s i x ~ Bogly

718 40 26
                                    

[131208]

Chapter six - "Bogly"



Kasalukuyan akong nagtatrabaho pero hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. Pa'no ba naman kasi, nandito na naman yung lalaking pangit na yun. At take note, sa table 9 ulit siya nakaupo. Favorite number? Wapakels.

Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yung nangyari sa'kin dati. Na akala ko si Chanyeol na yun, pero yun pala, boses lang ang hawig. Tsaka mukha naman siyang-- err, mahirap? Pero dito talaga siya napapadpad. 'Di kaya iniistalk ako neto? E, malabong mangyari. At kung iniistalk man ako neto, hinding hindi ako papayag. Duh, isang katulad niya? Wag na lang.

Inis na ginulo ko ang buhok ko, "Monday na Monday, ikaw ang pambungad naming costumer? Psh." bulong ko sa sarili.

At sakto pang sinabi ni Tita na ako daw ang lumapit sa lalaking yun. Nakakainis ka Tita! Bakit ba palaging sa kanya ako napapatapat?

Pero dahil ayoko namang palayasin ako ni Tita dito sa resto, ginawa ko na ang dapat gawin. Lumapit na ako sa table 9 kung saan nandun ang-- err. Oo, sabihan niyo na ako na choosy sa costumer, pero ganun talaga. Pero kung si Chanyeol yan? Ay naku, kahit araw araw pa siyang pumunta dito. Ako pa mismo ang magsasabi kay Tita na ako na ang lalapit sa kanya. Ganun ako ka-obsessed!

"May I take your order, sir?" tanong ko sa kanya habang nakangiting peke. Kung makikita niyo ako ngayon, siguro ang itsura ko'y parang napapatae. Totoo.

Kung sa realidad ay nakangiti ako, pwes sa loob-looban ko ay, "Umalis ka na dito! Ang pangit pangit mo! Ayokong makita ang pagmumukha mo! Shoo~"

Pero natigilan lang ako dahil nakatitig lang 'tong pangit na 'to sa'kin. Masyado ba akong maganda? Anong problema ng isang 'to?

"Uh, sir?" nakakailang na ah. Baka naman may dumi ako sa mukha? Hala, oo nga! Kakabake ko kanina, baka nalagyan ng harina ang mukha ko.

Pasimple kong kinuha ang maliit kong salamin galing sa bulsa ko at tiningnan ang sarili. Sadyang naglalagay ako ng salamin for emergency. Nag-aayos muna ako kasi baka may amos ako or something.

Tumalikod ako sa kanya. Pagtingin ko sa salamin, wala naman akong amos. Maganda pa rin naman ako. Ano kayang tinititigan nun sa'kin? Ah, baka nga maganda lang talaga ako. Mukhang naglalaway na nga e. Charot.

Sasaraduhan ko na sana yung salamin ko kaso may something akong nahagilap. Sa salamin, kita kong nakatingin pa rin siya sa'kin habang nakatalikod ako sa kanya. Kita ko siya. Ang mata niya. Parang may 'something special' sa mata niya. Tinitigan ko pa itong mabuti.

Kung titigan, parang ang pogi niyang tingnan. Hay, sana naging mata na lang siya kung ganun. Ang pangit pangit din kasi ng ngipin niya. Sungki here, sungki there. Aish, kadiri. Pero sa view na nakikita ko ngayon sa salamin-- yung mata lang niya-- feeling ko ang gwapo niya. Basta para kasing may 'something' talaga e.

Ay, ewan ko sa'yo. Ginulo-gulo ko ang buhok ko at sinaraduhan na ang salamin. Muli akong humarap sa kanya para kunin ang order niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreaming about my Bias (EXO Chanyeol FanFic) ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon