PROLOGUE

23.6K 324 12
                                    


"So, what else could I say but congratulations?" Pinilit ni Ellen ang ngumiti nang sabihin niya iyon kay Miguel. Pinigilan din niya ang mapaluha sa harap nito. Napakasakit para sa kanya iyon sapagkat ikakasal na ito sa iba. Ang buong akala niya ay siya ang pakakasalan nito kapag natapos na nito ang apat na taon nito sa kursong medisina at pag naging ganap na itong doktor. Pangako nito iyon sa kanya. Subalit nagbago ang ihip ng hangin nang mabalitaan niyang may "nadisgrasya" itong isang Amerikana. Kaklase nito iyon sa med school sa California kung saan na ito naka-base ngayon. Eighteen years old si Miguel nang mag-migrate ang buong pamilya nito roon.

Kinuha ni Miguel ang isang kamay niya at mahigpit nitong hinawakan iyon. Namamasa ang magkabilang mata nito. "I'm sorry. I'm really sorry. I'm so dumb. I got drunk one night and then it happened. Hindi ko kayang i-justify sa'yo ang mga ginawa ko dahil alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. Kung maaari lang na hindi...na hindi ko siya pakasalan at suportahan ko na lang ang magiging anak ko sa kanya...." He sighed.

Hindi na niya napigilan ang pagbasak ng mga luha sa kanyang mga mata nang tuluyan na itong mapaiyak sa harap niya. "I know you won't do that, Miguel. Do what you think is best. And you know what's best." Aniya kay Miguel. Dama niya ang paghihirap ng kalooban nito. Maaari ngang gawin nito ang sinasabi nito na hindi nito kailangan pang pakasalan ang babaeng nabuntis nito ngunit alam nilang pareho na hindi magiging tama iyon. Kilala niya ito. They were the best of friends since they were kids. Responsableng tao si Miguel. Kahit nais niyang magalit sa ginawa nito sa kanya ay alam niyang wala nang saysay pa iyon. Kahit magwala siya ay hindi pa rin magbabago ang katotohanang ikakasal na ito... bukas. At kaya siya naroon ngayon sa California dahil siya ang kinuhang "best woman" nito. Kahit masakit para sa kanya ang bagay na iyon ay hindi siya makatanggi dito. Walang importanteng okasyon sa buhay ni Miguel na wala ang presensiya niya at ganoon din si Miguel sa kanya.
"I'm really sorry. Sana mapatawad mo ako." Muling paghingi nito ng tawad sa kanya. Hindi lingid sa kanya ang pagmamahal nito sa kanya na higit pa sa kaibigan. Niyakap siya ni Miguel nang mahigpit na ginantihan din niya ng ganoon kahigpit.

Mahigit kalahating oras na ganoon ang kanilang posisyon habang nakaupo sa hagdan ng bahay ni Miguel. Tahimik silang umiiyak sa isa't isa.
"Tumahan ka na. Magmumukha kang tiyonggong puyat bukas sa kasal mo." Pagbibiro ni Ellen rito mayamaya. Tinapik niya ang balikat nito.

Bahagyang tumawa ito at pinunasan ang luha sa sulok ng mga mata nito. "Aw man, life without you is going to be so hard for me."

"Don't say that. Mag-aasawa ka lang naman. That doesn't mean we're going to stop being friends." Hindi niya alam kung saan niya kinuha ang tapang para sabihin ang mga salitang iyon. Alam niya, sa sulok ng puso niya na may magbabago sa pagitan nila oras na mag-asawa na ito. Mas lalong mababasawan ang pagkakataon na magkakasama sila. Kung noon na long distance ang relasyon nila, ngayon pa kayang mag-aasawa na ito ng iba?

"That's a promise, Ellen. Please don't break your promise," he said with pleading eyes.

Tumango siya. "That's a promise."
"Always remember that I love you," madamdaming sabi nito sa kanya.

"I know. At mahal din kita. Alam mo 'yan." May bahid ng hapdi sa puso niya pagkasabi niya niyon. Ito ang lalaking inibig niya sa napakahabang panahon subalit hindi na magiging kanya. How ironic life is. Mapait siyang napangiti.

Kinuha nito ang mga kamay niya at dinala nito iyon sa bibig nito. May namumuo na namang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ni Miguel. Bumuntong-hininga ito at tinitigan siya. "When the time comes you got married and have kids, I know you would, one day. Promise me that we're going to marry them off together."

Napatitig siya dito, hindi makapaniwala sa sinabi nito. "Is that a joke or something, Miguel?"

Matigas na umiling ito. "No. I'm serious, Ellen. When the time comes, our kids get older, I would want my son or my daughter marries your son or your daughter. Kung... kung sa panahong ito ay hindi tayo ang nagkatuluyan, gusto ko na ang magiging mga anak natin ang magpapatuloy nang kung ano ang nawala sa ating dalawa..." Seryosong pahayag ni Miguel.

Natahimik siya. Napaisip sa sinabi nito.



Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon