Story 2

1.7K 16 9
                                    

"Ma'am Zia Gising na po"

Naalimpungatan ako sa  tapik ni Manong Roger.

To talagang si Manong hindi na nilayasan yung kambal napakaloyal.

"Manong salamat ho." Nakamulat na ko at bumaba ng kotse. Laking gulat ko ng biglang humarurot palayo yung kotse at syempre kotse yun sabi ng walang cut sa totoong buhay kaya hindi ko na tinangkang habulin dahil alam ko na wala din akong aabutan. =__=

Teka.

Repolyo naman oh (cuss yan. Gasgas na kasi ang letsugas. Ibahin natin tapos sa susunud carrots naman. hanggang sa makumpleto ang bahay kubo)

"May carrots ba sa bahay kubo?" Bigla kong naisatinig ang naiisip ko. Ayan hirap ng magisa. whew.

 Nasaan nga ba ako?

Amusement park?

Perya?

Gubat?

May Merry-go-round e.

So nasaan ako?

Para naman akong nagbubugtong ay.

Naglakad lakad ako, nagbabakasakali na may makikitang tao sa paligid, kaso mukhang abandonado na.

Hala! Ganito yung sa Ben 10. Yung may mga freaky na clown! Waaaa! Help!  Guardian angel please be with me. v,v

Lakad lang ako ng lakad tapos may napasin ako na bulto ng tao. Ay bata pala na may dala syang aso.

Teka parang kilala ko yung aso.

"Hoy bata!" Hinabol ko yung bata kasi nung napansin ko sya biglang tumakbo. Alam nyo yung parang sadya? Ayun ganon yun.

"Bata! Tigil! Sa ngalan ng buwan! Aarestuhin kita!" Repolyo na bata to. Ambilis parang si Palos. Hinihingal na ko kaya  tumigil na ako

Sa isang pavement dun sumalampak ako.

"Lanjek na bata! Snatcher ba yun?Ha!" Hinahabol ko pa din ang hininga ko. Grabe lang kasi."

Habang abala ako sa paghabol sa hininga ko.

Napansin ko may papalapit sa akin.

At napangiti ako sa nakita ko.

"Arf! Arf! Arf! Arf!" Tahol ng aso.

"Waaa! Chu chu. Alex.chu. Lapit ka sa akin" At tulad ng inaasahan lumapit sa akin yung aso. Isa itong magandang Japanese pitch na kulay puti.

"Ankyuuut mo talaga Alex. Nasaan na yung engot mong amo?" Ang tinutukoy ko ay ang isa sa kambal.

Si Kyle John Villasis.

(Kyle's POV)

Napangiti ako ng makita ko na yakap nya si Alex. 

Hindi ka pa rin nagbabago Alexa.

Tama. Hindi ko siya tinatawag na Zia. Panget e. Ang ganda ganda ng pangalan niya ayaw nyang gamitin.

Nakakamiss din pala ang bestfriend kung ito.

Pero dahil namiss ko sya. 

Tamang dito na lang muna ako sa malayo para mapagmasdan sya.

Ang ganda niya talaga pag nakangiti. Nakakaewan. Yung tipong mahahawa ka.

Kinakausap nya si Alex.

Ang galing. ^____^ kung alam lang nya na sa kanya ko isinunud ang pangalan ng aso na sabay namen inalagaan nung First Year HS pa kami.

Manhid talaga. Hindi man lang nya nahalata.

Naglalakad na ako palapit sa kanya, pero napahinto ako.

Stop! Look and ListenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon