Chapter 9

17 4 0
                                    

Pagkauwi ko buong maghapon ko pinag isipan ang sinabi niya. What if itry ko nga na dun muna ako? Kaso mamaya habang natutulog ako patayin ako ni Zion. May paka abnormal pa naman yun ng pabigla bigla.

"Uy ate!" Malakas na sabi ni Nia sabay tapik sa balikat ko.

"H-Ha?"

"Kanina pa kaya kita tinatawag, hinahanap ka ni Aling Sion. Yung upa daw sa bahay." Sabi niya tsaka bumalik ng tingin sa laptop niya. Maghahanap daw siya ng trabaho kaya hinayaan ko na lang.

Tumayo ako para kunin ang bayad. Buti na lang regular ang sahod sa tutorial ko.

"Miel hija, meron na ba? Pasensya na napaaga ang singil ko may sakit kasi ang apo ko." Salubong sakin ng matanda. Nung wala akong pang upa dati ayos lang sa kanya basta makakapagbigay ako.

"Okay lang po yun, tinulungan niyo din naman ako dati." Kung may pagkakataon akong mamili ng magulang si Aling Sion siguro ang gugustuhin ko. Bigla ko tuloy naalala sila Mama.

Agad din siyang umalis pagkabigay ko kaso nagulat ako pagbalik ko kay Nia.

"Ate kaninong picture 'to?" hawak biya yung picture na galing sa bahay ni Zion. Yung family pic nila na walang mukha.

"Ano Nia, amin na yan." Sabi ko sabay lapit ngunit iniiwas niya.

"Ang creepy, bakit ganito? Don't tell me ate ikaw nagbura ng mukha neto? May galit ka sa pamilya nila?" eto na nga ba ang sinasabi ko. Lakas ng imagination niya, idagdag pa na may pagkachismosa siya.

"Wala yan, akin na yan." Mabilis akong lumapit at hinila yung litrato. "Saan mo nakuha 'to?"

"Pagkakuha mo ng pera kanina sa bag mo nalaglag yan, now tell me kanino yan?"

"Sa ano 'to.. sa may kaibigan ko sa may publishing company. Pinahawakan niya sakin naiwan niya lang." Pagpapalusot ko. Bahagya naman tumango si Nia na mukhang naniwala naman.

Pasado alas-nuebe ng gabi nag aayos na ako ng gamit ko. Napagpasyahan ko na dun muna ako kay Zion, kumpleto naman ng gamit dito sa bahay kaya di mauubusan si Nia.

"Nia, di pala ako uuwi bukas." Paalam ko sa kanya nung pumasok siya sa kwarto ko at tinulungan niyang ligpitin ang ibang gamit ko.

"Saan ka ba pupunta ate? Mag overnight ka?"

"Oo, sa may katrabaho ko." Pasensya na sa pagsisinungaling ko, di kita pwede isama.

"Basta mag iingat ka dun ha?" Paalala niya. Bata pa talaga siya, malambing pa din.

Halos magkasabay kaming natulog. Gaya ng ibang araw mula ng napunta ako kay Zion , 5am bumyahe na ako dahil alas sais ang rounding ng gwardiya. Agad naman akong tumuloy nung nandun na ang nagbubukas ng gate.

Di tulad ng dati na natatakot ako maglakad sa daanan papuntang bahay niya, ngayon okay lang. Although medyo kabado pero mas panatag ata ang loob ko ngayon.

Ako na din nagbukas ng pinto panigurado tulog pa si Zion. Nagpunta akong kusina at nagluto ng beef steak. Ako kasi nauumay sa ginagawa niya, hotdog forever.

"Ano yan?"

"Ay sht ka!" Nakakagulat 'tong isang 'to. Kung may sakit ako sa puso matagal na akong namatay sa isang 'to.

"Nagluluto ka?"

"Hindi, naliligo." Asar kong sagot. Nakikita na nga niya diba?

"Psh."

"Nga pala dito ako matutulog mamaya."

"Okay. May pamilya ka pa ba?" Tanong sakin ni Zion. Kanina lang naalala ko si Mama ngayon tatanungin niya kung may pamilya ako.

"Pinatay ang papa ko nung bata pa ko, si mama naman wala na din."

"Anong cause ng pagkamatay ng nanay mo?" Tanong niya ulit. Tapos na ko magluto at naghahain na habang siya tanong ng tanong.

"Nung nanganak siya sa sister ko di niya kinaya." Kung buhay pa kaya nanay ko, masaya kaya?

"Sorry to hear that."

Nung kinahapunan nagpasya akong pumunta sa kwarto na tutulugan ko na tinuro ni Zion.

"Sa may kaliwa, yung pangatlong kwarto. Kumpleto ng gamit dyan. Katapat nyan kwarto ko. Ayos na?" Sabi niya sakin.

"Sige kaya ko na." Sagot ko at ipinasok ang bag na dala ko. May kalakihan ang kwarto. Maayos ang kama at halatang di nagagamit. "Zion, may basahan ka? Bubuksan ko lang yung bintana. Medyo maalikabok pupunasan ko." Mas gusto ko kasi ng sariwang hangin. Feeling ko di ako makahinga kasi kulob.

"Dyan sa may cabinet sa kwarto meron dyan." Sumunod naman ako. Pero di ko inaasahan ang sunod kong nakita.

"ZIOOOOOOOOOOOON!"

--

ZionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon