NAGULAT si Marla nang sumunod na gabi ay naroon si Micky sa bahay nila. Hindi niya inaasahan na darating ito. Tinawag siya ng kawaksi nila at sinabi nitong naroon ang lalaki at gusto raw siyang makausap nito.
Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Bigla ay sinakmal siya ng kaba sa dibdib. Siniguro niyang presentable siyang tingnan bago siya bumaba upang harapin si Micky.
Nakapang-opisina pa ang binata nang makita niya itong nakatayo sa gitna ng living room nila—Light blue long-sleeved polo, dark blue necktie na medyo maluwag na ang pagkakabuhol sa leeg nito, black slacks and leather shoes, she bet it was Gucci. He really looked handsome and sophisticated in his outfit. Hindi niya type ang mga lalaking ganoon ang attire. She preferred the rugged look in men. Ngunit kakaiba ang dating ng lalaking ito sa kanya. Malakas ang dating nito at parang nanlalambot ang mga tuhod niya habang pinagmamasdan niya ito.
"What brought you here?" Hindi niya alam kung ano ang dapat nilang pag-usapan. Pagkatapos nang gabing magkakilala sila ng pormal ay wala naman siyang inasahan mula rito. Well, for one he didn't even get her number. Malamang ay hindi ito intresado sa kanya. But when he looked at you that night, parang gusto ka niyang kainin ng buo... anang isang bahagi ng isip niya. She simply shook her head to get that thought off her head. Kung ano na tuloy ang pumapasok sa isip niya.
"Maniningil ng utang. Kung naaalala mo pa, may utang ka sa 'kin," sagot naman nito na nakangiti.
"Iyon lang ba? Eh,'di sana nung araw na magkita tayo siningil mo na ako. Pasensya ka na, nakalimutan ko na kailangan nga pala kitang bayaran. Sandali lang. Kukunin ko lang 'yung wallet ko sa taas." Tumalikod siya. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pagkadismaya na naramdaman niya dahil sa sinabi nito.
Hinagip nito ang braso niya. "Binibiro lang kita." He chuckled. Mula sa likod nito ay inilabas nito ang bouquet ng pink pearl roses. "For you." Ibinigay nito sa kanya iyon.
Tinanggap niya iyon, biglang napangiti. Subalit nagtataka siya kung bakit siya binigyan nito ng bulaklak. "Thank you. Para saan ito?" Na-appreciate niya ang pagbibigay nito sa kanya ng bulaklak sapagkat paborito niya ang pink pearl rose.
Tumaas ang mga kilay nito. "Masama bang bigyan ka niyan? Hindi ba tama lang na bigyan ko ang fiancée ko ng bulalak kasi dinadalaw ko siya?"
Agad namang napalis ang ngiti sa mukha ni Marla. "Well, excuse me, but I'm not your fiancée."
"You are. Hindi ba at gusto tayong ipakasal ng mga magulang natin?" Ang kislap sa bahagyang singkit na mga mata nito ay tila nanunudyo.
"Nababaliw ka ba? For the record, hindi pa ako pumapayag sa kasunduang iyon." Oo at guwapo ito pero parang gusto niyang ihampas dito ang bouquet ng bulaklak ng mga oras na iyon sa pag-ahon ng inis niya rito. She did not like the way he was behaving, na para bang tuwang-tuwa ito na asarin siya.
"May nangyari na nga sa atin, ayaw mo pa rin pumayag na maging fiancée ko?" nakakaloko ang ngisi nito.
"Shut up!" Inilapag niya sa center table ang bulaklak saka hinila niya ang lalaki palabas sa bahay nila. Dinala niya ito sa garden. Mahirap na at baka may makarinig sa pinagsasabi nito at isumbong pa sila sa daddy niya.
Napabuga siya ng hangin. "I didn't know that you could be this annoying!"
"Ikaw ang annoying! You left me that day without a word!" nahimigan niya ang inis sa tinig nito. Tila sinusumbatan siya. May ideya siya kung ano ang tinutukoy nito.
BINABASA MO ANG
Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)
Lãng mạnFound You (January 2015) by Yaney Matsumoto "I love you. You're my present and you're definitely going to be my future." Hindi alam ni Marla kung matatawa o magagalit sa kanyang ama nang sabihin nito na ipapakasal siya sa anak ng best friend nito. A...