Three: Vortex

1 0 0
                                    

Ilang oras pagkatapos naming magkwentuhan ni Ms. Olivia ay ang pagising ni Errol at Sab. Nilapitan agad sila nito at tinanong kung kamusta na sila. Agad naman nilang sinabi na okay na sila. Nang dumating ang oras ng tanghalian, nagpaalam si Ms. Olivia na aalis muna sya upang ikuha kami ng pagkain sa kusina.

'Ms. Olivia, mayroon po bang adobong manok?' Tanong ni Sab.

'Ano bayan Sab! Wag ka ngang choosy. Libre na nga yung magiging pagkain natin tapos gusto mo pang ikaw ang mamili. Nakakahiya ka.' Inis na sabi nito kay Sab.

Napasimangot si Sab. Akmang sasapukin niya si Errol ng magsalita si Ms. Olivia.

'Wala na ba kayong ibang gusto?'

'Wahhh! Mayroon po? Talaga? Thank you po! Mayroon rin po ba kayong graham at ice cream na vanilla flavor?'

Tumango si Ms. Olivia bilang sagot.

'Ano ba yan nakakahiya ka Sab! Mayroon po ba kayong carbonara?'

'Aray! Bakit ka namamatok?! Inaano ba kita?!'

'Kung makasabi ka kasi ng choosy kala mo ikaw hindi! Deserve mo yang pangbabatok ko sayo!'

Natawa naman si Ms. Olivia sa naging asal ng dalawa.

'Ikaw ba Iona? Anong gusto mo?' Baling nito saakin.

'Ginataang langka na may siling labuyo!' Sabay na sigaw ni Errol at Sab.

Natawa kaming dalawa ni Ms. Olivia. Halatang halata kasi na kilalang kilala nila ako.

Lumabas na ng silid si Ms. Olivia kaya kaming tatlo na lang ang natira rito.

Nagkatitigan kaming tatlo at sabay sabay na tumawa.
Nang mahimasmasan kami ay biglang tumayo si Sab at nagtungo sa bintana. Pipigilan ko sana siya ngunit nakalapit na siya at paniguradong nakita niya na si Trink.

Lumingon siya sa amin ng may nanlalaking mata at bibig na nakanganga. Natawa kami ni Errol sakanya.

'Iona! Errol! Si Sohcahtoa!' Sigaw nito.

Nagmadali namang lumapit si Errol sa bintana at sumilip narin. Katulad ng naging reaksyon ni sab nanlalaki rin ang mata ni Errol.

'Iona! Sab! Bilis umalis na tayo rito! Baka makita niya tayo at kainin niya tayo!' Natatarantang wika ni Errol.

Tinitingnan ko silang dalawa habang nagpapanic. Nakakatawa hitsura nila. Ang sarap i-video.

'Hoy Iona! Anong ginagawa mo?! Mag panic ka rin!' Sigaw na sabi sakin ni Sab.

Ano daw?

'Guys! Huminahon kayo.'

Ngunit para namang wala silang narinig. Patuloy pa rin sila sa pag he-hysterical.

'Waahhhhh! Ohmygashh! Hindi maari! Kaya siguro ayos lang kay Ms. Olivia na maging choosy tayo sa pagkain dahil mamatay na tayo. Ipapakain nya tayo kay Sohcahtoa! Wahhh. Siguro isang witch si Ms. Olivia at alaga niya ang halimaw na iyon!' Nagsisigaw na sabi ni Sab.

At dahil rinding rindi nako sa kaingayan nila, lumapit ako at saka binatukan sila.

'Aray! Ganyan kaba talaga magpanic Iona?! Mamatay na tayo mamaya. Magisip ka rin naman sana ng paraan!' Sigaw sakin ni Errol.

Napahimas ako sa batok ko.

Magsasalita sana si Sab ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ms. Olivia. May tulak tulak itong cart na naglalaman ng mga pinili naming pagkain.

'Wahhh! Andyan na ang witch Iona!' Sigaw nito habang nakaturo ang daliri kay may Ms. Olivia. Bakas naman ang gulat sa mukha ng huli.
Lumipat ng pwesto sa likod namin si Errol dala marahil ng takot.

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon