Prologue

29 1 0
                                    

This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons living or dead is entirely coincidental.

Copyright © 2016 by AzleAzulle (formerly MariaEmiliaRegencia)

All rights reserved, including the right to reproduce this book or portions, thereof in any form whatsoever.

____

Prologue

Please magbukas kana agad wag mo na kaming pahirapan.

Pinagpapawisan nako sa sobrang kaba. Alam kong mali ang ginagawa namin pero wala na kaming ibang pagpipilian.

Nakarinig ako nang mahinang tunog na syang nagpapatunay na nabuksan na namin ang kandado.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kirchhoff at binuksan namin ang pinto. Mabilis kaming pumasok sa loob at dumiretso sa mga bookshelves na naglalaman ng mga libro tungkol sa iba't-ibang potions. Patuloy kami sa paghahanap ng maagaw ng isang kumikinang na bagay ang atensyon ko.

Nilapitan ko ito at hinawakan.

Isang kwintas.

Hihilahin ko na sana ang kwintas ng mapansin kong nakapalibot ito sa isang libro. Kinuha ko ang librong ito at pinagpag ang alikabok na nakakapit dito. Kulay maroon ang pabalat nito. Habang ang letra ng pamagat nito ay kulay ginto. Mahina kong binasa ang pamagat ng libro. At nang mabasa ko ang sumulat nito ay nanlaki ang mata ko. Tiningan ko si Kirchhoff at nakita kong nakatingin din siya sakin. Pinalapit ko siya at inabot sakanya ang libro. Binasa niya ang pamagat at nang ang may akda na ang binasa niya ay nanlaki rin ang mata niya.

Nagkatitigan kaming dalawa. Pinapakiramdaman ang isa't-isa marahil ay sa kadahilanang hindi namin alam ang aming gagawin sa natuklasan.

Nagtitigan pa rin kami ng biglang umilaw ang Styamin sa bulsa ko.

Napamura ako ng mahina. Isa lang ang ibig sabihin nito. May presensya ng wizard na malapit sa amin. Tiningnan ko ang kulay na inilalabas ng Styamin. Lalo akong napamura. Kulay pula. Ibig sabihin isang propesor ang may ari ng presensya. Kapag nahuli kami tiyak na mapaparusahan kami. At paniguradong matutuwa si Franvina nito.

Tiningnan ko si Kirchhoff.

'Anong gagawin natin?' Mahina kong tanong sakanya.

Hindi naman sya nagsalita ngunit bigla niyang hinatak ang kamay ko. Dumiretso kami sa hanay ng mga lamesa at nagtago sa isa sa mga ito.

'Hihintayin natin siyang makaalis.'

Tumikhim naman ako para hindi makagawa ng ingay.
Halos limang minuto lang ang nakakalipas ng unti unting mawala ang liwanag na nanggagaling sa Styamin. Nakahinga ako kami na maluwag. Marahil ay napadaan lamang ang propesor na iyon.

Ngunit dahil sa takot na may makakita na saamin agad naming ibinalik sa dating ayos ang mga bagay. Isinilid ko sa invisible bag ang libro.
Isinara namin ang pinto at ibinalik ang kandado.

Sapat na siguro ang librong ito.

Nang makalabas kami ng maayos ay dahan dahan kaming bumalik sa Domus.

Nang makapasok kami sa Domus ay madali kaming nagtungo ni Kirchhoff sa Common Room at naabutan namin ang apat na nakaupo. Nahinto sila sa paguusap ng mapansing dumating na kami.

Kinuha ko sa Invisible bag ang libro at ipinakita sa kanila yun. Nanlaki ang mata nila ng mabasa ang mga nakasulat sa pabalat ng libro.

��

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon