CHAPTER 6

3 0 0
                                    


Shanami's POV:
Hindi talaga ako makapaniwala! For the first time in forever hindi ako late ngaun. Magpapaparty na ba ako? Haha sorry hindi kami mayaman pero hindi din naman kami mahirap so to make it clear na sa middle class lang kami pero for now? Sad to say wala akong pera haha.Tsaka the main reason why hindi ako nagpalate kasi naman, nadala na ako sa mga nakakabunggo ko noh? Ok lang sana kung si James lang! Eh kaso madami pa palang tao dito sa school na bubunggo sakin kaya hindi na ako magpapalate.

5 minutes pa bago magstart ang klase hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala pa itong dalawang katabi ko eh! Baka malelate wahahaha buti nalang ako hindi hahahhahaha. Baka pagalitan na ako or ipatawag na ang parents ko kasi suki na ako sa clinic.


Pero Guardian lang pala aattend sakin, si yaya lang. Kasi sobrang busy sila mommy and daddy sa business nila. Na sa business trip pa nga sila ngaun next next week pa sila babalik. Well si mom lang pala kasi si dad baka next month pa makauwi yun. Haha sadlayf yung business kasi nila mommy hindi pa masyadong sikat tsaka nagstart lang sila nung 4 years old ako. Mana9 years palang ang business namin.
Na kasabay noon yung birthday ko, sa October 19.

Mayaman na sana kami ngaun well hindi naman sobrang yaman dahil nga sa arrange marriage ko nuon kasi malaki ang ishashare ng mga Cleeve's sa kumpanya namin. Kahit na bata pa lang ako nuon alam ko na lahat yun, matalino ako eh. Pero hindi naman pera ang habol ko sa mga Cleeve's wala akong pake kung mahirap sila o mayaman or katulad lang namin dahil ang gusto ko lang naman nuon ay si Zzapi at mapasakin siya.

Wala pa kasing pirmahan ng kontrata kaya nakapagback out pa sila that day kung kailan ako naaksidente at napadala sa ospital si Christian. Hanggang ngaun hindi ko padin alam kung bakit sila nagback out pero nevermind kasi may James na ako ngaun sabi nga nila Past is Past never been discussed so...

Tumitingin tingin ako sa paligid and wala pa sa kalahati ng kaklase ko ang nandito na! Pagtingin ko sa orasan 6:56 na! Eh 4 minutes nalang magstastart na eh! Pagtingin ko sa likod ko may nakaupo nadin. Wow they are so Kawaii. (kawaii=Cute) Kausapin ko kaya sila?

Mukha naman silang mabait. So wala pa naman silang katabi at sakto walang nakaupo sa gitna nila. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip at tinabihan kona sila. Sila nga pala sina Avhy Samantha Smith at Avrian Shayne Smith. Ang twin Princesses' heartthrob dito sa school.

Hindi ako makikipagkaibigan sakanila dahil sikat sila o gusto ko ding maging sikat. Hindi ako ganun noh! Tsaka parang gusto ko talaga silang maging kaibigan hindi ko nga alam kung bakit eh.


Nagkwentuhan kami ng mga kung ano-ano at yung lahat pala ng officers ay na sa meeting ngaun kaya imbis na 7am 7:30 magstastart ang lessons. Pati kasi teachers may meeting din eh. Sayang pwede pala ako magpalate kasi pagdating ko saktong magkaklase palang.

Kung kailan naman ako naging maaga saka naman hindi kinakailangan. Buti nalang kaklase ko itong kambal medyo nagiging close na nga kami eh. Sa kabilang section kasi si Jane. Nandun siya sa star section habang ako nandito kasi sayang naman talino ko kung hindi ako star section diba? Pero nevermind.

Nakipagkwentuhan nalang ako dito sa kambal mabait naman sila at friendly kaya nakasundo ko sila agad. Buti naman at may mga kaibigan na akong babae dito sa room akala ko kasi kapag nandito ako magiging Loner nalang ako syempre crush ko si James kaya baka mainlove pa ako sakanya tapos yung bestfriend ko naman na sa kabilang section. Buti nalang nandito ang kambal hihi. Kung ano ano lang pinag-uusapan namin napatigil lang kami nung dumating na ang mga iba naming classmates at yung adviser namin. Kasi syempre kailangan ko na bumalik sa upuan ko.

Okay class hindi muna ako magkaklase sainyo ngaun sabi ng teacher namin at nagyehey naman yung mga isip bata kong kaklase. Teka! Ako lang ba? Ako lang ba ang trip na pumasok kesa magstay sa bahay kasi boring at wala akong ginagawa. Atleast sa school may makakausap akong kaibigan o makinig nalang sa teacher o gumawa ng kalokohan?

Tama na nga muna pagkausap ko sa sarili ko makikinig na muna ako kay Maam.
Ehem! Quiet Class! May announcement pa ako.

-

-

-

So one week kayong walang pasok starting today. Magsisitayuan na sana lahat para umalis ang iba nakabag na ang iba nag aayos ng gamit at matindi may mga nag uunahan na sa pintuan. Excited much naman ang mga to! Hep hep sinabi ko na bang umalis na kayo? May announcement pa ako, maiiwan lahat ng kasama sa Student Council pati nadin ang Home Room Officers at papasok kayo the whole week, yun lang class you may now go.

Hinintay ko na muna na makalabas yung mga atat makaalis ng school at lumapit ako kay Maam. Maam bakit po one week na walang pasok? Pero nginitian lang ako ni Maam na parang timang tapos sinagot ako secreeeeet. Ang weird ni maam na isip bata pero nevermind sinagot ko nalang siya na sige po maam una na po ako sainyo, ingat po kayo. Sinabihan ko na mag ingat si maam kasi baka nakahithit o sinapian na yun.


Pumunta ako sa School garden hindi ko alam pero trip ko lang. Tapos may fountain sa gitna ng garden at may apat pang benches. Ang ganda naman dito sobrang nakakaamaze.

Then naisipan ko ng umuwi sa bahay pero may biglang tumawag sakin...


Unknown number calling...

Syempre kapag ganyan hindi ko sinasagot yan. Syempre para safe kaya yun pinatay ko agad tapos nakareceive naman ako ng text.

Unknown number:
Hi Nami! James here, I need to talk to you

Wait! Pano nalaman ni James number ko? At saka OMG!! Sayang hindi ko sinagot ang tawag, ano kayang boses niya sa phone?? Pero ok lang, agad ko namang sinave number ni James at nireplyan ko na siya.

Sent~
Sige! San ba?

Tapos wala pang 10 seconds nakapagreply na siya.

James<3
Meet me sa may Gate.

Hindi na ako nagreply at pumunta na agad sa may gate.

JUST AN EXTRAORDINARY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon