Nam's POV:
F I R S T!!!!!D A Y!!!!O F!S C H O O L!!!!! na! Parang nakakatamad pumasok *pout*. Ang ganda ganda kasi ng tulog ko ginising lang ako ng katulong namin para makapaghanda. Hindi ko pa nga alam kung ano ang susuotin ko basta.
Naghanda na ako, naligo, kumain, ginawa ko na mga kailangan kong gawin at ngayon na sa school na ako. Medyo, malaki ang school na papasukan ko kaya nga nahihilo na ako dito. Hayyyyyy, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Madami na rin akong nakikitang estudyanteng papunta sa sari-sarili nilang room tapos bigla kong narinig yung tunog ng bell, ibigsabihin late na ako. Tumakbo ako ng hindi tumitingin sa dinadaanan syempre ikaw kaya? First day of school tapos late? Tapos transferee? Ano yun? Nakakahiya kaya sobraaaaaa huhuhuhuhuhu paiyak na ako dto. Basta takbo lang ako ng takbo naiikot ko na ata 1/8 nitong school kasi malaki talaga itong school!
Tsaka hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Tapos may bigla akong nabangga mukhang nagmamadali siya kaya sorry na lng ang sinabi ko kahit hindi naman ata niya narinig. Pero nagtanong na din ako kung saan ang room B ng grade 7, OO!!section B ako kasi late na ako nakapag enroll at hindi na rin ako nakapag entrance exam biglaan rin kasi ang pagpasok ko dto.
Tsaka they have no rights na hindi ako tanggapin kasi sa grades ko hindi ko na kailangan mag entrance exam kasi lahat ng major subject 99 ang average ko at sa mga hindi naman ay 95 and above lang. Kung hindi nila matanggap grades ko madami pang ibang school noh!? Sorry naging mayabang na ako.
So balik tayo dun by the way lalake sya. Sinagot nya naman ako agad, sumama ka na lng sakin magkaklase pala tayo *sabay ngumiti siya sakin* ako nga pala si James, James De Jesus ikaw?
OMG ang friendly niya crush ko na ata sya sabi ko sa sarili ko. Nalimutan ko na tuloy sumagot sa tanong niya buti na lang at nabalik na ako sa aking sarili noong nagsalita siya ulit. Miss wag ka ng mahiya sa akin, at hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya dahil nagsalita na rin ako.
Ako nga pala si Nanami Momozono.
Medyo natigilan siya nung narinig niya ang pangalan ko pero agad naman siyang nabalik sa kanyang sarili. Nice meeting you Ms. Nanama Momozono *sabay ngiti* (oh my gosh grabe na to ha!! Yung heart ko grabe na at sobrang genuine ng smile niya nakakainloooooovvvveeeeeeeeeeeeeee)
Kahit na mali pagkakabigkas niya sa pangalan ko haha so sad naman gwapo nga pero haha joke lang.Tara na sa room wala na kasing tao dito kasi late na tayo sa klase hehe. Nagsalita naman si James sabi nya, Oo nga pala nawala sa isip ko yun ah! Tara na. Sinundan ko na lng siya hanggang sa nakarating na kami sa room namin buti na lng hindi terror ang teacher.
Binati nya kami ng Good Morning at tinanong kami kung bakit kami late. Naramdaman ko naman na concern lang siya kaya naman sumagot ako ng Good Morning din po mam sorry po kung late kami hindi ko po kasi mahanap itong room, sa laki ng paaralang ito. Sorry po tlaga d na po mauulit.
Sabi samin ng teacher namin na ok lang daw yun dahil first day of school pa lang naman at pinaupo na kami kaya lang dalwang upuan nalang ang vacant. Sa unahan pa talaga hayyyy ayaw ko sa unahan. Yun ang laging napapansin ng teachers eh *pout* tapos magkatabi pa yung dalawang vacant na upuan kaya tuloy katabi ko ngayon si James sa front seat hindi ito ang ineexpect ko kasi gusto kong umupo sa likod huhuhuhuhuhu parusa ba to!?
Pero atleast hindi na ako magiging lonely may friend na ako dito. That's right Nami think positive lang lagi ha!! Pero kung iisipin napapagitnaan ako ng dalawang lalaki kasi ako sa gitna, sa left si james, sa right syempre hindi ko pa siya kilala pero infairness mas gwapo siya kay James, si James mistiso naman pero ok lang. Yung sa right gwapo din at cute tapos nakataas ang hair niya tapos kayumanggi siya.
Ang gaganda ng mga kaklase ko halatang mayayaman. Parang hindi tuloy ako bagay dito sa school. By the way naboboard na ako dahil isa-isa nang nagpapakilala sa unahan buti na lng sa pinakalikod nagsimula medyo kinakabahan ako huhuhu kasi naman baka mapahiya ako or may masabi akong mali or hindi kanais-nais naku naku ayaw ko ng ganun noh? Huhuhuhuhu
Naku mukhang nakita ako ni james kaya kinomfort niya ako, sabi niya ok lng yan kaya mo yan relax lng. Siya na ang susunod kaya that means ako na pagkatapos niya.
Good Morning *sabay ngiti* (grabe yung smile niya ha! Yung alam mo na totoo na gentleman basta ganun imagine nyo nalang) I'm James Christian De Jesus, James for short. I dance and I can also play chess and soccer. *nagsmile siya ulit* then umupo (grabe hindi ba siya nauubusan ng smiles? Grabe ha *blush*)
Oh no! natapos na siya at ako na ang kailangan magpakilala sa harapan grabe sobrang kinakabahan ako baka batuhin nila ako ng papel, baka hindi nila ako magustuhan, baka may magawa akong masama baka baka! hayyyyy sobrang nega na ako wala na akong nagawa kundi ang tumayo at nagpakilala hindi naman pwedeng magpaVIP yung magpapapilit pa sa teacher. Tandaan mo high school ka na!
Ohayou*smile* I'm Nanami Momozono,I'm half Japanese. 13, that's all duomoarigatou.
(Ohayou-good morning)
(doumoarigatou-maraming salamat)Nag-salita ako ng nakangiti, nung nakaupo na ako narinig ko yung iba kong kaklaseng nagbubulungan. Ang sabi may pajapanese japanese pa pabida *hmp sabay taray* (huhu bakit ang bad nila sakin?).
Tumahimik na lang ako noong narinig yun, by the way first day of school palang may kontrabida na agad *pout* at yun ay walang iba kundi yung dalawang babae kong kaklase na sina Nikkie at Paula (Mga echoserang palaka!)
Move on na nga tayo dun. So Dominic pla ang pangalan nung na sa right side ko siguro matalino siya showy kasi siya sa class. Gwapo nga siya pero mukha namang playboy nerd. Hindi ko sinabi sainyo kanina pero pagka-upo ko sa upuan kinindatan niya ako. Ang weird diba?
Kaya inisnob ko nalang tapos makikita ko ayun nakikipaglandian sa katabi niyang babae. Sayang yung girl ang ganda niya maputi, makinis, sexy, maganda kaso malandi. Syempre first day of school tapos transferee din pala sila pareho at hindi pa naman sila magsyota. Ang alam kong pangalan nung girl Kathy, uhhhmm Ma. Kathy Londie. Bagay na bagay sakanya pangalan niya (MAKATHY na nga MaLondie pa haha peace. Hindi naman ako warfreak noh?) grabe lang kasi sila eh hindi ko matake.
NagCR lang yung teacher, alam nyo ba ang ginawa? Parang mga ahas kung makapulupot sa isat-isa, tapos yung mga paa nila you know? Tapos ewww nagkikiss sa klase? Hay naku malalandi!! Buti nalang si James hindi ganun. Bumalik na yung teacher kaya umayos na sila ng upo.
Grabe kahit first day pa lang may activity na agad, at may iba pang pinaggawa sa amin, tapos nagtanong pa yung teacher ng kung ano-ano tungkol sa studies. Kung ano daw ibig sabihin ng blah blah eh ang dali dali lang naman ng mga tinatanong alam ko na lahat yun eh.
Kahit na basic lang yung mga tanong sumagot nadin ako syempre, papatalo ba naman ako sa dominic na yun!! Kaya sumasagot din ako, halos kaming dalawa nga lang ang sumasagot sa teacher. Parang salit-salitan lang nga kami eh. So ayun napuri kaming dalawa ng teacher at classmates namin tapos nanunukso pa na bagay daw kaming dalawa. Naku naku nung tinutukso na ako sakanya grabe yung tingin sakin ni Kati Landi na yun hmp! As if papatulan ko yung loveydove nyang playboy na nerd.
Buti nalang nagbell na, recess na namin syempre si James kasama niya ang mga lalake kaya mag-isa ako. Pero may isang babaeng lumapit sakin. I met Jane, Angel Jane Rosemary oh dba banal na nga ang pangalan pati apelyido banal. She saved me from being lonely. She really is an angel in disguise.
BINABASA MO ANG
JUST AN EXTRAORDINARY GIRL
Teen FictionTungkol ito sa top 1 na makakakilala ng mga bagong lalake sa buhay niya at matututong umibig ang tanong paano at kaya niya bang pumili sa mga ito? -ps. Di siya malandi sadyang maganda lang siya at habulin ng mga lalake.