One: The Vanishing Island

16 1 0
                                    

Tirik ang maliwanag na araw. Ang mainit na sinag nito ay tumatama sa aming balat. Habang ang matamis na hangin ay dumadampi sa aming buhok. Tanging ang mga mumunting ulap ang mababanaag sa asul na kalangitan, tila ba ang mga ito ay mga batang nagtatakbuhan kasabay ng paginog ng mundo. Samantala, ang payapang alon na humahampas sa sinasakyan naming bangka ay parang duyan na hinehele kami sa pagtulog. Tanging ang ingay ng motor ng bangka ang aking naririnig nang biglang magsalita sa aking tabi ang kaibigan kong si Sabrina.

'Nasaan na ba kasi ang islang iyon?!' sabi niya habang lingon ng lingon sa paligid.

'Ano ba kasi ang trip mo at dinamay mo kaming dalawa ni Iona dito sa Island Hunting mo?' ani Errol isa ko pang kaibigan.

'Eh gusto ko ngang makita yun e. Sabi kasi nila yung islang yun isang beses mo lang makikita sa loob ng isang taon. Nakalubog daw kasi yun. Pero ang pinakakumuha ng maganda kong atensyon ay ang sabi sabi na may nakatayong kastilyo sa gitna ng islang yun. Kaya nga gustong gusto ko yung makita.' pagdadahilan naman ni Sabrina

'Castle lang pala ang hanap mo? Eh di sana nagpunta na lang tayo ng Hong Kong! May castle si Mickey Mouse doon! Tsaka bakit ka kasi nagpapaniwala sa mga sabi sabi? Nagnakaw pa tayo ng bangka dahil sa kahibangan mo.' inis naman na sagot ni Errol dito.

'Bakit ka kasi sumama? Tsaka anong sabisabi may ganun kayang isla magbasa ka kasi ng Encyclopedia para sana alam mo na may ganun. Palibhasa kasi puro kabastusan ang binabasa.' sabay ikot ng mata.

'Excuse me? Hindi ako nagbabasa ng ganun. Baka ikaw. Tsk. Bakit ako sumama? Malamang sa katangahan mo pwedeng mapahamak si Iona. Kaya nandito ako para iligtas siya.'

'Wow ha. Hero? tsk. Pagbigyan niyo na kasi ako. Tutal birthday naman ni Iona bukas magandang regalo sa kanya to. Adventure pa' Sabay kindat sakin. Napailing na lang ako sa tinuran niya.

Nanahimik naman si Errol. Nagiisip nang ipang lalaban sa sinabi ni Sabrina.

'Kung makikita nga nating iyong sinasabi mong isla. Paano tayo magpapalipas ng gabi dun Sab? Oo adventure nga yung pag hahanap doon pero ang pananatili sa lumulubog na isla hindi adventure yun. Nakakamatay yun.' Mariin kong sabi sakanya.

'At may sabi sabi pa na may nakatayong kastilyo sa gitna nito. Kung pati ang kastilyong ito ay kasama sa paglubog naiisip mo naba kung gaano ito magiging kalalim Sab?' Tanong ko sakanya.

Napatingin silang dalawa sakin dahil sa sinabi ko. Parang ngayon lang rin nag sink in sa kanila na baka mapahamak nga talaga kami.

'Ah eh. Hindi ko alam e.' ani Sabrina habang nagkakamot ng ulo.

'Mabuti pa kung umuwi na tayo habang maaga pa. Ngayong alam na nating kung gaano kadelikado tong ginagawa natin. At wala pa tayong kasama na kabisado ang dagat.'

Sumangayon sa sinabi ko si Errol. Magproprotesta sana si Sabrina pero tinitigan ko siya ng masama.

'Kasi naman e. Nasa gitna na tayo ng dagat hanapin na natin! Sayang 'tong mga dala nating pagkain.' pagpupumilit pa rin ni Sabrina.

Tiningnan lang namin siya ni Errol at minaobra ang bangka pabalik sa pinagalingan namin. Ngunit laking gulat namin nang sa pagikot ng aming bangka ay biglang lumitaw ang isang napakalaking isla.

Isang isla na may nakatayong kastilyong ginto sa gitna.

Kumikinang ang kastilyong ito habang natatamaan ng sikat ng araw.

Nakakabighani.

Pero habang tinititigan ko ito ay unti unting tumatayo ang balahibo sa katawan ko. Kinikilabutan ako. Paanong nangyari ito? Dumaan kami kanina diyan diba? Paanong biglang lumitaw ang islang yan diyan.

Iona and The Necklace of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon