CHAPTER 2

19 1 2
                                    

Dalawang araw na simula ng natapos yung first day of school. Na wala namang kawenta-kwenta so, kagaya ng normal na araw sa eskwelahan ang ginawa namin. Nagturo ang aming guro, may pinasagutan, takdang aralin, basta ganun.

Tapos nung recess kasama ko si  Jane as usual nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga boys. Syempre new faces kaya ayun nagiging malandeeeeee.

Si Jane sabi niya crush niya daw si Ae Tyrone Fox tapos yung dalawang palaka na si Paula at Nikkie ayun baliw na baliw sa crush ng bestfriend ko. Naku naku talagang mga palakang yun, agawan ba naman ang bestfriend ko!?

Pero ayaw ko din sa Tyrone na yun playboy daw kasi yun eh at pumapatol sa bakla para lang magkapera. Suki daw yun ng wampipti, ano ba naman itong bestfriend ko ang ganda ganda pero ganun ang mga type eh ang dami naman diyang iba. Hindi ako against sa mga bakla ha hindi ko lang gusto yung nagbabayad pa sila. I mean making love kasi is for those two people who are genuinely inlove right?

Ako naman ang crush ko syempre sinabi ko na sayo Jane, alam mo girl ulit-ulit ka si James nga diba. Sabi naman sakin ni Jane na, eh kasi naman girl yung story niyo pangteleserye parang hindi totoo yung mga fiction ganun. Sure ka talagang nangyari yun? Oo naman, kumain na nga lang tayo haha alam ko namang kahit anong explain ko sayo hindi ka padin maniniwala haha . Sagot ko habang medyo natatawa sakanya.

Grabe kasi siya lahat nalang ng bagay meron siyang alam na pang teleserye o pangwattpad na kwento haha adik yun sa wattpad eh kaya ganun gusto mga badboy mga playboy tapos kapag nagkagustuhan daw sila magbabago daw. As if naman haha Once a Playboy always a Playboy (Shout out sa mga nakapanood na ng My Ex's and Why's medyo iniba ko lang po ang sinabi kasi dun Once a cheater always a cheater hehe)

(5m later)

OMG!! ang cute niya at bagay pa sa kanya yung hairstyle niya. Paulit-ulit na mga ganyan ang narinig ko sa iba't-ibang mga babae sa canteen, may sikat ata eh. Nakipagsiksikan ako kasi no choice eh uhaw na ako. Bumili ako ng chooga sa canteen sabi ko ate chooga po at agad na nagbayad. 10 pesos lang kasi yun eh syempre dun na tayo sa mura hindi kasi ako mahilig sa tubig mas gusto ko ang juice.

Pagkatapos nun dinala ko na yung chooga sa classroom namin buti at wala pang teacher kaya pumunta ako sa may basurahan at sinusubukang buksan yung chooga juice.

Ang hirap ngang buksan tapos noong nabuksan ko na ay biglang natapon. Natapunan ko yung kaklase kong nagngangalang Justin Heron Saavedra nag sorry ako nang nagsorry. Kaso mukha siyang nainis pero mukha naman siyang mabait tsaka halata naman na nainis siya sakin kahit kanino naman kasi mangyari yun maiinis eh!

So kahit nung lunch sinundan ko siya, sabi ko Mr.Saavedra sorry tlaga sa kanina. Sino ba naman ang hindi magagalit? Eh natapunan ko ang uniform niya! Pero bakit ganito? Bakit parang feeling ko tuloy crush ko na si Mr. Saavedra

Kasi gwapo siya tsaka siya ang bestfriend ng hearthrob dito sa school na ito kaya may itsura din at medyo famous dahil sa bestfriend niya. Parehas silang snobero siguro dahil, sikat sila pero mabait naman yung dalawang yun kasi nga kaklase namin kaya nakikita ko naman sa galaw nila tsaka feeling ko talaga mabait sila eh.

Mapili nga lang sila sa kaibigan, ang kinakausap lang nila yung kaclose nila kasama na dun si Jane ang bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung anong meron sa kanila kung bakit kaya nilang maging close sa mga boys na yun.

Pagkatapos noong scene na yun pakiramdam ko wanted ako. So Pagkatapos lahat ng klase hindi ko na hinintay si Jane may usapan sana kami eh, tumakbo nalang ako sa may parking lot at hinintay si Mr. Saavedra slash Mr. Chooga Juice yun nalang itatawag ko sakanya haha. Pero guys naisipan ko na ayaw kong mahulog sakanya. Marami akong kahati eh, sikat yun magkakaroon pa ako ng madaming bashers tsaka may James na ako.

5m later...

10m later...

15m later...

20m later...

Haysssss ang tagal naman pakiramdam ko isang taon na akong nakatayo dto, ang alam ko lang naman kasi si Mr. Chooga nagdadrive ng sarili niyang sasakyan papunta at pauwi yun ang sabi ni Jane. Ang bobo ko lang kasi hindi ko natanong anong itsura ng kotse huhu. Paano kung nakaalis na yun.

25m later...

Halos paubos na mga sasakyan dito sa parking lot siguro mga 10 nalang ang nakapark kelan kaya lalabas ng school yung lalakeng yun. Tawagan ko kaya si Jane? Yun nga tama tama.

Calling Bestyyyyyy Jane...
*Ring ring ring ring

The number you have dialed is...

Nang marinig ko na yung babaeng paulit-ulit na yun sa phone pinatay ko na agad tapos tinawagan ko ulit si Jane. Pero ganun ulit ang nangyari. Kaya naisipan ko na panglast na itong pangatlong tawag at kapag hindi pa niya sinagot wala na akong maggagawa.

Calling Bestyyyyyy Jane...
Ring ring ring ring ring ring ring

At pagkatapos ng ilang ring ay sinagot nadin niya ang phone.

Bestyyyyyy Jane: Hello Bestyyyyyy sorry ngaun ko lang nasagot, sorry hindi na tayo makakapagbonding kasi may emergency sa bahay tapos mayroon palang Student Council Meeting ngaun kakatapos palang at nandito din pala si James, Dominic, Chooga at bestfriend niya. Hindi ko na sasabihin ang ibang members kasi hindi naman natin sila kaklase baka hindi mo din kilala. Sorry pala at hindi ko nasasagot tawag mo kanina mapapagalitan ako eh byeeeee Bestyyyyyy ingat ka sa pag-uwi mwah...

Toot toot toot

Ano ba naman yan hindi man lang ako pinagsalita ang dami niyang sinabi. Kaya pala bangag na ako sa kakahintay wala naman pala akong hinihintay.

5m later...

Nakita ko narin si Mr. Chooga pagkakita ko sakanya ay nagsalita ako agad so... pero bago pa ako makatapos ay nagsalita din naman siya agad. Ikaw nanaman? Hehe sorry sabi ko. Bakit? Sabi ni Mr. Chooga, uhmmm gusto ko lang magsorry yung sa kanina tapos sabi niya Apology accepted at sabay umalis na. What the!? Naghintay ako ng matagal tapos ganun lang? Hayyyyy ang complicated talaga nila kausap mabuti pa si James at si Jane.

Pagkatapos nun ay umuwi nalang ako sa bahay at nagpahinga pero hindi padin talaga ako makapaniwala. Yung ang cool niya padin sobrang kalma niya na parang ewan nagyoyoga ata yun eh haha.

JUST AN EXTRAORDINARY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon