A/N: Sorry kung ngayon lang nakapag-update. Too busy.
**********************************
Nancy's POV:
*Kriiiing* *Kriiiing*
Hayzxcs. Sa wakas awasan na rin. Kaso bakit parang ayaw ko pang lumabas.
Inaaayos ko na yung mga gamit ko nang bigla akong tinapik sa braso ni Clarisse. Nakapinta sa labi niya ang isang ngisi.
"This is the right time. Go ahead" sabi niya sa akin at sabay senyas na lalabas muna sila. Tinignan ko naman ang buong classroom at nakitang kame nalang ni Kristhal ang nasa loob.
Whoooh! Kaya mo yan Nancy. For the sake of friendship.
Bumuntong hininga ulit ako sabay lapit Kay Kristhal na kasalukuyang inaayos ang pagkakasalansan ng kanyang mga gamit.
"Kristhal, ahmm. Pwede ka ba naming makasabay umuwi? Ahmm. Para na rin siguro makapagsorry ako." sabay ngiti sa kanya. Please, pumayag ka na. Para matapos na ito.
Ningitian niya ako katulad ng sa kanina nung tinapid ko siya. Akala ko ay di na siya papayag ngunit nagulat ako ng hinila niya ako sa kamay.
"Halika na! Baka mainip na sila kakahintay sa labas." Nagpahila naman ako at nakita nga silang nanguna na sa paglalakad. Talagang di sila makapaghintay.
Nasa tabi na kame ng kalsada at naglalakad pauwi. Dahil sa malapit lang naman ang bahay namin at pinagtyatyagaan nalang namin maglakad.
Habang naglalakad ay nagtatawanan ang lima sa harapan namin. Di kame sumasabay sa paglalakad sa kanila dahil baka maging awkward ang atmosphere.
Maya-maya ay nakita kong nagsenyas na sa akin si Angelic meaning anytime pwede ko na yon gawin.
Kunwari ko naman natulak si Kristhal sa tabi ng kalsada na naging dahilan upang mapaupo siya sa mismong kalsada. Napalakas ata pagkakatulak ko.
Narinig ko naman ang mga tawanan ng mga kaibigan ko. Kaso ang sumunod na nangyare ang di namin inaasahan. Katuwaan lang naman ang lahat ehh. Di namin hiniling na mangyari yon.
*End Of Flashback*
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ako binabagabag ng konsensya ko sa nangyari kay Kristhal. Ni isa sa amin ay wala nang naging balita sa kanya.
Nagitla naman ako ng bigla akong kinulbit ng tao sa likod ko. Tinignan niya ako na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko. Tama! Dapat di ko na siya isipin. She's just a person from the past.
Angelic's POV
Di pa rin namin talaga maalis sa isipan ni Nancy ang mga nangyari dati. Ilang beses na naming sinabi na di siya ang may gawa nun pero patuloy pa rin niya sinisisi ang sarili niya.
"Aleck!" malakas na tawag sa akin ni Tintin. Pinapapunta nila ako sa pwesto nila ngayon. Siguro may pagtsitsismisan na naman ang mga monggi na to.
Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa kanila. Ayoko namang masabihan na KJ.
"Yang si...." di natuloy ang sasabihin ni Clarisse nang sumabat si Dayday.
"Lagyan kaya natin ng codename. Alam mo naman na madaming alagad yun" sabi niya na nagbigay na sa akin ng ideya kung sino ang babanggitin dapat ni Clarisse.
"Anlandi talaga nan ni ahmm.. Kojic! Grabe lungs -.-" sabi ni Clarisse na halata mo namang inis na inis sa taong yun.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap habang ako ay biglang napaisip. Bakit kaya naging ganito na ang mga tao dito sa classroom? Parang mga mas lalo silang lumala. Ayoko nang ganito. Kinakabahan sa mga pwedeng mangyare kapag patuloy sila sa ginagawa nila ngayon.
***********************************
A/N: Okay! Update! Yipee :*
BINABASA MO ANG
Blindfold O N G O I N G
Детектив / ТриллерSa isang seksyon, di mawawala ang mga Bully, mga kikay at mga binubully.. Paano na lang kung one by one ay mamatay ang mga kaklase mo?! Paano mo isasalba ang sarili mo sa kapahamakan?! Paano mo lalabanan ang kamatayan?! Paano ka makakatakas kapag n...