Five: Fiends

3 0 0
                                    

Pumailang lang ang tawanan sa buong Hallway. Sino nga bang hindi matatawa sa sinapit namin? Nakakainis! Mukha kaming tanga dito.

May tatlong pares ng paa ang biglang lumitaw sa harap namin.
Tiningala ko ito at nagsalubong ang mata namin ng babaeng nasa gitna.

'Enjoying the floor?' nakangising tanong nito.

Leche plan.

Tumayo ako sa harap niya at napagtanto kong maliit lang pala siya. Dahil rito napangisi ako sakanya.

Tinginan ko sina Errol at Sab at senenyasan sila na ipagpaptuloy namin ang pagpunta sa Room 107. Mahigpit kasing ipinagbilin samin ng Headmaster na wag na wag kaming hahanap ng gulo. Hindi pa kami nakakalayo ng biglang may humigit ng damit ko.

Anak ng!

'Not so fast my dear.' Sabi nung babaeng pandak.

'Excuse me lang. Hindi namin gusto ng gulo kaya kung pwede lang pabayaan niyo na lang kami dahil baka malate rin kami sa klase namin.'
Pagkasabi ko nito ay tumalikod na ulit ako ngunit may humigit nanaman sa damit ko. Tsk. Ayoko pa man din sa lahat ay nagugusot ang damit ko. At dahil naiinis nako. Hinarap ko ang babaeng maliit habang nakataas ang isa kong kilay.

'Ano bang problema mo Flat Five?'inis kong sabi rito.
Nanlaki ang mata nilang tatlo sa sinabi ko habang natawa naman si Errol at Sab dito.

'Flat five? Hindi pa nga ata umabot ng five yan e. Hahaha' pahabol pa ni Sab.

Nagpantig lalo ang tenga ng babaeng nasa harap ko. Halatang halatang asar siya dahil namumula pa ang mukha niya.

'Excuse me? Hindi flat five ang pangalan ko!' sigaw nito sakin.

'Oh? May pangalan ka pala. Ah sabagay aso nga may pangalan ikaw pa kaya?'

Tinaasan niya ko ng kilay saka ngumisi.

'Oo naman. Hayaan mong magpakilala ako sainyo'

Tumayo siya ng tuwid sa harap namin.

'Ako si Franvina Blanc. Ang anak ni Gregory Blanc. Isa sa pinakamayamang wizard dito sa Vandis. Habang ang dalawang kasama ko naman ay sina Lorins Bayhead at Rich Victor Mobkers mga anak rin sila ng mayayamang wizard.' Ipinagdiinan niya talaga yung Wizard. Eh ano. Leche siya. 'At kami ang tinatawag na Fiends. Ang pinakamagaling na grupo sa buong Freshmen.'

Natawa kaming tatlo. Fiends? Ang korni.

'Mais.' Sabi ko sakanya.

'Aba't! Mais?! Ang haba haba ng pakilala ko sainyo tapos mais lang ang sasabihin mo sakin boba! Mais? Talaga ngang boba ka. Anong connect nun ha?'

Napangisi ako. Pagong pala ang isang to.

'Pagong ka alam mo yun? Mais kasi ang korni niyo. Ano naman kasing gagawin namin sa pangalan niyo?'

Umusok lalo ang mukha niya. Hahaha.

'Hindi ba kayo natatakot sa amin ha?! Kami ang pinakamalakas na Freshman dito!'

'Eh ano ngayon? Sa freshmen lang pala e. Kala ko naman sa buong Geolddle. Tsk. Epal.' Singit bigla ni Sab.

'Hoi babae. Mag ingat ingat ka nga sa sinasabi mo!' wika naman ng babaeng nagngangalang Lorins.

'Eww.' Sabi ni Sab sabay paypay ng kanyang kamay sa kanyang mukha. 'yung totoo nagto toothbrush kaba?'
Ang lakas talagang mang asar nito. Idol na idol.

Halata namang nagalit si Lorins at akmang sasampalin niya si Sab ngunit pinigilan siya nung lalakeng nagngangalang Rich.
Hay buti may matino sa kanilang tatlo.

'Lorins, pagsinampal mo siya para ka naring humawak ng basahan.'

Aba't demonyo rin pala ang isang to.

Tiningnan ko si Sab halatang hindi na siya natutuwa.

'Oo nga noh. Ayoko pa mandin sa germs.'

'Aba! Sino kayang mas mukhang germs sating dalawa ha?!'

'Tinatanong pa ba yan tao? Syempre ikaw!'

'Hoy ikaw ha! Sumusobra kana!'

'Eh ano ngayon? Inggit ka lang kasi hindi ka pinagtatanggol niyang syota mong tuod!'

'Excuse me? Hindi ko siya syota. FYI. Were just friends. Teka!' tiningnan ng masama ni Sab si Errol. ' Hoy Errol bakit di mo kami pinagtatanggol ha?!'

'Sab naman ayokong sumama sa away niyong mga babae.' Sagot nito habang nakangisi.

'Anong sabi mo? Hindi ako babae!' wika naman ni Rich. Pikunin.

'Ow. Wala naman akong sinabing babae ka bro. Ewan ko lang kung bakit ganyan ang reaksyon mo.' Sabi nito habang nakangisi pa rin.

'Abat! Palakihan na lang oh. Nang malaman natin kung sino ang mas lalake'

'Palakihan ng ano? Ng maskels? Nahh. Hindi na kailangan. Halata naman kung sino sa atin ang tunay' sabi ni Errol habang nakapamulsa.

Susugurin na sana ni Rich si Errol ngunit pinigilan siya ni Franvina.

'Tama na yan Rich. Bakit hindi na lang natin sila gamitan ng spell? Para naman matuto silang gumalang sa atin.'

Siomai na palaka! Lugi kami panigurado.

'Oh. Ano ng nangyari sa dila niyo? Ang talim niyan kanina a. Pumurol naba dahil sa takot niyo sa amin? Sabagay wala naman talaga kayong laban samin. Tao lang naman kayo.' Nakangising sabi nito.

Tsk.

Mabilis kaming nagusap gamit ang aming mata.
At syempre ang nagging desisyon ng paguusap naming ito ay ang tumakbo.

Oo. Tumakbo hanggang makarating kami sa Room 107. Bakit? Syempre wala kaming laban sakanila. Dehadong dehado kami neto. Kainis.

Tiningna ko ulit ang Fiends. Nakita kong sabaysabay nilang inilabas mula sakanilang pulang roba ang kanilang mga wands.

Siomai. Sana pala hindi ko na sila pinatulan kanina. Ang bobo ko. Arg! Mapapahamak pa tuloy kami ngayon. Huminga ako ng malalim.

One.

Two.

Three.

'Takbooooo!' sigaw ko sa dalawa.

Tumawa lang naman ang Fiends at mga estudyanteng nanonood sa amin.

'Konfivulla ranae!' 
'Caba quus!'
'Diminetus!'

'Hahahaha.' Lalo pang lumakas ang tawanan. Pero bakit ganito? Feeling ko lahat ng bagay sa paligid lumalaki.
Lumingon lingon ako at nanlaki bigla ang mata ko. Kaya pala. Pinaliit ako ng walang hiyang babaeng yun. Kainis!

Lumingon ulit ako sa pligid upang hanapin ang dalawa kong kaibigan ngunit ang nakita ko lamang ay isang palakang nakalipstick at babaeng kabayo ang mukha.

'Oh paano ba yan? Mas matangkad nako sayo.' Ani Franvina.

Baliw. Sigaw ko sa isip ko.

Lumapit siya sa akin dahan dahan akong iniangat gamit ang buhok ko. Leche plan. Masakit sa anit.

'Ano magsalita ka. Hahaha'

'Bitawan moko!'
Tumawa lang naman siya at lalong hinigpitan ang hawak sa buhok ko.

'Paano kaya kung bitawan kita?! Masaya kaya yun? Hahaha.

Napailing na lang ako.

Tuloy pa rin ang tawanan sa buong Hallway. Nakita kong sinusubukang tapakan ni Lorins ang palakang nakalipstick na sa tingin ko ay si Sabrina. Habang si Rich ay sinasampal si Errol gamit ang wand niya. Tawa lang naman ng tawa ang mga estudyante. Bwisit. Wala bang balak tumulong sa amin?

'Fiends! Masyado ata kayong nawiwili sa paggamit ng mga spell?!'

---

Isa pa! HAHAHA. Kahit maikli xD 


Ayos ba? XD

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon