♫#27 Confrontation

71 2 0
                                    

Gaby's POV

Gabi na ng ihatid ako ni mommy dun sa inuuwian ko. Hindi muna ako pumayag na dun tumira sa kanila since ayoko iwan si Vicky sa ganung situwasyon, at naintindihan naman ako ni Mama.

Dali dali akong nagkwento kay Vicky tungkol sa nangyari. Hindi pa din ako makapaniwala na ginawa yun ni Matt para sakin.

"Hindi ko alam anong gagawin ko kanina Vicky, nung nakita ko si Mama. Parang feeling ko panaginip lang lahat. Hay.", sabi ko at napabuntong hininga nalang ako. Nasa may labas kami at nagkukwentuhan habang nakatingin sa malayo.

"Baka naman, iwanan mo na ko dahil andyan na yung family mo?", sabi nito.

"Sus! Drama! Pwede ba yun? Eh best friend kita noh! Tsaka hindi kita hahayaan mag-isa lalo na ngayon sa kalagayan mo.", sabi ko dito.

"Buntis lang ako teh, hindi baldado.", at nakuha pang magloko.

"Hay nako Vicky! Hmmm... Pano kung magkita kayo ulit nung ama ng dinadala mo, pano na?", lakas loob kong tinanong dito.

"Nagkita kami. At sinabi ko sakanya. Pero ayaw nya maniwala na sakanya yung dinadala ko.", sabi nito na may halong bitterness dun sa lalaking nakabuntis sakanya.

"Ano? Eh gag* pala sya eh. Eh sino ba kasi yun?", sabay siko ko dito.

"Wag na natin pag usapan, past na yun eh. Magpapacheck up na nga ako bukas eh, tsaka magpapaka-good girl na ko, hahanap na ko ng trabaho. Para naman makapag ipon ako at mabuhay ko yung baby ko pag labas niya. Hindi kami nganganga. Papatunayan kong di nya kailangan ng tatay. Mamahalin ko sya, kahit na anong mangyari.", sabay himas nito sa tiyan nya.

"Nagkamali ako Gaby. Hindi ko alam na yung mga bagay na ginagawa ko, kahit na yung pinakamaliit pa, may epekto pala sa future. Ang tanga ko lang diba. Nagpakapetiks ako at nakampante ako. Dumating yung lalaking mahal na mahal ko pero tinaboy ko kasi nagkamali ako. Pero aayusin ko to Gab, wag ka mag alala, aayusin ko to.", biglang parang may nagpaiba ng ihip ng hangin dito kay Vicky. Niyakap ko ito para mawala yung bigat ng nararamdaman nya kahit paano.

"Lahat naman tayo nagkakamali eh. Nasa satin nalang yun kung pano aayusin at itatama yung mga pagkakamali natin. Kung mahal ka ni Kiko, maiintindihan ka nya Vicky. Matatanggap ka niya. Give each other a time para makapag-isip kayo pareho. Maaayos din ang lahat Vicky.", sabi ko dito at nagpatuloy ito sa pag-iyak nya.

Buong buhay ko ako yung mahina sa aming dalawa, si Vicky yung laging naglilift up sakin kapag ako yung sobrang down. Yung laging malakas samin at laging lumalaban. Hindi ko tuloy alam ano pa ang dapat kong sabihin kaya naman niyakap ko nalang ito ng mahigpit at hinayaan ko siyang ilabas lahat ng sama ng loob niya.

"Magiging okay din ang lahat.", bulong ko.

 _______________

Matt's POV

I went outside my condo para maglakad lakad at makalanghap naman ng fresh air. Hindi padin maalis sa isip ko yung nararamdaman ko para kay Gaby. That's why I decided to go for a walk at sumagi sa isip ko kung dapat ko na bang sabihin o masyado pang maaga para dun.

Sa paglalakad ko, nakita ko si Michelle sa isang bar, drinking herself to death. And there's this guy who wants to take advantage of her. Dahil sa hindi naman ako masamang tao, I rushed to her at pinagtanggol ko sya dun sa lalaking yun. Partly, nawala ang galit ko sakanya. Maybe because ni katiting na feelings wala na akong maramdaman para dito. I completely moved on with that darkest part of my life that I never imagine I could.

Unchained Melody (On-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon