Jelathaia's POV:
Tinitigan ko sya at tumingin naman sakin ang loko. Aba't masasapak ko to ng wala sa oras.
"What are you looking at?"
Sabay taas ng kilay nya. Gusto ko na sana syang tawanan kasi mukha syang bakla. Pero wag nalang sayang sweldo.
A/N: Wala sa wisyo author nyo guys.
"Wala."
Tapos humarap sya sakin at pinitik ang ulo ko. Aba! Pinapasweldo lang nya ako hindi pinaalamon. Pero ganun narin yun narealize ko.
"Next time na magwapuhan ka sakin sabihin mo agad hindi yung tititig ka muna sakin."
Inirapan ko sya at nagpagpag sa paligid ko na parang nandidiri ako.
"Nga pala ang cool ng toy car mo. Kahit walang driver pwede na. Tamad ka no?"
Wala sa topic kong pag tanong sakanya. Pagkasabi ko nun tumawa sya ng malakas. Great! Ngayon mukha syang itlog ng suso (snail) na humahagikgik. Hindi bagay sakanya rashes nya.
"Hindi yun toy car. It's a Mercedes F 015, Gumagalaw magisa. Hindi mo ba alam yung tungkol dun?"
Mukha ba akong interesado sa sinasabi nya? Ni hindi nga ako marunong mag drive tapos sasabihin nya sakin yung Mercedes chuchu nya.
"Kung alam ko yun hindi ko na itatanong sayo yun!"
Pagkatapos nun namewang na ako. At nag taas baba ng parehong kilay.
"Pwede din parang estudyante lang! Nagsabi na nga ng instruction yung teacher magtatanong pa HAHAHAHAHA!"
Tinaasan ko sya ng kilay. Tuwang tuwa? Teka, ano ba nakakatawa sa sinabi nya? Kahit nga yung readers hindi natawa!
After 5 minutes.
"Tumawa ka naman nagjojoke kaya ako!"
Nagulat ako sa sinabi nya akala ko tititigan ko lang sya hanggang tumigil sya.
"Ah tatawa ba ako? Akala ko makikinig at panonoodin lang kita"
Tapos naging seryoso yung mukha nya, at onti nalang matatawa nako! Hahahaha!
"Okay 3rd floor, Tech room clean it isunod mo yung Swimming pool tanggalan mo ng tubig linisin mo yung pool located at 12th floor, Pagkatapos nun pumunta ka sa study room at i-arrange mo yung mga papeles o pangalan ng mga aplikante sa desk ko 18th floor, Sunod ilista mo yung gas gas, flat tire at gamit kong sasakyan sa 1st floor. Punasan mo yung mga wine sa wine cellar ko 2nd floor, Linisin mo yung music room ko 4th floor..... Etc etc"
Nagulat ako sa haba ng sinabi nya halos ini isa isa nya yung bawat floor na pupuntahan ko para ayusin butingtingin kalikutin mekanikuhin or hulmahin nalulula ako sa gagawin ko!
"Di lang ako tumawa, HB ka na agad"
Napatingin sya sakin at tinuro ang elevator.
"Just do your chores"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. 'Chores?' bukod sa anak at katulong pati asawa sino pa nagawa ng chores? KATULONG! Hindi ako magiging maide never!
_______________
Guys inaantok nako kaya end of chapter na muna :) Ciao~-SaraAinIsuki
BINABASA MO ANG
Paranoia Plausibility
RomansaParanoia-Is a state of being paranoid. Plausibility-Smartly making conclusions out of evidences. Our world is just a small world. Lahat ng tao nagkikita. No secrets unrevealed. Paano kung dalawang taong nasa state of 'Philophobia' magtagpo? Will...