Chapter 5

19 4 0
                                    

Iniwan ako sa sala ng abnormal na yun. Ang hirap niyang kausap. Ibinagsak ko ang katawan ko sa couch niya. Maghihintay ako ng ilang minuto. Siguro naman maiisip niyang bumalik dito.

"Jusko. Zion makisama ka." Para kong tangang nagsasalita. Di ba talaga siya mapapakiusapan? Akala ko pa naman okay siya. 'Tanga Miel? Psycho tapos umaasa kang magiging okay agad?' I said to myself. Ipinilig ko ang ulo ko. May kalakihan ang bahay na tinutuluyan niya. Gaya ng sabi ko 'mansion' nga. Pero nakakabaliw 'to diba. Mag isa ka lang.

Sumilip muna ako sa bungad ng hagdan kung nandun siya. Mamaya pinapanood niya ginagawa ko. Yung takot ko kanina nawala, mas napalitan ng curiosity. Nung nasiguro ko ng wala siya una kong nilibot ang sala.

Tulad ng usual na bahay may furnitures. Napadpad ako sa isang lamesa na puro picture frames.

"Baket ganito?" Tanong ko sa sarili ko. Imbes kasi na nakatayo yung frames naka tumba. Yung part na yung stand ang nasa taas. Ibinaliktad to be exact. Out of my curiosity iniangat ko ang isa para tingnan kong ano ang nandun.

Its a family picture. Marahan akong sumulyap ulit sa hagdan mamaya atakihin ng topak niya yun patayin ako sa pagiging pakialamera ko.

Unlike the usual family picture yung mukha sa frame parang kinaskas ng matulis na bagay. Yung tipong binura ang mukha. Maayos ang condition ng frame at halos buong litrato maliban na lang talaga sa part ng mukha ng pamilyang yun.

Isang lalaking nasa 40's ata babaeng nasa late 30's at isang batang lalaki. Siguro yung bata 6 or 5? Lahat naman sila walang mukha kaya paano ko malalaman. Siguro si Zion 'to, with his Mom and Dad. Wala ata siyang kapatid.

Sunod kong inangat ang isa pang frame. Ang scenario naman niya parang nasa playground. Yung babae lang at yung bata. Siguro yung tatay ang kumuha ng picture kaya di siya kasama. As usual katulad din nung isa. Wala ding mukha. Parang sadyang binura. Halos lahat ng picture ganun. Sinadyang kaskasin ang sa parte ng mukha. Maybe Zion did this. Kung baket? Di ko din alam.

Binuksan ko yung isang frame at kinuha yung picture dun, di naman siguro niya mapapansin. Itinaob ko ulit yung frame at isinuksok sa bag ko yung picture.

Sunod akong nagtungo sa kusina niya. Infairness, modern ang bahay niya. Well organized ang kusina. Napatapat ako sa ref ng kusina niya.

"Mamaya nandito yung chinop chop niyang tao" bulong ko sa sarili ko. Nagsimula na naman akong kabahan. Ilang kamay at paa kaya ang nasa loob? Mamaya may eyeballs din. Nilagpasan ko ang ref niya. Di pa ko ready na makakita ng tapyas tapyas na tao.

May pasilyo akong nakita sa bandang likuran ng kusina. Dun ko napagdesisyunang umikot.

Daan pala yun papuntang garden sa likod bahay.

"Akalain mo nga naman, ang laki ng lupa na sakop ng bahay niya." Naamaze ako sa bahay niya, or should I say kulungan niya. Kaso masyadong plain ang garden niya. Bukod sa espasyong 'to kung tutuloy ka parang may gubat sa di gaano kalayo mula sa kinatatayuan ko. Seems like yung bahay na 'to ay nakabukod talaga sa mga tao.

Agad na din akong pumasok sa bahay after kong maglibot. I expect na nasa sala na si Zion at prenteng nakaupo dun.

"Wala pa din siya." I was disappointed. Naghintay pa ko ng 20mins baka sakaling maisipan niyang sumilip 'man lang dito sa baba. Pero wala. Uugatin na ako't lahat wala talaga.

Napagpasyahan ko ng tunayo at umalis. "Bukas babalik ako Zion" sigaw ko na sana naman narinig niya kahit papaano. Tinungo ko ang pintuan at tumingin muli sa bandang hagdan. Kaso ang tigas talaga ng bungo ng taong yun di 'man lang ako sinilip.

Isinara ko ang main door pagkalabas ko. Mga ilang dipa pa ang lalakarin ko para makalabas. I have this urge the lumingon so I did.

Nakita ko siya sa taas nakadungaw sa bintana. Diretso lang siyang nakatingin. Wala man lang bang 'Bbye?'

"Bye." I mouthed as I wave my hand. Agad naman niyang hinawi pasara ang pinto. Saksakan ng sungit ang taong yun.

11:58pm (Same day)

Nakailang ikot na ba ako sa kama ko? Lima? Sampu? Bente? Di ko na ata mabilang.

"Arghhh." Inis akong bumangon. Di ko malaman bakit di ako makatulog. Di naman ako gutom, di din naman ako problemado. Well, bukod kay Zion na kailangan ko at di madadaan sa madaling usapan.

Naalala ko yung picture na nadekwat ko sa bahay niya kanina. Agad akong tumayo sa kama ko at hinanap sa bag ko yung litrato.

"Eto ka pala." Nakita ko siniksik ko pala sa may mini notebook ko.

Pinagmasdan ko maigi yung picture. Kinuha ko yung kumpleto sila, may hawak na bulaklak yung babae habang nakaakbay sa bata. Red roses.

"Ano kaya itsura ng Mama mo?" I asked the little Zion na nasa picture. Oo, pinagpalagay ko ng si Zion yun. Tutal nasa bahay niya yun. Imposible namang kapitbahay nila.

Bukas, babalik ako dun. Susubukan kong kumbinsihin siya hanggang sa pumayag.

Napabuntong hininga ako.

Sana, sana naman makisama ka Zion.

--

ZionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon