CHAPTER THREE

12.1K 220 9
                                    

KANINA ay ang kasal ni Louise kay Jaeden. Gaya ng pangako ni Micky sa kanyang stepsister ay hindi siya na-late sa kasal nito. Kahit galing pa siya ng Cebu ay pinilit niyang lumawas ng Manila ng mas maaga. Mula sa NAIA ay agad na bumiyahe siya papuntang Tagaytay. He certainly wouldn't want to disappoint Louise. Dumating siya sa simbahan bago pa man magsimula ang seremonya ng kasal nito. Nakaabot pa siya bago pa nagsimulang maglakad ang buong entourage sa simbahan.

Engrande ang pangalawang kasal na ibinigay ni Jaeden para kay Louise. Marami ang nakisaya para sa dalawa. Nakita niya si Ninong Miguel kasama ang amerikanang asawa nito sa wedding reception. Kausap ng mga ito ang ina at stepfather niya. Iniharap siya ng kanyang ina sa mag-asawa. Wala roon ang babaeng ipapakasal sa kanya. Hindi na siya nagtanong dahil hindi naman talaga siya interesado.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mag-asawang sina Louise at Jaeden. He was happy for the both of them. They were just meant to be together. But somehow he felt a little jealous of his friend. Aw man, I don't want to dwell on that again. Hangga't maaari ay ayaw na niyang pakaisipin pa ang bawal na damdamin na mayroon siya para kay Louise. She was his stepsister, for jeez's sake! Kailangan lagi niyang itaktak sa isip ang bagay na iyon. Ang kung anumang damdamin na mayroon siya para dito ay kailangan na niyang ibaon sa limot.

Hindi pa man natatapos ang kasiyahan ng mga bisita sa reception ng kasal nina Louise at Jaeden ay lumabas na siya roon. Hindi niya kayang lokohin ang sarili niya, he wasn't that... happy. He was truly an awful person.

MARLA felt so wretched. She dated a few guys back in the States, but this was the first time that she had been fooled! Hindi niya sukat akalain na pumatol siya sa isang playboy. Ang akala niya ay matinong lalaki ito. Wala siyang nakitang signs na babaero ito. His attention was all on her or so she thought. Malay ba niyang bukod pala sa kanya ay marami pala itong ibang girlfriends? Magaling magtago ng kalokohan ang walanghiya. Ngunit kasalanan din niya. Nagpadala siya sa karisma ni Liam. Dapat ay nakinig siya sa sinabi ng kanya ni Via noon na huwag niyang entertain-in ang lalaki. Matigas ang ulo niya kaya iyon ngayon ang napala niya. Sure, she wasn't that in love with the man. But there's still a nagging pain inside her after knowing that he was cheating on her. May pinagsamahan din naman sila. At higit sa lahat, ang hindi niya matanggap ay ang katotohanang naisahan siya nito! She felt so stupid.

Tama rin ang kanyang daddy. He was a good judge of character. Hindi niya nakita ang nakita o napansin nito kay Liam. Mabuti na lang at nahuli niya ang tunay na kulay ni Liam bago pa lumalim ang relasyon nila. At dahil wala na siyang boyfriend ngayon, paano na siya? Matutuloy na ang kasal niya sa lalaking hindi niya kilala. Sa lalaking hindi niya mahal. She felt even more wretched with that thought.

Tinungga niya ang pangatlong baso niya ng Martini. Mga higit sa isang oras na rin siyang naroon sa bar na nasa loob din mismo ng country club. Iyon ang naisipan niyang puntahan matapos niyang makita si Liam na kasama ang girlfriend number-whatever nito. Nakalimutan na rin niyang puntahan ang wedding reception ng mga ikinasal na kliyente ni Via. Masamang-masama kasi ang loob niya. At problemado siya. Sabi nila, kapag problemado ang isang tao ay makakatulong ang pag-inom na alak para panandaliang makalimutan ang mga problema nito. Ngunit kanina pa siya roon at nakailang shot na siya ng Martini pero gising na gising pa rin ang isip niya. She needed more drink. She wanted to feel numb. She didn't want to think of her worries at that moment.

Nang maubos na ni Marla ang kanyang baso ng Martini ay nauuhaw pa siya. Gusto pa niya ng marami niyon. Itinaas niya ang kamay upang tumawag sana ng waiter kaso ay hindi naman siya napapansin ng mga iyon. Naisipan niyang pumuwesto na lang sa bar counter. Iilan lang ang mga nakaupo roon.

Found You (COMPLETE- Published under Precious Hearts Romances 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon