her. Haha
"Wag kanga!" Saway nya sakin.
"Magkano yang blush on mo? Sobrang pula oh." Pagpapatuloy ko padin.
"Cess naman e! Wag mo nga akong tinutukso dyan! Sipain kaya kita?"
"Haha. Brutal mo naman! Nagtatanong lang e."
"Whatever." Tas inirapan nya nalang ako na tinawanan ko lang.
"Nagsosolo kayo ha. Ge ganyan kayo." Sabi ni Romenick samin ni Meine.
"Antagal mo kasi kaya sumama muna ako kay Cess. Tsaka nagugutom na ako." Sagot ni Meine sa boyfriend nya na lagi nalang late.
"Sorry naman. Teka nga kelan ka ba di nagutom?" Biro ni Romenick kay Meine. Isa pa tong dalawang to e. Di din natatahimik sa kanila ang mundo.
"Yabang mo!" Sabi ni Meine at hinampas sa braso si Romenick.
"Hahaha. Ge bili lang din muna ako nang pagkain ko."
Umalis na si Romenick nang maisipan magtanong ni Meine.
"Ano ba sa tingin mo?" Tanong nya.
"Ha?" Ano daw sa tingin ko?
"Sa tingin mo ba yun talaga ang dapat mong gawin? Ang iwan sya? Sa tingin mo ba kaya mo? Kaya mo ba wala sya? Sa tingin mo ba wala na talagang pag asa kaya yan ang naisip mo? Ano Cess?" Seryosong tanong nya sakin.
Ano nga kaya sa tingin ko? Kaya ko ba syang iwan? Malabo pa sa malabo na makaya ko yun! Mahal ko si Lance. Kaya ko bang wala sya? Oo wala nga sya sa tabi ko, pero ibang uspan na yung mawala talaga sya sakin. Hindi ko yun kaya. Ayaw ko nang ganun. Kaso may pag asa pa kayang maayos ko ang lahat? May pag asa pa kayang bumalik kami sa dati? May pag asa pa kaya na maging masaya ulit kami tulad ng dati at may pag asa pa kayang di na ako umiyak at masaktan? ABA NAMAN! OO may pag asa pa! At lahat gagawin ko para magkaroon ng pag asa. Mahal ko ssi Lance at alam ko din na mahal nya ako. Nasaktan lang sya. Babalik din kami sa dati. Magiging masaya ulit kami. At malapit na mangyari yun.
*wow! Napaka positive mo naman*
"Ano Cess?" Napatingin naman ako kay Meine. Nginitian ko sya bago ako sumagot.
"Di ko pala kaya. At sa tingin ko madami pang paraan para bumalik kami sa dati kaya di ko muna sya susukuan. Alam ko namang mahal pa ako ni Lance. Ramdam ko yun."
"To be honest Cess, ayoko na talaga na umasa kapa kay Lance. Pero sino ba ako para pigilan ka diba? Nasayo padin ang desisyon kung ano ba talaga ang dapat mong gawin. Masasaktan at masasaktan ka. Inlove e. Haha. Pero sa desisyon mo di ka namin iiwan kahit ano pa maging outcome nun. Maging mas tanga ka man dadamayan ka padin namin."
Nakakaiyak naman ang impaktang to. Sarap sabunutan. Hehe joke. Pero seryoso, thankful ako na maging kaibigan si Meine. Ganun din sila Lovelle.
Siguro nga ako padin ang magdedecide kung ano ang dapat kong gawin. Ano pa't sundin ko ang gusto ng iba kung labag naman sakin na gawin ang kung ano ang gusto nila.
Sa love naman kasi mararanasan mo talagang mahirapan, umiyak at masaktan. LOVE yan e. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao hanggat di ka nasasaktan. Di porke't nagiging masaya ka sa piling nya mahal mo na. Ano yan joke? Pano pag di kana naging masaya di mo na mahal? Ganun?
When you're inlove, time will come that you'll feel hurt and crying but in the end you'll realize how happy it is to see the person who's the reason of your tears worth crying for.
And I know to myself that Lance is worth for every sadness I'm feeling right now. Besides I have Meine and the others trying their best to make me happy and ease the pain I have caused by Lance.
-
"Tawagan mo na." Aabi ni Prince sakin.
"Kung nakakatunaw lang besh ang tingin, kanina pa lusaw yang cellphone mo katititig mo." Sabi naman ni Lovelle.
"Baka busy sya." Sagot ko sa dalawa.
"Wala sa bokabularyo ng isang tao ang salitang busy kapag mahal nila ang tatawag" Sabat naman ni Euigie na kadarating lang . Then he sat beside Prince.
Andito nanaman sila sa boarding house ko. Malaki naman kasi tong boarding house ko kaya masarap tambayan. May apat na kwarto at dalawang CR sa taas at isa sa baba. Malaki ang dining area at malawak ang garden. Ako lang ang nagbo-boared dito. Para syang di boarding house.
"Wow Euigie. Expert lang sa love?" Pang aasar nanaman ni Lovelle.
"Medyo lang naman! Gwapo kasi ako." Anlayo naman ng sagot ng kumag na to.
"Bilib din ako sayo. Galing mo magbuhat ng sariling bangko." Sabat naman ni Prince kay Euigie.
"Sama mo."
"Tumigil na nga kayong dalawa. At ikaw naman Cess. Walang mangyayari kung tutunganga kalang dyan. Tawagan mo na!"
"Okay." Sagot ko kay Lovelle.
"Ge. Magluluto muna ako ng makakain natin" sabi ni Lovelle at pumunta na ng kusina.
"Palaro muna sa laptop mo Cess ha." Paalam naman ni Euigie.
"Oy! Pasama!" At sumunod na si Prince kay Euigie.
Tatawagan ko na ba sya? Aist! Sige na nga. Namimiss ko nadin naman sya e.
I dialled Lance number at ilang ring lang nang sinagot nya to.
Napangiti naman ako knowing na sinagot nya ang tawag.
"Hi!" Masayang bati ko.
"Hello?"
Napawi agad yung ngiti ko nang marinig ko kung sino ang nagsalita. Hindi sya si Lance. Ano ba yan..
"Sino ka?" Tanong ko.
"I'm Alvick. Boaredmate ni Lance."
Sagot bya sakin."Ahhh.. hmmm. Si Lance?" Tanong ko sa kung kay Alvick.
"Wala sya e. Sinundo kanina nung tropa nya daw. Si Cess ka diba?" Tanong nya.
"Ah. Oo. Ako nga. San daw kaya yun pupunta?"
"Ewan ko lang. Nagmamadali nga sila e. Pero siguro babalik din yun. Nakacharge kasi phone nya kaya siguro iniwan nya muna"
"Sige, pasabi nalang na tumawag ako ha. Salamat"
"Welcome. Oo sasabihin ko."
And he hanged up. Wala nanaman sya. Kainis naman Lance e! Lagi nalang syang di nagpaparamdam. Mas mahalaga pa ba yung lakad nyang yun kesa sakin? At ganun ba ka importante yun para kalimutan nya ako at balewalain ng mahigit dalawang linggo?