-MAGMAHAL MULI-
PART8PART8
Pinaalam ni jimboy si Zonia sa kanyang ina para iDate si zonia, pumayag naman ang ina ni zonia.
'Wait jimboy, san ba tayo pupunta?' hila hila ni jimboy si zonia
'Basta! sumama ka lang saken.'
'San ba kasi tayo pupunta?'
'nandito na tayo' nagulat si zonia sa pinagdalhan sa kanya ni jimboy.
'Ba-Bakit tayo nandito? uuwi na ako' aalis na sana si zonia ngunit pinigilan ito ni jimboy at hinawakan sa braso.
'sandalin lang zonia' pagpipigil ni jimboy
'bitiwan mo ako jimboy, uuwi na ako' halatang naiirita na si zonia
'Sandali lang naman zonia, makinig ka muna saken.'
'Bakit jimboy? bakit mo to ginagawa saken ha?' mangiyak-ngiyak na sabi ni zonia'at bakit kailangan dito pa ha? anu bang alam mo?' tuluyan ng umiyak si zonia at tinakim niya ang mga kamay niya sa buong mukha habang umiiyak niya na para bang bata.
'oo zonia hindi ko alam ang buong kwentu, 2years ako nakita kita dito na umiiyak.' pagpapaliwanag ni jimboy
napahinto si zonia sa pag.iyak at hinarap si jimboy
' 2years ago??' tanong ni zonia kay jimboy
'oo zonia 2years ako, dito kita unang nakitang umiiyak ng dahil sa lalakeng yun.'
'Jimboy, Anu bang Alam mo HA?' galit na sabi ni zonia
'Kaya kita dinala dito, para sa tuwing makikita mo itong park na to, hindi lang puro lungkot ang mararamdaman mo, ayokong nakikitang kang nalulungkot zonia, napansin ko kasi nung hinatid kita sa bahay niyo ng dumaan tayo dito, grabe nalang yung lungkot na naramdaman ko nung nakita kitang umiyak nun.''Pero bakit jimboy? Anu ba gusto mo? bakit mo to ginagawa saken ha? oo
aaminin ko jimboy Crush kita. pero natatakot ulit akong magmahal.' humagulgul na naman sa iyak si zonia nilapitan ito ni jimboy hinawakan ang magkabilang braso ni zonia.
'Tignan mo ako zonia, tignan mo ako sa mata!' dahan dahan inangat ni jimboy ang mukha ni zonia
' Hindi Lahat ng tao, manloloko, hindi lahat ng tao magagawa kang saktan, oo nasaktan ka na kaya natatakot kang magmahal ulit, pero zonia iba iba ang ugali ng tao, siguro... yung lalakeng nanakit sayo hindi niya deserve ang pagmamahal mo, at Ang tanga niya, nagawa pa niyang iwan ang isang tulad mo, na napakaganda, matalino, mabait, pero maliit.' bahagyang napangiti si zonia sa sinabi ni jimboy
'Grabe ka ganun ba talaga ako kaliit?'
'Hindi naman! konti lang, kaya tandaan mo, ang bawat kanta ay may iba't ibang tono, ganun ang tao, may iba't ibang ugali. kaya tahan na! wag ka na umiyak sa taong ikaw mismo ang sinayang.' pinunasan ni jimboy angmga luha sa pisngi ni zonia gamit ang kanyang kamay.
'Wag ka na umiyak ha!, may papakita pala ako sayo, umupo ka muna dun.'
Sumipol si jimboy tsaka nagsilabasan ang mga batang may dalang kapirasong papel na may nakasulat. at kumakanta din sila ng MAGMAHAL MULI..
Z O N I A, P W E D E B A K I T A N G M A G I N G G I R L F R I E N D ???
nagulat si zonia sa nakita at ito naiyak na naman( iyakin si zonia dito hahaha author) lumapit si jimboy kay zonia at itinayo ito mula sa pagkakaupo, inabot ni jimboy ang bulaklak na pinitas pa niya ito sa halamanan ng kanilang kapitbahay.
'ZONIA, PWEDE BA KITANG MAGING GIRLFRIEND ??'
'Girlfriend agad? ligawan mo muna ako.' ngumiti si zonia habang naiiyak pa.
'Sige, Maghihintay ako sa sagot mo zonia,' niyakan ni jimboy si zonia, nasira ang moment na yun ng may kumalabit kay jimboy,
'Kuya, yung bayad po namin' sabi nung bata.
'Ay oo nga pala! ohh, eto 100php hati hati na kayo ha? wala pang sahod si kuya e,' inabot ni jimboy sa bata ang 100php at tsaka ito umalis.
'ikaw ha! ginamit mo pa ang mga bata!' sabi ni zonia at nagtawanan ang dalawa.
'Ngayon, may masayang pangyayare na dito. hindi ka na malulungkot sa tuwing dadaan ka dito, tara hatid na kita sa bahay niyo'
naglakad pauwi sila zonia at jimboy pauwi ng bahay, masaya silang naglalakad na magkahawak ang kanilang mga kamay.