Chapter 7

20 4 0
                                    


"Nia..." bakit nandito siya?

"Ateeeee namiss kita, nagpaalam ako kela pinsan na dito muna ako." Nasa probinsya namin si Nia, dahil wala na kaming mga magulang kay Tiya siya naiwan. Wala namang kaso sa tiyahin ko dahil wala siyang anak na babae.

"Kailan ka pa lumuwas?"

"Nung isang araw pa, medyo natagalan lang na makarating dito."

"Kumain ka na ba?" Tanong ko at nagpuntang kusina. Nag oonline tutorial din ako kaya may income ako lagi. May kalakihan ang sweldo kaya sobra pa sakin.

"Oo ate, nga pala saan ka nanggaling?"

"Sa may ininterview ko. Kailangan ko kasi siya para sa isang libro ko."

"Artista ba yan?"

"Hindi."

"Kung hindi bakit pinag aaksayahan mo pa ng panahon? Baka walang maging interesado, masayang lang oras mo."

"Nia, di siya artista. Di din masasayang oras ko sa kanya, he's interesting." Pagdepensa ko sa kapatid ko. Chismosa pa naman 'to minsan.

"He? Lalaki ate? Yeeee si Ate Miel pumapag-ibig." Tukso niya sakin. Kumuha ako ng plato at nagbukas ng delata.

"Hindi noh, para sa trabaho ko lang 'to." Di ko na din sinabi kay Nia na psychotic killer ang pinupuntahan ko. Minsan OA 'tong kapatid ko.

"Pwede ko ba siyang makilala?"

"HINDI PWEDE!" nabigla ako. "Sorry Nia. Pagod lang ako" di ko hahayaan malagay sa alanganin ang kapatid ko, ako nga alam ko 50-50 buhay ko kah Zion.

"Hmm sige."

"Bakante yung kwarto dyan sa kanan. Wala naman kalat dyan linisin mo na lang kung may alikabok" dalawa kasi ang kwartk ng apartment. May kalakihan pero di naman mataas ang upa.

Nagsimula akong magtype ng about kay Zion para may draft ako. Naglaba pa ako nung hapon kaya madali akong nakatulog kinagabihan.

Alas-cinco ng umaga ng umalis ako sa bahay. Sakto lang sa trenta minutos mahigit na byahe at ikot ng bantay sa alas-sais ng umaga. Nag iwan din ako ng note ref na nilagay ko ang iinitin na lang na pagkain ni Nia.

Maagang sumikat ang araw ngayon. Naabutan ko si Zion na naghahanda ng agahan niya. Gaya kahapon nakiupo din ako.

"Zion, baket puro processed food ang kinakain mo?" Hotdog na naman. Di ba siya nauumay?

"May mali ba dun?"

"Nasan yung mga tao?" Tanong ko.

"Huh?"

"Yung mga tao, diba pag tinatanggal mo yung mga body parts tapos kinakain mo?" seryoso niya akong tiningnan na sinundan ng katahimikan. Naisipan na ba niya na kainin ako.

"Pff. HAHAHAHA" bigla siyang tumawa na ipinagtaka ko.

"Huy, baket?"

"Im just a killer, not a cannibal." Tatawa tawa niyang sabi na umiiling pa.

"Baket ka nga pala pumapatay?" Parang plain ng tanong ko pero kinakabahan talaga ako. Mamaya bigla ako tusukin neto.

"They're sinners"

"Eh diba kasalanan din ang pumatay?" Talaga naman diba? Paano mo itatama ang mali ng isa pang mali.

"I'll face death sooner or later. Pero mas maiging magampanan ko yung role ko na magbawas ng makasalanan."

"Eto Zion ha, anong mental condition mo?"

"Believe it or not. I am normal." Tuwirang sagot niya.

"Sabagay, walang baliw na umaming baliw siya."

"Tss, normal nga ako."

"Oo na lang. Para ka palang Jack the Ripper pero 2016 version"

"Di kami magkatulad nun."

"Bakit mo naman nasabi?" Pareho silang napatay. Ayon din sa mga sabi sabi, psycopath yun.

"Babae lang pinapatay niya, unlike me. Babae, lalaki, bata o matanda. Even you, I can kill you anytime." Sagot niya at masamang tumingin sakin.

"Mas mauuna kitang papatayin" tatawa tawa kong sabi pero kinakabahan ako. Mamaya atakihin ng kalokohan 'to.

"No one can kill me. Kahit ikaw." He gave me an insulting smirk. Nagtagis bagang ako sa isang 'to. Kung di ko lang siya kailangan hinampas ko 'to ng plato.

"They can't kill you? Wala kasing sumubok."

Napatahimik siya, lahat nga naman kasi takot sa existence niya. Kaya paanong papatayin siya.

Tumayo siya at lumabas ng kusina. Ni di man lang nagsalita.

"Luh, anong nangyari dun?" Bulong ko sa sarili ko.

--

ZionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon