"ARE you on crack, man?" tanong kay Micky ng kasamahan sa trabaho at kaibigan na si Justin. "I've been talking here and you're not listening to me. May problema ba?" nakakunot pa ang noo nito.
Nilingon niya ito. "Anong 'crack' ang pinagsasabi mo diyan? At ano naman ang magiging problema?" Nakakunot din ang noo na tanong niya kay Justin. May ibinigay itong floor plan sa kanya ng isa sa mga bagong project ng kompanya nila kaya ito nasa loob ng opisina niya.
"Aba, malay ko sa'yo. Kaya nga nagtatanong ako."
Hinagip niya ang mug niya ng kape at ininom iyon. Malamig na iyon dahil kanina pa iyon ibinigay ng sekretarya niya ngunit pinagtiyagaan na rin niya. Nahulog na naman siya mula sa malalim na pagiisip. He had been thinking about the girl he spent the rest of the night with in his hotel suite in Tagaytay. At sa totoo lang ay napapraning na siya kakaisip dito. Walang araw sa buhay niya sa mga nakalipas na linggo na hindi ito ang laman ng isip niya. At hindi niya matanggap na basta na lang siya iniwan nito at matagpuan ang kanyang sarili na nagiisa sa kanyang silid kinabukasan pagkatapos na may mangyari sa kanila. Hinanap niya ito sa buong country club sa pag-asang makikita niya ito doon. But it was futile.
It was just a one-night stand, right? Anang isang bahagi ng isip niya sa kanya. No, it isn't just a one-night stand! kontra naman ng isa. Kung isang simpleng one-night stand lang para sa kanya ang bagay na iyon, hindi na dapat niya iniisip pa ito. Bukod doon ay parang hindi sapat para sa kanya ang isang gabi na pinagsaluhan nila ng babae. He could still remember every detail of the things they did that night. He could still remember those beautiful and sexy sounds she made each time he touched and kissed her soft smooth skin. She was like a goddess and she had a banging body. And he felt hot all of a sudden just by thinking about her. Damn!
Wala siyang alam maliban sa pangalan nito. He had already searched her name on the internet, but he found no information about her. Kung saan ito hahanapin. Kunsabagay ano nga naman ba ang makukuha niyang sagot, gayung ang pangalan lang nito na "Marla" ang ibinigay nito sa kanya? Marami itong kaparehas na pangalan sa mundo. Sino ito sa mga iyon?
"Huwag mong sabihin sa 'kin na iniisip mo na naman 'yung babaeng na-meet mo sa bar two weeks ago? Kung ako sa'yo, kalilimutan ko na siya. You don't know anything about her. Duda ako kung makita mo pa ulit siya," payo ni Justin sa kanya.
Dahil malapit na kaibigan niya ito ay nasasabi niya rito ang ilang mga bagay tungkol sa sarili niya. At kabilang na roon ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Marla. "One-night with her is not enough. And I'm going to find her," he said with determination.
"You're crazy! I mean, c'mon, man. Saan parte ng Pilipinas mo siya hahanapin? Napakalawak ng Pilipinas!" naiiling na sabi ni Justin.
"I will find her. You can bet on that." I want her. Just plain and simple. He wouldn't stop until he got to find her. Siguro nga ay nababaliw na siya ngunit masidhi talaga ang pagnanais niya na muling makita ang babaeng nakasama niya sa Tagaytay. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair. He checked the time on his wristwatch. "Let's go. We have to meet Mr. Castillo," yakag niya kay Justin. Si Mr. Castillo ay ang bagong kliyente nila. May ipapatayo itong malaking resort sa Zambales. At ang kompanya nila ay isa sa mga nag-bid para makuha ang project na iyon.
Sabay na lumabas sila ni Justin sa corporate building ng Sarrosa Constructions Inc. o SCI. Nasa harap na ng building ang Audi R8 niya. Kanina pa niya tinawagan ang valet na i-park iyon doon. Naunang sumakay sa passenger seat si Justin. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat at papasakay na sana siya sa loob nang may mahagip ang kanyang mga mata sa kabilang kalsada. Tila pamilyar sa kanya ang babaeng nakatayo sa harap ng isang commercial building na may bitbit na isang malaking train case. Parang sinipa ang kanyang dibdib. Namamalik-mata ba siya sa nakikita? Si Marla ba iyon? But the woman did not have a strawberry blonde hair. Nagsimulang maglakad ang babae palayo sa kinatatayuan nito. At ganoon na lang ang pagnanais niya na sundan ito. Tumawid siya ng kalsada subalit napahinto siya nang makarinig na malakas na busina. Naka-go na ang traffic light at maraming nagdaraan na sasakyan sa harap niya. Napaatras siya.
BINABASA MO ANG
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)
RomanceFound You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. A...