The Place

22 1 0
                                    

Naka-upo ako sa may bench kasama ang naging unang kaibigan ko dito sa korea na si Mae Torres. Filipino rin siya. Kasama ko si Mae sa pina part time ko na trabaho. Kasalukuyan akong kumukuha nang pictures kasi first time ko pa lang kasi dito sa korea at dito mismo sa N Seoul Tower. Napakaganda nang lugar na ito.

"Grabe talaga Maeee! Ang ganda talaga dito sa korea!" Ako

Napakaganda talaga kasi. Sobra akong namangha. Lalong-lalo na sa mga view.

"Talaga? Mabuti iyan at nagagandahan ka sa bagong environment mo Mel" Mae

"Alam mo ba Mae na gustong-gusto ko talagang makapunta dito at mag-aral noon pa man?" Ako

Sabi ko kay Mae na may halong excitement!

"Hahaha talaga? Bakit naman dito sa korea Mel?" Mae

"Ewan. Tinatawag siguro ako nang korea at baka destiny ko nga talaga ang makapunta dito. Gustong-gusto ko talaga na pumunta dito noon pa man. Kaya noong pumayag sina mama at papa na pumunta ako dito? Naku! Sobrang saya ko talaga!" Ako

"Napaka supportive naman pala nang family mo Mel. At ang maganda pa doon pumayag sila" Mae

"Hahaha oo nga Mae. Eh ikaw ba?" Ako

"Ako? Maganda talaga dito kaya dito ako nagpunta hahahaha" Mae

"Iyon lang?" Ako

Ang dami kong reasons kung bakit ako nandito tapos si Mae, iyon lang reason niya? Wow!

"Hahaha oo. Bakit? May iba pa ba? Hahahaha dito na rin kasi ang buhay ko Mel"

Sabi ni Mae sa akin na nakasmile.

"Wala hahaha. Tara na? Tapos na kasi ang break natin eh" ako

"Sige. Tara na nga hahaha" Mae

Ako nga pala si Melissa Gomez. 29 years old. At Korea is my dream!!

I guess just like some other people dream! :)

Sabado kasi ngayon. Every weekend kasi nagpapart time ako dito sa isang shop. Isang Art Shop. Every weekdays naman ang pasok ko bilang isang teacher sa isang school kasama ang kaibigan ko na si Kindra. Magkahiwalay kasi kami ni Kindra nang pinapart timan na shop. Ang sabi niya sa akin sa isang Cafe siya nagpapart time. Nasa may counter ako nakapwesto. Ako ang taga kuha nang mga orders o kung may gustong bilhin ang mga costumers namin. Nasa pwesto na ako at naghihintay nang costumers. Si Mae naman pinagpatuloy iyong pagpipaint. Hindi niya kasi iyon natapos kanina
kasi nagbreak muna kami. May napansin naman ako na picture ng isang lalaki. Parang kilala ko kung sino ito pero hindi ko lang matandaan?

"Mel! May costumer" Mae

"Ayy! Sorry" ako

Tiningnan ko ang isang italian na lalaki at iyong painting na kinuha niya.

"This one please" Italian costumer

"Okay sir" ako

Binigay naman niya sa akin at ang bayad. Tapos binigay ko ang sukli.

"Thank you sir and come again!" Ako

"Thanks!" Italian costumer

Lumabas na iyong costumer. Wala namang sumunod na costumer kaya pinuntahan ko si Mae. Itatanong ko lang sana kung sino iyong lalaki sa painting. Nacucurious talaga kasi ako eh.

"Excuse me Mae, ahmm.. Sino siya?" Ako

Tanong ko kay Mae sabay turo ko doon sa lalaki sa painting.

Someone Like You (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon