Four: Geolddle School of Wizardy

1 0 0
                                    

Kahit ilang araw na ang lumipas hindi ko parin maiwasang mapaisip kung bakit ang vortex na dapat maghahatid sa aming tahanan ay dinala kami pabalik dito sa Vandis. Paulit ulit gumawa ng vortex ang Headmaster, ngunit paulit ulit rin ang paglagapak namin dito sa Vandis.

Nakakapagtaka.

Hindi naman kami Witch o Wizard. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung ano nga ba ang koneksyon naming rito sa islang ito. Hindi kaya nakatadhana kaming mapunta rito? Kaya ng pinilit naming umalis ay hindi kami pinayagan ng tidhana na baliin ang dapat? Hindi ko mapigilang bumuntong hininga dahil rito.

'Ang lalim naman niyan.' Nilingon ko agad ang taong nagsalita sa kanan ko at nginitian.

'Iniisip ko lang kung bakit tayo bumalik rito? Hindi kaya may misyon tayo dito?'
Pagkasabi ko ng mga katagang ito ay napahinto ang dalawang katabi ko.

'Iyan nga rin ang iniisip ko e.' ani ni Errol

'Hindi kaya witch at wizard rin ang magulang natin?' sambit ni Sabrina

Nagkatinginan kami ni Errol at sabay tumawa.

'Bakit kayo tumatawa? Hindi naman ako nagbibiro.' Padabog pa nasabi nito kaya lalo kaming humalakhak.

'Ano ba wag na nga kayong tumawa!'

'Sab naman kasi. Sa sobrang adik niyo ni Iona kay Harry Potter kung ano ano pumasok sa isip mo.' Sagot ni Errol dito na natatawa pa rin.

'Malay mo totoo, diba Iona?' sabay tingin nito sakin.

'Siguro. Ewan. Di nga natin akalain na meron talagang ganitong mundo. Atsaka wala namang naikwekwento ang mga magulang natin tungkol sa nakaraan nila diba? Basta ang alam natin ay magkakaibigan na sila mula bata pa.' pagkasabi ko nito ay umikot ang dingding na nasa harap namin. Humakbang kami papunta sa loob nito at bumulusok ito pababa. Kahit ilang araw na naming itong nasasakyan hindi ko pa rin maiwasang maramdaman ang panlalambot ng tuhod ko dahil dito. Huminto ito at bumungad samin ang liwanag ng ilaw na nagmumula sa loob ng opisina ng Headmaster.

Agad namin itong binati ng magandang umaga at ganoon rin ito saamin.

Umupo kami sa malalambot na upuan sa tapat nito.

'Hello po Headmaster.' Batii ni Sabrina dito.

'Hello din Hija.'

'Ano nga po palang sasabihin niyo?' tanong ni Errol dito.

'Hindi nako magpapaligoy ligoy pa. Gusto ko lamang ipaalam sa inyo na bukas ay papasok kayo sa Geolddle Academy.'

Nagulat kami sa sinabing ito ng Headmaster

'Ngunit hindi naman ho kami Witch o Wizard, bakit ho kami papasok roon?' tanong ko dito.

'Alam ko iyon Hija, ngunit kung mananatili kayo rito sa Vandis habang hindi pa kami nakakahanap ng paraan upang makabalik kayo sa inyong mundo hindi niyo rin naman maiiwasang makisalamuha sa mga kalahi ko hindi ba? Kaya naisipan kong pumasok kayo sa Academy upang malaman niyo rin ang mahalagang bagay tungkol sa isla at sa mga taong makakasalamuha niyo dito. At isa pa, baka may madiskubre kayo tungkol sa sarili niyo.' Walang tigil na paliwanang nito.

Tiningnan ko ang Headmaster nakatitig lamang ito ng mariin samin.

'Sa akin po ay okay lang.' ani ni Sab. Napailing ako. Alam ko namang papayag agad siya dahil mahilig daw siya sa adventure. Tiningnan ko si Errol. Hinihintay ko ang sagot niya sapagkat alam kong kung anuman ang desisyon nito ay nakabase sa ikabubuti.

'Ako din po Headmaster. Ayos lang sakin.' Napapikit ako.
Tiningnan nila akong tatlo naghihintay sa magiging sagot ko.

'Kahit naman humindi ako hindi naman nito mababago ang desisyon ng dalawa.'

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon