Seven: Pentagon

1 0 0
                                    


Nagising ako dahil sa ingay.

'Don't make me clo-. Aray!' napahimas si Sabrina sa kanyang ulo na nasapol ng aking unan.

'Uy gising kana pala Iona?' masiglang bati nito sakin.

'Ang ingay mo kasi." Nakasimangt kong sabi rito.

Bumaba nako sa kama at nag-unat. Inayos ko ang kobre-kama at tinupi ang kumot. Pinulot ko ang unan na ipinangbato ko kay Sab at isinalansan ito kasama pa ang ibang unan. Matapos ito ay agad akong dumiretso sa CR.

Pagkatapos kong maligo ay sabay na kaming bumaba ni Sab patungong Dining Hall. Pagdating namin dito ay agad kaming binati ng mga nasa hapag. Tama nga siguro ang napili naming Domus sapagkat mababait ang mga ito.

'Sab. Iona.' Tawag ng isang pamilyar na tinig. Napalingon kaming dalawa sa pinagmulan ng boses. Nakita naming kumakaway si Errol at tinuturo nito ang dalawang bakanteng upuan sa kanyang tabi. Katapat nito ang bago naming mga kaibigan na matiwasay na kumakain.

'Hello.' Bati saamin ni Mariel ng makalapit kami sa kinalulugaran nila. Binati naman namin siya pabalik.

'Kamusta tulog?' tanong niya saamin.

'Ayos naman.' Sabi ko sabay ngiti sakanya.

'Pasensya kana kay Iona ha? Woman of few words lang talaga siya.' Tatawa-tawang sabi ni Sab habang umuupo. Umupo narin ako sa tabi niya sapagkat nagugutom na rin ako.

'Parehas talaga sila ni Kirchoff.' Utas naman ni Cyrus.

Nanlaki naman ang mata ni Sab, paniguradong may naiisip nanaman itong kakaiba.

'What?' sigaw nito. Napailing naman ang katabi kong si Errol.

'Ano nanaman ba ang naiisip mo ha, Sab?' tanong niya kay Sab.

'Oh my gash.' Sigaw pa rin nito. 'Hindi ako papayag.' sigaw muli nito. Nakatingin na sakanya ang lahat ng nasa hapag. Nabulabog marahil ang mga ito dahil sa sigaw niya.

'Huy, mahiya ka naman Sab. Pinagtitinginan ka na nila oh.' Sita sakanya ni Errol.

'Hindi. Hindi mo kasi naiintindihan Errol.' Napakunot naman ang noo ni Errol dahil sa kanyang tugon. Saan ba patungo itong usapang ito? Wala naman ata.

'Hindi ka pwedeng maging babae Kirchoff. Magkakatuluyan pa kayo ni Iona.' Baling ni Sab sa tahimik na kumakain na si Kirchoff.

Ano daw? Ano bang pinaglalaban ng babaeng ito? Literal na literal ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Cyrus.

Napatingin naman kaming lahat sa tumatawang si Kirchoff. Marunong pala siyang tumawa? Parang kahapon lang lagi siyang tahimik.

Patuloy lang ang pagtawa niya habang pinapanood siya ng mga nasa hapag. Nang mahimasmasan siya ay bigla na lang siya tumayo.

'Imposible yang sinasabi mo Sabrina.' Marahan niyang wika rito. 'Tapos na akong kumain. Mauuna nako sa inyo.' Wika nito bago maglakad palabas ng Domus.

'Huy, sandali.' Sigaw ni Sab dito. 'Ano yung imposible? Yung babae ka o yung maging kayo ni Iona?' sigaw muli nito.

Hindi ko na pinakinggan kung anuman ang sinasabi niya at sinimulan na ang pagkain ko.

---

'Nagkakaintindihan ba tayo?' tanong ng isang baritonong boses. Sumagot naman ang mga kaklase namin. Muli ay pinaalala nito sa buong klase na dalhin ang kanya kanyang wand. Isa isang nagsi-alisan ang aming mga kaklase matapos ng mga paalala nito.

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon