"I FOUND her, man. I found her." Ngiting-ngiting imporma ni Micky sa kaibigan na si Justin nang makaalis na sa conference room ang mga kasama nila sa meeting kanina.
"Found who?" nilingon siya ni Justin mula sa pagliligpit ng mga gamit nito.
"Marla! You wouldn't believe it, but she's actually the girl my mother wanted me to marry." Ngayon lang ulit sila nagkita nito dahil nasa Pampanga ito nang tatlong araw para isang proyekto ng SCI kaya ngayon lang niya nasabi dito ang tungkol kay Marla.
"Whoa! What a small world! And here I thought, you're not going to see her again."
Tumangu-tango siya. "Uh-huh! And I'll be having a vacation with her," sabi niya rito. Hindi maalis ang ngiti sa mukha niya.
"Iiwan mo ang mga trabaho mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Justin sa kanya.
"Just for two weeks, man. Ikaw na muna ang bahala rito. I trust you. And my dad trust you, too," wika naman ni Micky sa kaibigan. Alam niyang kayang lahat ni Justin ang trabahong iiwan niya rito pansamantala. Why, he was one of the top engineers of their company. Tauhan niya ito at malakas ang kompiyansa niya rito.
"Why all of a sudden? Hindi ikaw ang tipong basta na lang nagbabakasyon." Iiling-iling na sabi pa nito.
He was right. Minsan lang mangyari iyon. At pinakamatagal na ang tatlo o apat na araw na bakasyon sa kanya. He was a workaholic. He loved his job and he liked being busy with work. But things suddenly changed. He suddenly felt like he needed a breather. Na parang napapagod siya sa pagtatrabaho. And here comes, Marla...
At ang imbitasyon niya kay Marla para sa isang cruise ay hindi planado. It was a spur of the moment decision. There was a strong feeling in him that he wanted to be with her, to spend more time with her. Aminado siyang bukod sa pisikal na nararamdaman niya at matinding atraksiyon niya para dito, there was something more there which he could not explain. Hindi niya inaasahan na mararamdaman niya iyon para sa dalaga. But he would just go with the flow.
Umaasa siyang papayag si Marla sa imbitasyon niya. Well, he was confident that she would go with him. Nararamdaman niya iyon.
"Halos tatlong taon na akong walang bakasyon, if you must remember," sagot niya. "Nagpaalam na rin ako kay Dad, pumayag naman siya. So..." nagkibit-balikat siya.
"A two-week vacation with this woman named Marla." Napasipol ito. "Are you serious with her now, man?" Tiningnan siya nito na tila inoobserbahan siya.
"This is just a vacation. Why are you asking me that kind of stuff?" He just asked Marla to have a trip with him. Nais niya talagang makasama ang dalaga. Ngunit hindi ibig sabihin no'n ay nasa seryosong lebel na sila ng relasyon nila. Kung tutuusin ay wala pa nga silang matatawag na relasyon. A relationship with Marla? Napangiti siya. He seemed to like the idea.
"Well, this is the first time I heard this from you. Ito ang unang beses na magbabakasyon ka kasama ang isang babae. We've known each other for too long and you never did that with any of the girls you dated before. And two weeks is two weeks! Mahaba din iyon."
"I don't see anything wrong with wanting to know her better. Parang hindi ka dumaan sa ganito," ani Micky sa kaibigan.
"Hindi talaga." Humalakhak si Justin na napapahampas pa ang kamay sa ibabaw ng conference table.
"Why are you laughing like a lunatic?" naguguluhang tanong niya kay Justin. Naka-kunot pa ang noo niya.
"I'm not your best friend for nothing, Micky," Justin said knowingly. Na parang may alam ito sa isang bagay na hirap siyang hulaan o intindhihin kung ano. Well, hindi naman din niya alam kung ano ang ibig nitong ipahiwatig.
BINABASA MO ANG
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)
RomanceFound You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. A...