Magkahawak ang aming kamay habang naglalakad sa sinasabi nilang bridge of love dito sa aming bayan. 3 PM, Sunday. Supposedly, nasa simbahan sana ako ngayon kaso tumakas ako dun at sumama sa kanya. I felt guilty pero ginusto kong sumama sa kanya eh. Ginusto ko.
"Cath," tawag niya sa'kin. Tumingin ako sa mga mata niya. Nagtatanong.
"Wala." Sabi niya sabay ngiti sa'kin. Napangiti naman ako at yumuko. Ang kamay niyang malaki kesa sa akin ay eksaktong-eksakto sa space sa'king kamay. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya naman, hinigpitan mo din ang kamay niya na para bang wala nang bukas at gusto kong siya lang ang nasa tabi ko.
Nang nakarating na kami sa may hangganan ng tulay kung saan nandun ang iilang mga vendors ng kanilang iilang sariwang vegetables at sariwang isda, tinanong ko siya kung saan kami tatambay. Hindi siya sumagot at hinila na ako papunta sa cottages.
Umupo kami, magkahawak kamay'ng nakatingin sa dagat. Naramdaman kong tinignan niya ako kaya tumingin din ako pabalik sa kanya. Hinila niya ako at hinalikan ang noo ko. How I wish this wouldn't end. Sana forever na lang kami ng ganito.
"I love you Cath." Bulong niya sa'kin at hinalikan ang ulo ko. Pumikit ako at yumakap sa kanya sa may beywang and whispered the words I want him to remember always.
"I love you Eli, to infinity and beyond."
That was before he broke my heart.
"Akala ko ba hihintayin mo ako?" Mahinang tanong ko sa kanya kasabay ng mga luhang nag-uunahan lumabas sa aking mga mata.
"Pagod na ako Cath. Sawa na akong maghintay." Sabi niya na parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa'min ngayon.
Hindi ko gets. Bakit ganito? Nangako siya. Binigay ko sa kanya ang halos lahat ng makakaya ko except na lamang sa kababaihan at respetar ko sa sarili ko. Pero bakit ganun? Di pa ba sapat ang lahat ng efforts ko para sa kanya? Di pa ba sapat ang pagmamahal ko sa kanya?
"Eli naman oh. Nangako ka eh." Sabi ko sabay tingin sa mga mata niya pero wala akong makita na kahit a little pity in his eyes for me.
"I promised. Past tense na yun Cath. Kaya kong ibalewala ang pangakong yun. Sorry pero ayoko na sa'yo Cath. Umuwi ka na." Malamig niyang sabi sa'kin. Linapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya. Pilit kong kalmahin ang sarili ko sa pag-iyak.
"Eli tignan mo'ko." Bulong ko sa kanya na binalewala niya.
"Eli look at me. Please." Pakiusap ko sa kanya and finally he did.
"Sabihin mo muna sa'kin na hindi mo na ako mahal. Eye to eye Eli. Pag sinabi mo sincerely, hindi na kita aabalahin pa." Naramdaman kong huminga muna siya ng malalim. Tinignan ko lang siya hanggang sa magtama ang paningin namin.
Sabihin mong mahal mo pa ako Eli. Sabihin mo.
"I don't love you anymore. I'm sorry."
It's been three years since that stupid relationship ended. Talagang napakabobo ko para maniwala sa isang pangako na kaya pala niyang balewalain after everything we've been through pero as I try to look back my past, natatawa na lamang ako dahil sa pagiging napakastupid ko.
I've moved on...
Yet I want revenge. Revenge that'll make him feel the pain that I felt.
YOU ARE READING
The Bitter-sweet Revenge (On-going)
Teen Fiction"Hihintayin kita. Kahit ilang taon pa ang lumipas, ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. I love you Cath, just the way you are." The biggest lie that I believed. "Ma, mahal ko siya at sabi niya, hihintayin niya raw ako hanggang sa mag-18 na ako." Th...