CHAPTER EIGHT

9.9K 185 1
                                    


MICKY could not take his eyes off on the woman standing a few inches from him. Nakatingin ito sa mga bituin sa kalangitan. She could see the amazement in her eyes. Nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito. She was a sight to behold.

He liked everything about her. Naaaliw siya kapag naiinis ito sa kanya dala ng pang-asar niya rito. Natutuwa siya kapag nakikita niyang masaya ito sa piling niya. Inviting her in that cruise was not a mistake. He was happy being with her. Ang akala niya ay si Louise ang tanging babae na makakapagpasaya sa kanya. Subalit maling-mali siya. Marla made him feel so many things he never thought he could ever feel with another girl.

Hindi siya nakatiis na lumapit dito. "Hey..."

Humarap ito sa kanya. "I can't believe this is the last day of our trip. Ang bilis ng panahon. Two-weeks na pala ang nagdaan," She said with that beautiful smile on her face.

"Yeah. Hindi rin ako makapaniwala," nagkibit-balikat siya. "It's a reminder that it's time to go back to reality." Ngayon ay pabalik na sila sa Subic. Pagkatapos ng biyaheng iyon ay babalik na rin sila sa Maynila. Kung siya ang tatanungin, tila mas nais niyang huminto ang oras upang mas magkaroon pa siya ng maraming panahon na makasama ito sa ganoong klase ng bakasyon. Hindi sapat para sa kanya ang dalawang linggo na magkasama sila. Ngunit alam niyang hindi maaaring mangyari ang nasa isip niya dahil mayroon siyang mga naantalang responsibilidad sa opisina. Ipinangako niya sa sarili na kahit tapos na ang bakasyon nilang iyon ay hindi doon natatapos ang ugnayan nilang dalawa.

Mataman itong tumingin sa kanya. "Thank you so much for everything, Micky. You've made me so happy. You've taught me a lot of things. You've given me the best moments of my life. I will never ever forget this," pagkasabi niyon ay hinalikan ni Marla pisngi niya.

Napangiti siya sa gesture nitong iyon. Noong isang araw ay bigla rin siya nitong hinalikan nang hindi niya inaasahan. Well, she was not the one who would initiate a kiss. It was always him. "And after all the things I've done for you, I only got to be kissed on the cheek? That's so lame, Marla." Of course, he was just teasing her.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Do you expect that I'd give you, a kiss on the lips?"

"Well, why not? That'd be perfect, baby." Wala nang mga labi pa siyang nais na halikan kundi ang pares ng kay Marla lamang.

Umingos ito. "Nakakarami ka na nga ng halik sa 'kin, eh."

"Can't help it. You're so hot and inviting and I like kissing you."

Namula ang magkabilang pisngi nito. Natahimik sa sinabi niya.

He chuckled. "You make me want to take all the oxygen out your chest when you blush hard like that."

"Micky!"

Tiningnan niya ang mga labi nito kapagkuwan ay ibinalik niya ang tingin sa magandang mukha nito. Hinapit niya ang baywang nito palapit sa kanya. They stared into each other's eyes. "I'm waiting, Marla."

"A-ko ba dapat ang unang hahalik sa'yo?"

Nagkibit-balikat siya. "Para maiba naman."

"Ehhhh..." tila nag-iisip pa ito.

Lalo niyang hinapit ang katawan nito sa kanya. He couldn't resist the urge to kiss her. Hindi na niya ito hinintay na makaalma pa. He caught her mouth for a kiss.

TILA nalulunod si Marla sa halik ni Micky. If there were things that Micky was so good at, kissing would definitely be on the top of the list. Palalim nang palalim ang halik nito sa kanya na noon niya lang naramdaman na bukod sa halik ay kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay nito. She felt his hands cupped her buttocks. At gusto man niyang palisin ang kamay nito roon ay hindi niya magawa. She was much absorbed with their kissing than anything else.

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon