f o u r ~ Stalker?

656 43 8
                                    

[131123]

Liorsky's note: So dahil may bago na akong trailer (at kinikilig ako), I made an update. Sana magustuhan niyo! Salamat sa mga sumusuporta ng storya ko. Dahil mahal ko kayo, medyo hinabaan ko na ang update dito. May plot na rin kasi ako. (Ginawa ko 'yon noong grounded ako. Mehehe.) 

Oh, and GRABE. Hindi pa rin talaga ako makamove-on dun sa MAMA2013. OMG! At dahil dun, inspired ang chapter na 'to sa MAMA Awards. Hihi.

"Mahal ko kami!" - Baek ♥

//Super Late Update// 

***

Chapter 3 - Stalker?

Pagkapasok ko sa loob, hawak hawak ko pa rin ang dibdib ko. Hindi ko talaga kung anong irereact ko.

Kikiligin ba ako? Matatawa? O MAIINIS?

Sa tingin ko, MAIINIS. Bakit? E kasi naman, ang pogi pogi ng boses niya tapos yung mukha-- err, wag nang idescribe. Baka masuka lang ako.

Siguro okay na ako sa boses. Yun nalang.

At kung iniisip niyong si Yeol yun, a big NO! Ang layo niya talaga kay Yeol-- well, except his voice. Pero his face? Nah.

Anyway, sinabi ko kay Gwen na siya na lang ang magdala ng order dun sa pangit na lalaking 'yun. Masusuka na talaga ako pag nakikita ko pa siya. Hindi naman sa nagmamayabang, pero ih. Kung ikukumpara niyo yung lalaking yun kay Lucas? Siguradong talbog na talbog siya.

Finally, tapos na ang pagtatrabaho ko. Pagtingin ko sa orasan ko, 9pm na. Ang dilim na din sa daan kaya mas mabuti pang bilisan ko ang lakad ko. Nakakatakot, baka may something na sa paligid.

Pagkauwi ko sa bahay, nandoon pa rin si Lucas. Nanonood siya ng tv habang nakataas pa ang paa niya. Sige, feel at home lang, dude. Nakakahiya naman sa'yo.

Nilagay ko muna yung bag ko sa table at lumapit sa kanya, "Nasan si Exie?"

Tumingin lang siya sa'kin habang nakangiti, "Sleeping."

Ang tahimik ng atmosphere ngayon, palibhasa gabi na. Ang tanging maririnig lang dito ay ang tv. Ang hina pa nga ng volume niya e.

Umupo ako sa dulo ng sofa namin. Bale nasa dulo kaming dalawa. Para kaming magkagalit e. Pero napansin ko lang na parang ang lapit na ni Lucas ngayon sa'kin. Kanina nasa dulo siya ng sofa, pero ngayon, nasa tabi ko na.

Nagbibusy-busy-han lang ako sa panonood ng TV pero ang totoo nan, nakatutok ang atention ko kay Lucas. Kinakabahan ako sa tuwing magkakatabi kami. Lalo na ngayon. Ang tahimik tapos kami lang dalawa ang gising.

Kita ko sa right side ko na nakatingin siya sa'kin. At dahil doon, mas lalo akong kinabahan. Ramdam ko na nag-iinit na ang mukha ko, at rinig ko pang ngumisi si Lu.

Dreaming about my Bias (EXO Chanyeol FanFic) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon