Chapter 4: It all started when.... (part 1)

38 0 0
                                    

Nancy's POV:

"Hoy mga mongol!! magpilian na tayo ngayon!! wala namang teacher na eh" sigaw ni Jastine na siya namang nakakuha ng aming mga atensyon..

"Sigurado ka?! O sige Game!!" pagsang-ayon naman ni Allyson sa kanya.. Talagang atat 'tong si Jastine eh

Pumunta naman sa harap ang mga leader ng dalawang group, si Clarisse at si Allyson.. Nagjack-en-poy silang dalawa upang malaman kung sino ang mauunang pumili..

"Nice! Rock wins over scissor!" -Clarisse

"Shit! Go ahead!" -Allyson

Tinignan naman ni Clarisse ang mga pagmumukha ng mga kaklase ko..

"Okay! I choose Jerome Cristobal as our newest member" sabi ni Clarisse habang nakangisi.. Kitang-kita naman sa mukha ni Jerome ang saya at galak sa pagkakapili sa kanya ng aming leader...

"A-ah naman Clarisse! Napag-usapan na natin 'to ah, sabi nang ayaw ko dyan kay Jerome eh" -Angelic

"Tumahimik ka nga Angelic!" sabi ni Clarisse na halatang naiinis na sa presence ni Angelic, short tempered kasi yan si Clarisse.

"Tama na daldal! Sino pa yung isa?!" tanong ni Allyson.

"Nancy, ikaw na ang pumili dun sa isa!" tawag sa akin ni Clarisse..

"Ako?! Okay.. ahmm" tinignan ko naman isa-isa yung mga kaklase ko.. Arrgghh! Sino kaya sa mga itech?!

Sino?? Sino?? Si... *flashbulb*

"I decided to pick.. Yssa as one of our newest member" sabi ko habang nakangiti at nakatingin kay Yssa.. Napangiti na lang din si Yssa sa sinabi ko..

"Yun lang pala eh.. Masyado kayong pasuspense.. Sa amin na si Master Gian at Dre' Wilben" sabi ni Allyson at pagkatapos ay pumagitna na si Alexander..

"Okay.. Tapos na ang pilian.. Kayo na ang bahala sa mga pagagawa niyo?!" sabi ni Alexander at sabay balik sa upuan..

Maya-maya naman ay pumasok na ang next teacher namin at everything went back to normal.

Haay.. Buti na lang at tapos na yung pilipilian na yan. . Ayoko naman talaga ng ganyang sistema ng Section A eh.. Pantay-pantay lang naman ang turing ko sa kanila.. Bumabalik na naman sa isipan ko yung mga panahon na pinili ako nila Clarisse as their newest member..

*FLASHBACK*

Krriinngg.. krriinngg

Takte! LATE NA AKO!! Waah!!

*pant* *pant*

"Good morning Sir Dexter *pant* sorry if I'm late.." sabi ko habang nahingal.. Arrghh! Pagod na pagod na ako..

"That's okay, you may come in" sabi naman ni Sir Dexter..

Nagpunta na ako sa upuan ko sa may likuran. Transferee nga pala ako dito and July na wala pa din akong friends. Eto namang katabi kaya di ko makausap ay dahil sa sobrang weird. . Drawing ng drawing ng mga creepy objects like yung pugot na ulo tsaka si kamatayan ata yun..

"okay by group! Do this activity and you can choose your own groupmates" sabi ni Sir Dexter sabay bigay ng mga activity sheets..

Ang daya naman.. Kakasabi ko nga lang ng wala pa akong kakilala dito eh tapos ganyan na kaagad yung activity?! Tapos nakakahiya naman kung ako mismo ang mag-aaproach sa kanila..

Tinignan ko naman yung mga kaklase ko and guess what?!

Lahat sila may kagrupo na! Pati nga yung creepy kong classmate eh.. Huhu T.T . . FOREVER ALONE ANG PEG KO!

"Hi! Gusto mo bang sumali sa group namin?! Kulang pa kasi kami ng isa eh" -?

Huh?! Sino 'to?! Kaklase ko ba ito?! At ano yung sabi niya?! Gusto niya ako makagroup?! WAAHH! Di na pala ako forever alone..

"Ahmm.. Ano nga pala ang name mo?!" sabi nung isang babae na medyo katangkaran, maputi at mahaba ang buhok.

"Ako nga pala si Nancy. Nancy Moncayo" sabi ko habang nakayuko.. Nahihiya pa rin ako sa kanila eh.

"Nice to meet you Nancy! Ako nga pala si Angelic tapos yung may kulay ang buhok si Clarisse tapos yung katabi niya si Dayday tapos yung maputi si Krizzia at yung katabi niya si Tintin" pakilala ni Angelic.

Eek.. May kakilala na ako! Emeged! May mga kafriendship na ako! Tapos magaganda pa silang lahat!

RECESS

"Nancy! Sabay ka na sa amin kumain?!" -Clarisse

Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya

"Aww. Mukhang shy pa si Nancy oh" -Krizzia

"Naku! Wag ka nang mahiya sa amin" -Dayday

"Oo nga naman.. Mga katulad mo din kami. Mga loka-loka" -Angelic

"Matagal ka na nga namin gustong kausapin eh" -Tintin

"Oo nga. Kaya wag ka nang mahiya. Sumama ka na sa amin magrecess" -Clarisse

Amp.. Ganun?! Talagang kapag sinuswerte ka nga naman.. Ang babait nila.. I think I found my true friends

Ayun nga at natapos ang month ng July and going strong naman ang friendship namin nila Clarisse.. Nalaman ko din yung tungkol sa tradisyon na daw ng Section A.. Buti nga at pinili ako nila Clarisse eh para mapasama na akondun sa group nila pero bago yun may task ka munang gagawen para mahing official member ka.

"Nancy! Kaylangan mong tapusin 'tong task na 'to. " -Clarisse

"Okay! ano ba ang gagawin ko?!" -Ako

"You have to bully Kristhal" -Angelic

What?! Bully Kristhal?! Pero.... mabait naman siya Ahh

"why her?!" -Ako

"Because we told you so!" -Angelic

"Oh?! aangal pa?! Go!" -Dayday

Wala na akong magawa. Sila lang naman ang only froends ko dito eh.. I will do everything just not to lose them..

Maya-maya ay nakita na namin si Kristhal na naglalakad sa ma corridor.. Haay! I hope this turns out okay..

"Oops.! Sorry.." sabi ko pagkatapos ko siyang talisurin.

"Okay lang!" sabi naman niya with matching smile pa.. Arrgh! Bakit nakakangiti pa rin siya!

"Wait!" halata naman sa mukha niya ang pagkagulat sa pagsigaw ko.

"Bakit?!" -Clarissa

" Wag ka munang tumayo, that floor suits you!" -Ako then I heard the laughter made by my classmates.. Pero mas nangingibabaw ang tawanan nila Clarisse. Napatingin naman ako sa pwesto nila Clarisse and I saw them gave me an okay sign.

Tumayo na ulit si Kristhal and pumunta sa pwesto niya. Lumapit naman sila Clarisse sa kinatatayuan ko.

"Good job!" -Clarisse

"Ang galing-galing mo talaga!" -Angelic

"You're so AMAZING!" -Krizzia

"Pero diba may sasabihin ka pa sa kanya?!" -Angelic

"Yup! the second task" - Christine Joy

"Ah! Oo may second task ka pang kaylangang gawin!" -Clarisse

Second task?! Akala ko tapos ko nang gawin ang gusto nilang gawin?! Sumosobra na ata sila.. Pero they're my only friends.. I don't want to go back in being forever alone..

"Okay?! What is it?!" -Ako

Nakita kong may nagflash na mga ngiti sa mga labi nila.. Its like they're planning something.. SOMETHING AGAINST MY WILL..

**************************************************************************

A/N: part 1 pa lang po ito nang flashback ni Nancy.. Ang part 2 po ay ipopost sa Sunday..

Blindfold O N G O I N GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon