Gaby's POV
Nakapili na ako ng mga pictures na gagamitin para dun sa magazine behind the scenes ng buhay ni Matteo Ruiz.
Sinamahan na nya akong ilagay yun sa bag ko na nasa loob ng kotse.
Bumalik na kami sa loob nung mansion para maglunch kasama ng parents nya.
Katabi ko si Matt at kaharap ko yung mommy nya. Katabi naman ng mommy nya yung daddy nya at katapat yun ni Matt.
Ang sarap nung mga nakahaing pagkain. It's like I'm eating in a five-star hotel. Ganun yung setup.
Habang kumakain kami, ininterview ako nung mommy ni Matt.
"Saan ka nga pala umuuwi iha?", tanong nya.
"Ah sa Makati po, sa may Brgy. Bel Air. Nagrerent po ako ng room.", sagot ko.
"Malapit lang pala sa tinitirhan ni Matthew ngayon. Bakit ka nagrerent? Where's your family?", sabi nya.
Medyo nag-aalangan akong sagutin yung tanong nya kaya naman napatigil ako bigla.
"Mom.", sabi ni Matt na parang ibig nyang sabihing wag nalang pag-usapan.
Medyo lumambot yung pakakahawak ko dun sa kutsara kaya naman nabitawan ko yun at nakuha ang atensyon nila.
"Are you okay iha?", tanong ng mommy ni Matt.
"Gaby, what happened?", at mabilis naman ang pag asikaso sa akin ni Matt.
Napansin nyang may stain nung kare-kare yung sando ko. Kaya kinuha nya yung table napkin at pinunasan yun.
"S-sorry po.", sabi ko.
"Your necklace. It looks familiar to me. Kanino galing yan iha?", tanong ng mommy ni Matt sakin.
"Uhm. Ito po? Bigay po sa akin nung pinakamahalagang tao sa buhay ko.", sagot ko.
"Pwede ko bang makita?", tumango ako at iniabot sakanya yung necklace ko.
Tinignan nya yung likod kung saan nakasulat yung naka-engrave doon. Biglang umano'y bakas sa mukha nya yung pagkagulat.
Iniabot nya na yun sa akin at tinuloy na namin ang pagkain. Nang matapos na kami, nagpaalam na ako sakanila at ganun din naman si Matt, at sumakay na kami ng sasakyan.
_____________
Matt's POV
I'm a bit worried about Gaby, medyo napansin ko kasing matamlay sya.
Maybe because she really didn't want to talk about her family. Her past.
And about that necklace, inaamin kong para akong binagsakan ng langit at lupa, knowing na ganun nalang ang pagpapahalaga nya dun. Medyo may parang kumurot sa puso ko. Yung sentiments nya, sa mga bagay na binigay sakanya ni Ace.
Nasasaktan ba ako?
Bakit?
Weird feeling.
"Tired?", tanong ko kay Gaby.
She just nodded. Kaya naman hinatid ko na sya dun sa bahay nya.
I walked her to her doorstep.
"I hope you enjoyed our mini getaway, darling.", sabi ko sakanya.
Tumango lang sya ulit, but this time, nakita ko syang ngumisi.
"Pasok ka muna sa loob?", sabi nya.
BINABASA MO ANG
Unchained Melody (On-HOLD)
Romansa"Wag mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong mawawala din sayo." Unchained Melody~ It means love story. A man who hungered for a woman's love; A woman who had lost her faith in love. It's about heartache. It's about chances. This is a s...