Mystery

8 0 0
                                    


Syber's POV

5pm.

"HAAAAAHHOOOO" malalim na bugang hininga ang binitawan ni Jessa galing sa napakahabang tulog niya.

"Okey ka lang ba Sis?" bungad ni Cyrus at iniabot ang isang basong tubig.

"Pano ako nakarating dito?" agad niyang tanong pagkatapos inumin ang tubig na binigay sa kanya.

"They brought you here anak." Sabi ni Tita Lineth, lumapit ito at hinawakan ang mga kamay niya.

Napatingin sa akin si Jessa at sa walang malay na si Kring.

Napahigpit naman ang hawak ni Jessa sa kamay ng Mama niya habang tinitignan ako.

Pero bigla siyang nagwala sa di malaman na dahilan.

"Layo.an mo siya! HALIMAW KA?!" Sigaw niya sa akin, na halos mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"LAYO.AN MO SIYA!! LAYOAN MO SIYAAAA!!!!" sabay hagolgol niya.

"Stay away from her!" tuloy parin ang iyak niya, hanggan sa niyakap na siya ng Mama niya.

"Shhhhhh... its okey, kaibigan siya anak." Niyakap na rin siya ng Mama niya. Marahil ay isa sa mga pangitain niya ang mga lihim ko. Hindi ko rin siya masisisi sino ba naman ang hindi matatakot sa amin.

"Hindi niyo naiintindihan Ma! He's a Vampire!" Giit niya.

Napayuko naman ako ng bahagya.

"We already know that anak." Sabi ni Tito Carlo.

Napahinto ng kaunti sa pagka-hysterical si Jessa.

"Alam niyo na?" Tanong niya.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

Napatingin nalang ako kay kring na naka sandal sa couch, at napa-kahimbing ng pagkakatulog.

Siya rin ba kaya? Ganyan rin ang reaksyon pag nalaman niyang bampira ako?

Matatanggap niya ba ako?

Hinimas ko ang maamong mukha ni Kring.

Wag mo sana akong katakutan.

.

.

.

.

.

.

Quick flash back

"Good job Cyrus."

Sabi ng Lalaking may katandaan na.Napatingin ako kay kring na unti-unting nawawalan ng malay.

"Mas mabuti ng ganyan para di siya madamay." Sabi ng kanina'y nag pakilalang Mama ni Jessa.

"ANONG PINAINOM NIYO SA KANYA?!!!" agad akong nag panic, nang biglang nawalan na ng malay si Kring at bumulagta na sa sahig katabi ng mga bubog ng basong nabasag.

.

.

Sa isang kisapmata lang nasakal ko na si Cyrus, older brother ni Jessa. Isa-isa ko silang tiningnan, kalmado at tila hindi sila takot sa akin gayong nag transform na ako.

"SUMAGOT KA?!" napahigpit ang hawak ko sa leeg ng kuya niya.

Instead na sumagot siya, mag binitawan siyang maliit na bote sa sahig, nabasag ito at kumalat ang amoy nito sa paligid. Dahil sa amoy nito na bitawan ko siya ng dahan-dahan at kumalma ang mga kalamnan ko na kanina'y nag-aalab dahil sa galit.

Bampie BoyfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon