CHAPTER 3

21 2 1
                                    

3years later

Nagmamadali na ako papunta sa room, as usual late na naman kasi ako eh. Alam ko na makukuha kong award sa Recognition Top 1 in Tardiness, best in tardiness and leadership award in Tardiness oh dba ang galing galing ko talaga hahahahahahahahaha.

Sa pagmamadali ko hindi na ako tumitingin sa dinadaanan, takbo lang ako ng takbo sa hallway tapos parang may nabunggo akong tao. Hindi ko na nakita kasi bigla na lang ako natumba, sabi ko sa isip ko ouch ang sakit ng pwet ko. As in sobra parang naflat nga eh. Haysssss naku naku kapag naflat itong malaking pwet ko na pinaghirapan ko sa pag eexercise lagot sakin tong nakabangga sakin. HMP!!sobra siyang nakakaG-R-R-R-R-R-R-R-R.

Buti na lang talaga wala akong hawak na kung ano, tapos ang bigat pa ng bag ko. OH MY GOSH. This can't be happening, like no way. Nuh uh nuh uh. This is a crap of sh*t. Parang hindi ko kayang tumayo napatigil ako sa pag iisip nang may pamilyar na boses akong narinig sabi niya, Sorry miss do you need my help?

Wala akong pake kung pamilyar boses niya noh! Paano naman kasi yung pwet ko? Paano na? Huhuhuhuhu pangit na ba ako? Hindi na ba ako sexy? Hayssssss this really can't be happening kaya sinagot ko nalang siya ng pagalit,hoy lalakeng bulag paenglish english ka pa dyan sakit na nga ng pwet ko. Imbis na tulungan mo ako, nakatunganga ka lang dyan! I know maganda ako pero you don't have to be in awe that long. (Sorry guys pinapakita ko lang btchy side ko kapag naiinis ako baka naninibago kayo kasi mabait ako.)

Sorry talaga miss.

Tatarayan ko sana siya ulit kaso nung tiningnan ko kung sino si James pla. (Alam mo yung feeling na sinungitan, slash tinarayan, slash sinigawan, all in all napahiya ka sa harap ng crush mo!?) This really can't be happening.

James ikaw pla hehe sorry natarayan pa kita, nakaupo pa rin ako sa sahig nung sinabi ko yun tapos nagsalita kaagad si james tulungan na kitang tumayo diyan. Sorry ulit ha pangalawang beses na ito eh. Alam mo parang nanadya ka na eh ok lang yung isa pero pangalawa na kaya toh! Tsaka nung G7 pa tayo nun G10 na tayo! Ano to recap? Sinabi ko yun sakanya ng pabiro.

Pagkasabi ko naman noon ay nginitian niya nalang ako at sabay inabot ang kamay niya. Kinuha ko naman ito agad, syempre magpapakachoosy pa ba ako? Mahahawakan ko na kamay ni crush hihi. Landi mo teh! Pero hindi ko talaga kayang tumayo, nagulat nalang ako ng bigla nya akong binuhat.

Siguro mukha na akong kamatis, grabe nakakahiya. Nakikita niya kaya na sobrang pula ko na? Kapag naman nilagay ko sa chest niya ang mukha ko parang hinahalikan, o inaamoy, o minamanyak ko naman siya kung ganun. Hayyssss hindi ko alam gagawin ko.

Buti naman at binaba na niya ako, dinala nya pala ako sa clinic. Wow! Nami! Nagtaka ka pa? Bat ang bobo mo? Syempre nasaktan ka, hindi ka makatayo eh di sa clinic ka talaga dadalhin. Ano bang pag-iisip meron ka ha? May kinuhang gamot si James tapos ibinigay niya sakin, at inabot ang isang kulay asul na lalagyan ng tubig sa bag niya. Sabi niya, inumin mo itong gamot para mawala yung sakit.

Pagkainom ko ng gamot sinabi ko sakanya na parang lagi ata tayong nagkakabunguan? Ano tayo bump cars? nagsabi ako ng joke kasi parang worried na worried ang mukha niya at ngumiti naman siya.

Sa 3 years naming pagkakaibigan ni James ay ngaun lang siya parang naging sweet. Tsaka feeling ko may gusto siya kay Jane kaya lagi na namin siyang kasama. Ewan ko ba one day humiwalay na lang siya sa mga boys tas kami na ni Jane palagi niyang kasama.

tsaka sinabihan ako ng thanks tapos sabi ko, Alam mo ako nga dapat nagsasabi niyan sayo kasi pinainom mo ako ng gamot at sorry din kasi dahil sakin hindi ka nakaattend ng klase sa Science tapos sabi ni James okay lang yun basta tuturuan mo ako ha sabay wink sabi ko naman Ako?

Oo ikaw! Sabi niya. Ikaw naman ang dahilan kung bakit hindi tayo nakaattend sa klase diba? sagot ko. Tsaka sinabi ko na, akala ko ba okay na? Tsaka kasalanan mo din naman yun ah? Nakakainis ka James, pero sige kailan? Punta ka sa bahay mamayang 4pm hanggang 5pm para hindi ka gabihin baka kung ano mangyare sayo kapag ginabe ka maganda ka pa naman.

Nung narinig ko yung sinabi ni James wala na akong maisip na maisasagot kaya naisip ko na lang na asarin siya, ang sabi ko pakiulit nga yung sinabi mo? Yung panghuli? Sabi ni James wala tapos sabi ko dali na!! hindi ko tlaga narinig, promise, cross my heart hope not to die plssssssssss. Sabi ni james okay okay, sabi ko maganda ka pa... Hindi ko na siya pinatapos at sinabing ano? Ano nga ulit yun? Sabi niya ulit-ulit unli? Parang may nakapasok ata sa tenga ko o maingay sa katabing room kaya hindi ko marinig, tsaka sabi ko hindi ko nga kasi narinig tapos nagulat ako...

Kasi bigla niyang isinigaw ang mga words na ito! Ang sabi ko maganda ka pa naman narinig mo na ba? Nauutal akong nagsalita o- - oo-oo-oo narinig ko na, sabay patango-tango ako nun.

Sabay kami nagrecess grabe ang tagal pala namin sa clinic. Ang saya saya grabe, kahit na medyo naging awkward. Yung sakit ng pwet ko kanina napalitan ng saya at kilig sana hindi niya mapansin na namumula na ako. Uwian na at tinawag ako ni James kaya kaming dalawa nalang natira dito sa room, sabi niya dito nalang daw huwag na sa bahay nila so hanggang 5 kami dto.

3:50 palang naman kaya sinabi ko kay James, huy bili muna tayo ng snacks para may kainin tayo habang nag aaral you know food is life! Tumango lang si James at biglang naglakad palabas ng room tinawag ko siya at sinabing, san ka pupunta? Sumagot si James sabi niya diba sabi mo bibili tayo ng snacks? Kaya sumunod nalang ako, tumango, at ngumiti sa kanya.

Bakit bigla siyang naging ganun? Ang weird niya ha! Ngaun ko lang nakita ang ganitong side niya, naglakad na siya at sumunod nalang ako sakanya. Napahiya ako dun ah sabi ko sa sarili ko, hindi ko talaga maintindihan minsan si James pabago-bago. Minsan ang bait bait tapos minsan naman ang cold!Haist bakit kaya ganun ugali nun? Pasalamat siya crush ko siya kung hindi, hindi ko siya pagtiyatiyagaan hmp! *smirk.

Nakarating na kami sa canteen, bumili ng snacks and drinks, tapos pumunta kami sa library. Seryoso lang siya habang tinuturuan ko siya. Kanina pa siya ganto hanggang pag uwi seryoso. Bahala na nga! Bukas lagot talaga siya sa akin...

-Authors Note-
Chapter 6: James' POV and Zzapi's POV

Every week, new update, new chapter
Please Vote for this Story, Thank You

Enjoy

JUST AN EXTRAORDINARY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon