Chapter 1

14 0 0
                                    

" Hello? Pa... "

" Sharmayne. I want to see you first day of March. Mr. Garcia's son wants to meet you. "

" But Pa- "

TOOOT. TOOOT. TOOOT.

Wala na naman akong nagawa. Buong buhay ko kontrolado ni Papa. Ako nga pala Si Sharmayne Reyes. 21 years old. Nakapag tapos ako ng Buss. Administration dahil 'yun ang gusto ni Papa. Ngayon nandito ako sa Manila. Ako ang nag mamanage ng Restaurant ni Papa dito.

Maraming nagsasabi sa'king bakit daw hindi nalang ako mag sarili. Tutal naka-graduate naman daw ako bilang cum laude. Madali lang daw para sa'kin ang makakuha ng trabaho. Pero pinagbantaan ako ni Papa na itatakwil bilang anak niya kung hindi ko siya susundin sa mga gusto niya.

At ang malala?

SABI NIYA KAPAG TUMUNTONG AKO NG 22 AT WALA PA AKONG NOBYO. IPAPAKASAL NIYA AKO SA ANAK NI MISTER GARCIA.

Psh! Oo alam kong iniisip mo. Ang higpit ng papa ko. Wag ka na magreklamo. E ano pa kaya kung ikaw ako?

BOYFRIEND.

BOYFRIEND.

BOYFRIEND.

Takte! Sa'n ba nakakabili ng boyfriend? -___________-

Ang hirap kasi kila Papa puro pera ang gusto. Madadala ba niya sa hukay 'yon? Tsk!

" Claire lalabas muna ako. " Si Claire best friend ko. Secretary ko na din. High school palang kami best friend ko na 'yan. Buntis na nga 'yan e. Daig pa ko. Samantalang ako di pa nakakaranas ng First Kiss, First Holding Hands Na Nagssway-sway pa, First Hug, First Movie Date, First Mondate-Tuesdate-Wednesdate-Thursdate-Fridate-Saturdate-Sundate with BOYFRIEND. Psh!

" Bakit? Ini-stress ka na naman ni tito? "

" Alam mo na. Papa ko 'yon e. "

" Sige ingat ka. "

" Thanks. "

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Nangangawit na ko. Teka nasa'n na ba ko? Wala pa naman akong kadala dala. Shemay naman oo! Dito nalang nga muna ko sa waiting shed. Tutal wala naman tao.

...

...

...

" Hi Miss. "

" Ay mongoloid! "

" Ang gwapo ko namang mongoloid. " Sabay ngisi ni kuya.

Pataaaay! Lord help me pleassse.

Tumabi sa'kin si kuya, este manong kase mukha na siya gurangchi e. Tapos hinawakan niya yung legs ko.

Walanjo! May flawless skin!

Lumayo ako sa kanya. Tapos lumapit siya. Lumayo ako, lumapit na naman siya. Hanggang sa nandun na ko sa dulo.

Nagsalita siya. " Magkano ka ba? "

Abaaaaaaa't! " Excuse me lang ho ahh. Hindi po ako bayarang babae. "

" Wag ka na magpakipot pa miss. Alam ko kung bakit ka nandito. "

Pleasssse Lord. Ipakasal niyo na po ako sa anak ni Mr. Garcia. Wag niyo lang po ako iparape sa panget na lalaking to. Mahal ko pa po ang buhay ko. :(((((

Bigla na kong inakbayan. " Tara. Dun tayo. "

Biglang kumulo ang dugo ko be! Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya sa'kin tapos pinilipit ko yung kamay niya. Nung akmang tatakbo na ko nahila niya naman yung isang braso ko saka siya ngumisi at tumayo ng diretso. Tinuhod ko yung "ano" niya. Namilipit ang loko saka naman ako tumakbo ng tumakbo.

TAKBO.

TAKBO.

TAKBO.

Paglingon ko sa likod ko hinahabol na niya ko.

OW MAY GEEE! Ayan na ang panget!

Nakakita ako ng bahay. May maliit na gate. Nakabukas. Pumasok ako. May garden. Dun ako nagtago sa halamanan.

Naramdaman ko si kuyang panget. Hingal na hingal.

" Pag nakita kitang babae ka hindi na kita pakakawalan pa! "

Halaaa si kuya. Ano ko girlfriend? Pweee.

Maya-maya narinig kong paalis na siya.

Thank you Lord. You saved me. ^_______^

Nanglalabas na ko biglang may tumahol na aso.

Pagsinuswerte ka nga naman oo. Lord di ba niligtas mo na ko? Itodo mo na pleasssse. T___T

" Kuya dito po sa garden tumatahol ang aso. " Boses manang.

Halaaa! May tao!

" Sige manang. Pakitignan nalang at baka may nakapasok. "

Oh! Handsome voice. Sana handsome peys at attitude din. Waaaaaa! Sharm ano ka ba! Nasa kapahamakan ka na nga kung ano ano pa iniisip mo!

Miiiiiiiiiiinnnnnngggg!

" Ay! " Biglang hawak ko sa bibig ko.

May pusa! Ano ka ba naman mingming 'wag ka muna ngayon maglambing. Mamaya nalang Ipapahamak mo ko e.

Biglang may humawi ng halaman at may tumutok na ilaw sa mukha ko.

Ow Lord. Nasa langit na ba ak----

" Kuya may tao! Napasukan tayo " Manang.

" T-teka lang po. H-hindi po ako m-masama----- "

" Nako miss laos na 'yan e. Halika sumama ka sa'kin " Sabay hablot niya sa'kin

" Kuya oh! "

" Miss? " Yung guy! Oh Lord ang bait mo sa'kin. Kung ito lang ang manghuhuli sa'kin kahit hindi na ko ibalik sa'min.

" Anong ginagawa mo sa bakuran ko? " Galit! -___-

" I-I was just------ " Nang bigla akong himatayin.

=====================================================

Tadaaa! Bagong story na naman. Di ko alam kung anong kahihinatnan nito.

Inspired to sa nabasa kong pocket book sa PHR. Ganda kasi e.

Bukas update ulit. Sana naman may vote kahit 10 lang. ^_____^

Thanks and Godbless. :))

-- Jhenn

YAM. You Are Mine. <3 (On Going Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon