Gaby's POV
Dali dali akong nag-ayos. Late ako nagising. Kaya naman double time talaga.
Medyo mabilis naman yung byahe at nag-MRT na ako papuntang office. Nakarating ako sa lobby at haggard na haggard talaga ako.
Sa sobrang pagmamadali ko, may nakabangga ako, babae. Medyo matangkad sya, payat, at talaga namang napakaganda. Mukhang model.
Nagsorry sya sa akin at ngumiti.
Biglang nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang naramdaman ko.
Lumabas na siya ng building at sumakay sa magarang sasakyan.
Umakyat na ako ng office. Ayoko naman kasing ma-late ako.
Pagpasok ko,
"Kiko! Ano 'to? Ayusin mo yung pag-edit nito! Double time guys! Ano ba!", boses iyon ni Matt at mukhang mainit ang ulo.
Mainit talaga ang ulo.
Galit galit muna ang peg naming apat dahil nga sa mood nitong si Sir Sungit. Ang aga aga kay sungit.
"Ms. Dela Cruz, get inside my office! Now!", sigaw nya. Grabe naman talaga, akala mo babae at may PMS! Kay sungit!
Binilisan ko ang kilos ko at pumasok na ako sa office niya.
------
Paglabas ko ng office ni Matt...
"Psst! Gaby! Kwentuhan mo naman kami sa bakasyon mo.", sabi ni Laila.
Chismosa talaga 'to.
Pero wait?
Alam ba nilang kasama ko si Matt?
"Ano kasi, wala naman. Normal na bakasyon. Kung san san lang kami nagpunta."
"Kami?", sabi ni James at tila nagtaka sila kung bakit yun ang sinabi ko.
Nako lagot.
Mukhang hindi nila alam na magkasama kami ni Matt.
"Uy ikaw ha! Sinong kasama mo?", pambubuska ni Laila.
"Wala! Ayan si Kiko ang kulitin nyo oh, yan ang may lovelife dito eh.", sagot ko.
"Hah? Di naman ako ang topic dito eh, IKAW.", sabi ni Kiko at with emphasis talaga yung pagkakasabi nya ng IKAW.
"Ah basta! Uy Kiko umayos ka ah, pag pinaglaruan mo yung bespren ko naku! Ihuhulog kita mula 14th floor!", banta ko sakanya tapos itinaas nya yung right hand nya na parang nagpapromise.
_________
Matt's POV
Medyo hindi ako nakatulog ng maayos. Napuyat ako sa kakaintay ng text ni Gaby.
Hindi na nagreply.
Nainis kaya sa sinabi ko?
Ni goodnight man lang wala. Ano ba yun.
Badtrip!
And because of that, hindi maganda ang naging gising ko.
Pero maaga akong nagpunta ng office.
Pagpasok ko, andun na si Kiko at James.
Tapos may babae dun sa waiting area.
Si Michelle.
![](https://img.wattpad.com/cover/6776323-288-k838048.jpg)
BINABASA MO ANG
Unchained Melody (On-HOLD)
Romance"Wag mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong mawawala din sayo." Unchained Melody~ It means love story. A man who hungered for a woman's love; A woman who had lost her faith in love. It's about heartache. It's about chances. This is a s...