Chapter 11

20 5 1
                                    

Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi. Namamahay siguro ako. I checked out my phone again, mag 12am pa lang. Wala pang 2hours tinutulog ko.

"Argh.. sht stop! Leave me alone" dinig ko. Akala ko guni guni ko lang pero umulit pa "FVCK ! I SAID LEAVE ME ALONE. GODDAMN LEAVE!" Napabalikwas ako ng tayo. Kung kanina inaantok ako nawala bigla.

Dahil nga bukas ang pinto ko at pintuan ng kwarto ni Zion tanaw ko siya. Nakita ko siya ma hawak ang ulo niya habang nasigaw. Nasisinagan siya ng buwan habang nakahiga. I don't know if he's in pain pero kinabahan ako. Dali dali akong tumayo para puntahan siya sa kwarto niya.

"Zion what's wrong?" Di ko malaman paano siya papakalmahin. Kung may masakit ba sa kanya o anong nangyayari sa kanya.

"Leave, umalis kayo. Stop disturbing me!" He screamed again. Kinakabahan ko pero mas kinakabahan ako sa nangyayari sa kanya.

"Hey kausapin mo ko, ako 'to si Miel. Zion !" Hinawakan ko siya sa braso pero patuloy siya sa pagpupumiglas. Nagsisimula na naman akong umiyak, its hard to see him like this. Para siyang nasasaktan na di niya kaya.

"Umalis kayo ! Stop!" Patuloy siya sa pagsigaw at pagtakip sa tenga niya. Tinabig niya din ako dahilan para mapalayo ako ng kaunti. "Miel, labas." Sabi niya ng bahagya siyang napatingin sakin.

"No, di kita iiwan"

"I said leave. Arghhh shit stop! Umalis na kayo." Sigaw na naman niya habang mukha siyang namimilipit sa sakit. "LUMABAS KA NA!" nabigla ako sa sigaw niya. Agad akong lumabas kasabay ng pagbalagbag ng pinto niya. I can hears Zion's scream ang masakit pa di ko alam kung anong nangyayari sa kanya. I staryed to cry, I feel so useless. Wala akong magawa para sa kanya.

In a span of 30mins tumigil siya sa pagsigaw. Nawala ang ingay na nagmumula sa kwarto niya, natatakot din akong buksan ang pintuan papunta sa kanya. I don't even know what's behind in it.

Nagpasya akong magtungo sa kwarto ko ng humihikbi. What happened to you Zion? Di siya ang kilala ko na biglang nagffreak out. Oo, psycho siya but he can handle his emotions not unlike the past few minutes.

Buong magdamag di ako nakatulog, mamaya bigla siyang sumigaw. No, his screams like he's in pain, paulit ulit kong naririnig sa utak ko. I decided to stay awake until morning comes. Sa buong existence niya nangyayari ba sa kanya yun? Naaawa ako sa kanya. I can't imagine how he van bear all that strange things in his life.

Kinaumagahan bumaba na agad ako, pagbukas ko sarado pa ang pintuan ng kwarto niya. Maybe he's still sleeping.

Nagtungo ako sa kusina at nagluto para may kakainin na siya, diniligan ko din yung roses na itinanim ko sa likod-bahay.

Pagbalik ko sa loob nakita ko siya sa kusina na nakain kaya lumapit ako. Curious ako sa nangyari kagabi.

"Zion.. about last night.."

"None of your business." Malamig at diretsong tugon niya sakin.

"May mali ba? May masakit ba sayo? May ginawa ba ko?" Sunod sunod kong tanong, I wanna clear na walaakong kinalaman kaya ako nagtatanong. Pero di siya sumagot nilinis niya ang pinagkainan niya at uminom ng tubig pagkatapos ay tinalikuran ako. "Yung tinatanong ko" habol ko sa kanya.

"I already told you na kapag ayokong sagutin di mo ko pipilitin?!" Saad niya kasabay ng marahas na paghatak niya sa braso ko.

I didn't utter any word. Baket biglang ganyan siya? Para kaming bumalik sa simula. Akala ko ba okay na kami? Nanlabo ang paningin ko, nagbabadya na iiyak na ko. Sa diin ng pagkakahawak ni Zion? O sa pagpapamukha niya sakin na wala naman akong karapatang mang himasok sa buhay niya. I look at him intently, siguro nga dapat lumayo muna ako sa kanya. Binitiwan niya ang braso ko, bakas din sa mukha niya na nabigla siya sa ginawa niya. Agad akong umalis sa harapan niya, may mali ba ko? Kinuha ko ang gamit ko at lumabas ng bahay. Di na ko nag paalam sa kanya, its enough na nasaktan niya ako ng salita niya.

8:30 pa lang. Halos apat na oras pa bago dumating ang bantay kaya malapit sa gate na lang muna ako naghintay. Tanaw dito ang bahay na natatabingan ng mga puno at halaman.

Sa ngayon gusto ko munang lumayo sa kanya.

--

ZionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon