(A/N: Annyeonghaseyo! :) Ano po? I've changed the the title and the cast kasi nagkaroon po ng conflict.chuchu. :<
Anyway, tuloy pa din po ang storyline natin, wala naman po akong balak baguhin yun since this story don't have a specific plot.
Ayon po. Sa mga nakapagantay po. Maraming salamat po talaga! :))
(JUBEI"S POV)
KISS?
Seryoso pa itong mga minions na ito?
Grabe naman mag-isip ang mga kabataan ngayon at alam nila ang kiss-kiss na yan. Kung tutuusin naman ay mga baby pa itong mga kaharap ko ah.
"Kidos, Bakit alam nyo na yang kiss ha?" Nahihiwagaan talaga ako sa mga notorius na mga bata to.
"Kasi po ginagawa yun lagi nina Mommy at Daddy, Dati nagpi-freak out po ako ngayon hindi na po."---Jigs
"Sabi naman po ng Kuya Lloyd ko ginagawa daw po yun ng inlove. In love ka naman po kay Ate di ba?---Luke
"Talaga Luke? Ako na lang kikiss kay Ate love ko na ata siya e."---Dev
"Hoy! Akin nga lang siya!" Nakakainis tong mga batang to. Uunahan pa ako kay Ziandra.
"Edi i-kiss mo na siya or kami na lang tatlo kikiss sa kanya?"
Napatingala ako sa kisame. Lord, hindi po ba kayo magagalit kung sakali po na, kung sakali lang naman po na pingotin ko ang mga batang ito?
Napakauutak, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa mga bata na to na magagalit si Ziandra pag nagtangka akong halikan siya.
Magalit nga kaya siya?
Siguro.
Malamang.
Sana hindi.
"Shit." I cursed in a low voice. Mahirap na at baka marinig pa ng mga batang ito.
Napabalik na ang tingin ko sa tatlong pares ng inosenteng mata ng mga bata sa harap ko.
"Kidos, ganito kasi yan." Tsk. Napakahirap naman nito.
"Jigs, Luke at Dev, You know kids I can't kiss Ate Ziandra. Okay?"
"Ang ganda naman ng pangalan niya."---Jigs
"Crush ko talaga si Ate Zandra."---Dev
"It's ZIANDRA! Remember that!" Tss. Ayoko talaga na may nagkakamali sa pangalan niya.
"Okay po. So Why can't you kiss he Kuya Bei?"---Luke
"It's JUBEI! Hay! Ano ba naman kayong mga bata kayo? Ayusin nyo nga mga pangalan namin."
"So Kuya Bei, Why?"
Anak ng pitongpung-pitong-pato!
"I- I can't kiss her because she is not my g-girlfriend."
Bakit napakahirap sabihin ng katagang yun?
Girlfriend.
"Pero sabi mo, sa iyo sya. Ang labo mo naman Kuya Bei!---Dev
"Ganito kasi yan, crush na crush ko siya. Alam nyo ba yun?"
Parang napaka babaw kong tao kasi ang confidant ko ay mga batang paslit.
"Hmm. Opo alam ko po yung crush."---Luke
"Sige nga Luke ano yung crush?"
"Yung crush po ay si Jigs. Crush nya po si Cleo!"---Luke
"Hindi kaya!"---Jigs
"Oo, crush mo kaya siya. Nakita ko sa notebook mo may picture ka ni Cleo nung birthday mo!"---Luke