t h r e e ~ His voice

711 44 14
                                    

Liorsky's Note: Omg, sa wakas nakapag-update na rin. Hm, sobrang ikli lang ata 'to. Pero SANA makapag-update na agad ako. Ginagawa ko na rin yung plot neto para mas mapabilis. :)

**

Chapter 3 - His voice

 

Pagkaalis ko sa harapan ni Lucas kahapon, hindi na niya ako tinext. Pero kung itetext rin niya lang ako, hindi ko rin naman siya rereplayan e. Awkward pa rin para sa'min. At isa pa, nahihiya na rin ako sa kanya. Palagi ko nga namang binabanggit ang pangalan ni Yeol. Alam ko rin na naiinis na siya sa'kin.

Nga pala, may work ako ngayon. Excited na ako sa pagbebake, pero hindi ako excited makita ang Tita ko. Ang bad ko diba? Ih, nakakainis lang kasi kapag siya ang nakikita ko pag nagtatrabaho ako. Puro sigaw lang ang maririnig. Well, depende na lang kung wala siya sa mood. Moody kasi talaga si Tita.

Kinuha ko na ang bag kong nakasabit sa may pinto at lumabas na ako. Nagpaalam na rin pala ako kay Exie. Pero bago yun, tatawagan ko na sana si Denny para bantayan si Exie kaso sabi ni Exie na 'wag na daw. Kaya na daw niya ang sarili niya. Sinisigurado ko na okay siya, pero tumango lang siya.

Handa na sana akong maglakad papunta sa resto ni Tita kaso bigla namang may tumawag ng pangalan ko. And as expected, si Lucas yun. Dala niya ang motor niya. Nakatungo lang ako habang papalapit siya sakin. Nahihiya pa rin ako e.

"Sakay." aya niya. Alam din naman kasi niya ang workdays ko kaya eto, hinahatid niya ako. Grabe, nahihiya pa rin talaga ako. Oo, paulit ulit na ako. Pero kasi-- Anyway, sumakay na rin ako sa motor niya. Yaan mo na, kaysa naman mapagod pa ako sa paglalakad. Atleast dumating na rin si Lucas.

Pagkarating namin sa resto nina Tita, nakakairitang boses ang bumungad samin, "Bakit ka late? Alam mo namang ang daming costumers natin ngayon tapos late ka? Sa susunod na maging late ka ulit, I'll fire you!" See? Fire agad diba? Hindi ba pedeng water muna?

Okay, no time for joking, Gab.

Pero yung totoo? Late lang ng isang araw, fire agad? Psh. Nagsorry lang ako sa kanya at dumiretso na ako sa kusina.

Nagpaalam na rin si Lucas sakin kasi may pupuntahan pa daw siya. Syempre hindi ko naman tatanggihan pa yun. Hindi ko rin naman siya kailangan dito. Hindi, joke lang. Ang sama ko e. Haha.

Habang nagbebake ako, nagulat ako nang biglang nagsalita si Yeol. Oh come on, you know what I mean. Pagtingin ko, si Exie ang tumatawag. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya! Hala!

Huminga muna ako ng malalim at saka ko sinagot ang tawag, "Hello?"

"Gab!" Phew. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong masigla pa si Exie. Akala ko kung ano na e.

"Oh napatawag ka?"

"Nandito nga pala si Lucas. Sabi niya babantayan daw niya ako." I really feel relieved sa narinig ko. Ang bait bait ni Lucas noh? Sana si Lucas na nga lang ang minahal ko. Sobrang bait at caring niya. Pero ih-- si Yeol ang laman ng puso ko e, bakit ba? Pfft. Ginugulo talaga ni Lucas ang isip ko-- pati na rin puso. Pero hindi talaga ako magbabago ng mahal. Si Chanyeol pa rin talaga ang permanente dito.

"Exie, sabihin mo sa kanya salamat ah?" um-oo lang siya at nagpaalam na ako sa kanya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagbebake ko nang biglang tawagin naman ako ni Tita Anna. Ano ba, hindi na ako makatapos dito kasi ang daming tumatawag sakin.

"Gab, pumunta ka sa table 9. Si Gwen na ang bahala sa pagtutuloy ng ginagawa mo." medyo kalmado naman siya nung sinabi niya 'yun at syempre, sinunod ko naman si Tita. Naghugas muna ako ng kamay at tinanggal ko ang apron ko. Pagkatapos, dumiretso na ako sa table na sinasabi ni Tita. 

Pagkalapit ko sa may table 9, may isang lalaking nakaupo doon at nakaharang ang menu list sa mukha niya. Ang ganda ng porma niya at ang bango pa. Naks ah? Mukhang may date si kuya! Todo ayos siya ngayon e.

Noong kinuha ko ang order niya, DEEP SEXY VOICE ang lumabas sa bibig niya. Omg! Omg! Omg! My feels! Kinikilig ako! Gusto kong magwala dito pero syempre hindi ko naman gagawin yun kasi nakakahiya sa kaniya at sa mga tao dito. Grabe, kaboses niya si Chanyeol! Hey Yeol, is that you? *cross fingers*

"Ah. S-sige po." tugon ko doon sa lalaki habang sinusulat ko ang order niya sa papel, "Okay na--" napatigil ako sa pagsasalita at sobrang napatitig ako sa kanya. Binaba niya kasi yung menu list at nakita ko ang napaka-- Oh my god.

"Wow." napabulong nalang ako. 

"Hi." sabi niya habang nakasmirk. 

At sa hindi inaasahang pangyayari, paurong nalang ako ng paurong at tumakbo papuntang cashier para sabihin kay Tita Anna yung order niya. At pagkatapos nun, dali-dali akong pumasok sa loob ng restroom habang nakahawak sa puso ko. 

Totoo ba ang nakita ko? 

**

Votes and comments are highly appreciated! Thank you! :)

Dreaming about my Bias (EXO Chanyeol FanFic) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon