Allhison's pov:
Lumipas ang dalawang araw at wala paring Aimee na nagpapakita o nagtetext sa akin. Ayokong maniwala na patay na siya dahil buhay pa ang bestfriend ko! Pag pasok ko ng school nakita kong maraming pulis at estudynte na nagkukumpulan sa canteen. Nakita ko si Jessa naisa sa nakikipag kumpulan nilapitan ko siya pag lapit ko amoy masangsang na nabubulok ang umaalingasaw.
"Goodmorning Jessa!" Sinubukan kong maging tunog masaya boses ko habang nakatakip ilong ko.
"Goodmorning din Allhi!" nakangiti niyang sabi habang nakatakip ilong niya.
"Anong meron diyan?" tanong ko sabay turo sa nagkukumpulan.
"May nakita daw kasi babae na pinagsiksikan sa aparador kung saan nakalagay ang mga pagkain."
Inilabas nung mga pulis ang naturang bangkay nang dadaan na malapit sa akin biglang nalaglag yung kamay nung bangkay.Tinignan ko yung kamay niya na may bracelet. Pinakatitigan ko ito kasi parang pamilyar then naalala kong bracelet yun ni Aimee! Sunod sunod na ang patak ng luha ko hanggang sa naging hagulgol na ito.
Nilapitan ako ni Jessa at tinanong kung okay lang ako.
"Jessa si Aimee yung babae!" sabi ko habang umiiyak.Tinignan ko yung mga taong nakapaligid sa amin. Bakas sa mata nila ang lungkot at takot.Dinala ako ni Jessa sa clinic.
"Magpahinga ka muna babalikan kita dito mamayang lunch break." sabi niya dahil sa pinaghalong antok at pagod di ko na namalayan na nakatulog pala ako.
Jessa's pov:
Kawawa namin si Allhi namatay bestfriend niya. Anyway lunch time na kaya pupuntahan ko si Allhi sa clinic. Pag pasok ko nakita ko siya tulog na tulog.
"Allhi gising na kain na tayo." sabi ko sabay yugyog
Dahan dahan siyang nagmulat ng mata. Pumunta siya saglit sa cr ng clinic para mag ayos. Paglabas niya
"Nurse. salamat po" Sabi ko
"Okay lang :)"Sabi nung nurse
"Sige po alis na po kami" Sabi ko sakanya na tinanguan niya lamang.
*Canteen*
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Allhi
"Carbonara nalang" Sabi niya sabay abot ng pera
"Wag na libre ko na sayo yun."Sabi ko
"Salamat Jessa."
Pumila na ko sa counter habang nakapila ako iniisip ko padin kung okay na ba talaga si Allhi. Siguro hanggang ngayon hindi pa rin siya makagetover sa pagkamatay ng bestfriend niya. Pagkatapos kong umorder bumalik nako sa table.
BINABASA MO ANG
Sanguinary Revenge
Mystery / Thriller"Even your own shadows will leave you when darkness comes , my dear"